Chapter 13

234 12 0
                                    


"APO?!"

Buti nalang at wala akong iniinom o kinakain kundi naibuga ko na sa mukha niya dahil sa gulat.

"Ayaw mo?" inosenteng tanong niya.

Wala pa ngang isang araw na nililigawan ako, apo na agad?

Eh kung gawin ko rin sa kanya 'yong ginawa ko sa kay Somerc. Tignan ko lang kung magkakaapo pa sa tuhod ang lola niya.

Pero syempre, joke lang. Gusto ko ngang magkaanak ng isang basketball team.

"Gusto mo masapak? Hindi ka pa nga ata nagsisimula sa panliligaw," saad ko.

Binalingan naman niya ako ng sandaling tingin. 

"Dinala ko na nga pamilya ko sa bahay niyo tapos dadalhin pa kita kina lola, sa tingin mo hindi pa  ako nagsisimula sa lagay na 'to?"

"But your mom doesn't like me," malungkot na emosyon ang lumabas sa 'kin pagkasabi nito.

"But I like you and that's what matters to me." Kasabay nang pagbigkas niya ng mga katagang ito ang siyang pag-ihip ng malakas na hanging sumalubong sa mukha ko. It seems like it's indicating  me to trust him and just go with the flow.

Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos nu'n at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kalagitnaan ng biyahe.

"Hey, wake up." Naramdaman kong may mahinang tumatapik sa pisngi ko kaya napamulat ako nang dahan-dahan. My vision is as yet hazy when I finally opened my eyes so I slowly rub it with my middle finger, not expecting to see the near presence of the guy I'm with.

Maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na naman ulit siya.

Naramdaman niya siguro ang pagiging awkward ng posisyon namin kaya tumikim ito at lumayo.

Sayang naman...

Chos-,-

"Sorry nakatulog ako."

"Ba't ka naman nagsosorry?" He confusingly asked.

"Kase trip ko lang." Nagpeace sign pa ako sa harap niya kahit mukha pa akong ewan dahil kagigising ko lang.

Napatikim naman siya. "We're here na."

Tumingin ako sa labas at bumungad sa akin ang isang malaking ancestral house. Sumisigaw talaga ang bahay na 'to na kahit noon pa ay may kaya ang pamilya nila. 

Agad ko namang kinuha ang mirror ko sa bag para mag-ayos muna ng konti. Nakakahiya naman kung haharap ako sa kanila na mukhang madungis na bata. Baka kase ayawan nila ako tulad ng ginawa ng mommy niya.

"You don't even need to fix yourself anymore. Just by looking at your precious smile, you can take everyone's breath away." Halos mapanganga ako sa sinabi niyang 'yon. 

I get a lot of compliments from other people pero madalas ay hinahayaan ko lang ito. Alam ko naman kasing hanggang itsura ko lang ang kaya nilang purihin pero hindi ang pagkatao ko. Well, except from my family. Pero pagdating kay Aurcel, I feel like he knows me very well even though we've just met for a few months.

"Really?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil feeling ko ang panget ko. Tumingin ako sa salamin at nakita kong may muta pa akong nagpapansin sa mata ko kaya agad ko itong tinanggal. 

"You don't believe me huh?"

Saglit ko siyang tinignan at bumalik ulit sa pag-aayos ng sarili ko.

"Sinasabi mo lang 'yan kase gusto mo 'ko 'no," seryoso kong sabi.

It's not like I'm against to what he said but I just want to test his patience to me.

His HeatherWhere stories live. Discover now