Chapter 19

191 12 0
                                    


"Sigurado ka bang hindi ako ipapabaril ng mommy mo?"

"Gaga ka ba? Anong akala mo kay mommy, mafia?!" Nailayo ko ang phone ko sa tenga dahil sa lakas ng boses ng babaitang 'to. 

I sighed.

Magkikita kase kami ngayon ng mommy ni Aurcel. Sapilitan ko pang pinakiusapan si Angela para lang mapapayag siya. I just wanna talk to her to clear some things out dahil balak ko nang sagutin si Aurcel. Hindi kase ako mapapanatag kung sakaling maging kami nang hindi kami nagiging okay.

I know that I can still do it without his mother's permission but I also respect her as a mother to him. Gusto niya lang siguro kung ano mas nakakabuti sa anak niya and I understand that.

"I feel so nervous..."

"Don't be. Trust me."

I'm the who ended the call at pagkatapos nu'n ay nagsimula na akong magbihis. Atleast, I will look decent to her eyes. After almost an hour of preparing, I picked up the key of my car on the side table and wear my sling bag.

Sa isang cafe kami magkikita at medyo malayo-layo pa 'yon dito sa subdivision namin. I opened my stereo at bumungad agad sa 'kin ang mga hugot sa 'Radio Love'.

"Oh girls, tips lang para hindi masaktan nang paulit-ulit, dapat kayo ang manakit HAHAHAHA"

I rolled my eyes as I heard that.

"Truuueeee mga sis. Alam niyo na sa sarili ninyong ginawa niyo na ang lahat pero hindi pa rin naging sapat. Alam niyo kung baket?" sabat naman ng isa niyang kasama.

"Bakeeeet?"

"Kase sa iba sila nakafocus at hindi nila nakikita mga efforts niyo kaya kung ako sa inyo, self love muna because the right one will come at the right time."

I off the radio dahil mas lalo lang nitong dinadagdagan ang kabang nararamdaman ko. I just connect the small bluetooth speaker on my phone at nagpatugtog ng music. Hindi ko naman inaasahan na broken song agad ang bubungad.

Nagsisimula na akong mairita dahil hindi pa man ako nagkakajowa tapos ganito na agad ang pinaparating sa 'kin? P-paano nalang kung hindi ako tanggapin ng mommy niya? Will I still answer him 'Yes'? or susuko nalang ako at tatanggaping hanggang dito nalang kami? But I know, He will never let that happen.

After almost an hour ay nakarating na rin ako sa cafe kung saan kami magmimeet-up. Feeling ko nga mas lalo akong pinapahirapan ng mommy niya dahil talagang pinili niya sa malayong lugar kami magkita. Nang makapagpark ako sa harap ay bumalot muli sa akin ang kaba. Para bang hinahabol ako ng sampung dragon at konti nalang ay pagpapawisan na ako.

Kalma, Kaye...

Inhale

Exhale

Para namang bibitayin na ako sa pinaggagawa ko. I gathered myself together by saying, "I can do it!" in front of the mirror. After that ay lumabas na ako sa kotse. Pagpasok ko palang sa loob ng Joy's Cafe ay nakita ko agad ang mommy ni Aurcel sa pangdalawahang table. Agad akong dumiretso roon.

"Good morning po. I'm sorry if I'm late," kabado kong sabi. Mabuti nalang at hindi ako nabulol dahil baka mas maturn off pa siya sa 'kin.

"It's okay. You're just on time sa usapan natin. Maaga lang natapos ang meeting ko a while ago that's why nauna na ako dito." Napatango naman ako at ngumiti ng konti.Pagkaupo ko ay naramdaman ko agad ang malamig niyang titig kaya hindi ko maiwasang umiwas. 

"Uhm..."

Magsasalita pa sana ako ngunit pinutol niya agad 'yon.

"I'll go directly to the point, ija. Just like what I've said before, I don't like you for my son until now." Kung sobrang kinakabahan ako kanina ay mas triple pa ata ngayon na parang lalagutan na ako ng hininga. Is my image bad to her? Kaya hindi niya ako gusto kay Aurcel? 

"Sorry to ask this po pero maaari ko bang malaman kung bakit?" lakas-loob kong tanong. 

"I just don't want to see him hurt for a girl. His twin, Somerc suffered a lot when his ex girlfriend cheated on her. Si Aurcel ang palaging nasa tabi niya nu'ng mga araw na 'yon. I don't want that to happen again to any of my children."

Sa totoo lang ay nagulat ako sa nalaman. Parang kailan lang nu'ng may kausap si Aurcel at sinabing nagbalik na ang ex ng kambal niya. I didn't even get the chance to meet her kahit madalas kong nakakasama si Somerc dahil parati siyang sumasabit sa amin ni Aurcel. 

I understand her side anyway. Siguro kapag magulang ka talaga ay ayaw mong makitang nasasaktan ang anak mo and you'll do everything to give the best for them. My mom and dad is also strict to me but they know their limitations in terms of giving me advices. Aaminin kong minsan ay nagiging mahigpit din sila for me but I know that they're just protecting me from any harm.

"I know I'm being harsh towards you. You're a great girl and I can feel it. Unang kita ko palang sa 'yo ay alam kong hindi mo magagawang lokohin at saktan ang anak ko." She honestly said. 

"But you're just scared that maybe in the end, mali lahat ng akala mo sa 'kin, tita?" Napatigil siya sa tanong ko. It's my first time to call her 'Tita' I guess? Pinapakiramdaman ko lang kase ang mga maaaring mangyari dahil ayaw kong may magawa o masabi akong hindi maganda sa kanya.

"Yeah, you're right. But don't get me wrong. I can feel that you love my son that's why you asked me to meet you right?" I nodded. 

"I can see my son's efforts to you. He really loves you so much. I am happy that he's happy with you and I can't do anything to ruin that right? Kahit gustuhin ko pang ipaglayo kayo, alam kong pagsisisihan ko lang 'yon sa huli because at the end, I'll still choose the happiness of my son."

Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. I can feel that her words and feelings are so genuine at kahit alam kong may pag-aalinlangan pa siya sa 'kin ay isasantabi niya 'yon, for the sake of her son.

"Can I now ask you the permission to be his girlfriend, tita?" She smiled kaya napangiti na rin tuloy ako. Nabawasan na rin ang kabang kanina ko pa nararamdaman.

"Sure, no problem."

Sakto namang dumating 'yong isang waiter at nilapag ang dalawang cake na inorder siguro niya bago ako makarating dito. After we thanked him ay umalis na rin siya agad.

"Thank you so much, Tita. I'll do the best I can give to not ruin your trust on me."

Uminom siya sa kanyang milk tea bago niya ako sagutin.

"If ever that will happen, ako na mismo ang maglalayo sa anak ko sa 'yo..."

And I pray na sana hindi 'yon mangyari...

His HeatherWhere stories live. Discover now