Chapter 2

636 21 4
                                    

Nang malaman kong s'ya pala 'yon ay bigla nalang kumulo ang dugo ko sa kan'ya. Nabuhay tuloy ang pagiging dragon ko.

"Sorry na nga. Uy, pansisnin mo na ako." Nnadito kami ngayon sa garden nila at busy kami ni Angela mag photoshoot kasama ang mga nag-gagandahang bulaklak. Kanina pa nga ring sunod nang sunod ang hinayupak na si Somerc. Hindi ko s'ya pinapansin mula pa kanina. Tsk

Manigas hotdog n'ya diyan.

"Hoy Aurcel! Kanina ka pa nag-titiktok diyan. Baka naman pwedeng isali mo 'ko para dumagdag followers mo," maangas niyang sambit sa kanyang kapatid. Buti pa si Aurcel tahimik lang na nagpapapogi sa tabi pero yung kapatid n'ya? Kulang nalang ipalamon ko sa kanya 'yong speaker.

"Baka i-bash ako kapag nakita ka nila." He smirked at his twin. 

Napailing nalang ako sa kanila at nagfocus sa camera.

"1, 2, 3, sakit ulo pose and click! Nice one." Alas-kwatro na rin kase ng hapon kaya perfect for sunkissed shoot.

"Patingin nga ng mga pictures n'yo." Pipigilan ko pa sana si Somerc nang tangkain niyang kunin ang digital camera ni Angge kaso bigla na lang siyang tumakbo. 

I rolled my eyes.

"Ano oras klase n'yo bukas?" Napatingin ako kay Aurcel nang sumulpot s'ya sa tabi ko.

Tengene. How to calm?

"9:30." I answered kase sa akin siya nakatingin.

Enebe. Dukutin ko mata mo diyan ihh.

"I see. Ako nalang maghahatid sa inyo. Magkalapit lang naman school natin."

"Ako rin, Pasama!" sulpot ng halimaw.

"Anong nakain niyong dalawa at may pahatid-hatid kayong nalalaman?" taas-kilay na tanong ni Angela.

Inilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid. I am really amazed by the arrangement of their garden. From the flowers up to their fountain at the middle.

"None of your business," sabay nilang sagot.

How cute-,-

"Bakit pag ako, kailangan ko pa kayong isumbong kina mommy at daddy para ihatid niyo pero ngayong nandito si Kaye, kayo pa 'yong willing," tampong sabi ni Angela at nag-pout pa ang gaga. Pinisil ko naman ang pisngi niya at sinapak ba naman ako.

Awit.

Narinig kong tumunog ang phone ko at nakitang si Daddy ang tumatawag.

"Hello, dad?"

"Where are you? Hindi ka pa uuwi?"

"Pauwi pa lang po. Why?"

I don't know why but, I really don't like it kapag tinatawagan nila ako sa tuwing gumagala ako kasama mga kaibigan ko. Ginagawa pa rin kase nila akong baby kaya minsan, gusto ko nalang magrebelde.

Char.

"Bilisan mo. Nandito kase sina Tita Jen at mga pinsan mo."

"Sige po." I ended the call and sighed.

"Oh? Pinapauwi ka na?" Tamad akong tumingin kay Angela at tumango.

"Gusto mo ihatid na kita?" tanong ni Aurcel. 

Kung pwede lang sana na mag-stay pa ako dito. Ang ganda kase ng view kaso may piste nga lang.

"No, It's okay. I have my car." Kahit sa loob-loob ko, gusto ko ng pumayag kaso nakakahiya naman kase susunduin niya pala ako bukas.

I kissed Angela's cheek and waved my hand at Aurcel. Inirapan ko lang si Somerc na nanonood sa amin at kinindatan naman niya ako.

Gross.

His HeatherWhere stories live. Discover now