Chapter 14

219 12 0
                                    


Para akong batang naka-alalay kay Aurcel habang papasok kami sa malaking pintuan ng kanilang bahay. When her grandmother saw my reaction earlier ay tinawanan niya lang ako.

Mukha tuloy akong kawawang bata na pinagtulungan ng mga kalaro niya dahil inaasar nila ako parehas.

Nakakagigil!

"You okay?" Inirapan ko lang siya nang mahalata kong pinipigilan niya pa rin ang pagtawa.

Kung pwede lang na masapak ko 'tong maglola tutal atat na silang magkaroon ng baby sa pamilya nila.

"Sunget mo naman." My mood suddenly changed when I saw him pout. I almost laugh at his reaction but I stop myself. Baka akalain niyang okay na kami.

"Gusto mo ba ng Paella, ija?" Binalingan ako ng tingin ng kanyang lola. 

I roamed my eyes around the house at halos mapanganga ako dahil mas maganda pa pala ito kesa sa inaasahan ko. Maraming nakahilerang paintings sa dingding na sa wari ko'y ito ang kanilang buong angkan. Vintage white ang theme ng bahay with a touch of ancient and modern style. 

"Of course, po. Kayo ba ang nagluto?" She flashed a smile to me and I guess it's a yes. Tinawag niya ang isa sa mga kasambahay na nandito.

"Can you accompany them for a while? I'll just get something in my room." Bakas sa mukha ng babaeng nasa mid-30's na naguluhan sa sinabi ng matanda dahil ang bilis nitong magsalita sa english. In fairness, she has a good accent. Tumango ito, "Sige po."

Binalingan naman niya kami ngayon ng tingin at nagpaalam saglit dahil may kukunin daw sa kwarto niya. Siguro kayamanan 'yon at ipapamana niya sa magiging apo niya sa amin ni Aurcel.

Chos. Wala pa nga kaming label...

We headed to their huge dining area and I can't help but to drool over. Sira na naman ngayon ang diet ko dahil sa sobrang rami ng pagkaing nakahanda.

"May kasama pa ba tayong kakain?" tanong ko sa kaharap kong si Aurcel.

Akala ko nga tatabi siya sa akin sa upuan pero pumunta naman siya sa harapan ko.

"None, I guess. Tatlo lang naman tayo eh."

Sabagay kahit nga kami nila mommy sa bahay, sobrang dami pa rin ang hinahandang pagkain na aakalain mong parating may birthday. Hindi rin naman ito nasasayang dahil kadalasan, kapag maraming natitira ay inuuwi ito ng mga kasambahay sa kanilang pamilya.

"Do you often go here?" I asked Aurcel to start our conversation. 

"Uhuh. Actually, every weekends. Minsan ako lang mag-isa pero minsan naman ay sumasama sina Somerc at 'yong dalawang babae." 

One of the maids serve us a glass of orange juice kaya agad ko itong kinuha ng inabot sa akin. Kanina pa kase ako nauuhaw dahil nakalimutan kong magdala ng tumbler kanina.

"Ano naman ang madalas niyong ginagawa pag pumupunta kayo dito?"

"Namamasyal lang o di kaya tumatambay sa garden. Nu'ng mga bata pa lang kase kami, dito kami madalas nag i-stay lalo na 'pag lumabas ng bansa sina mommy para sa business."

"Laking probinsya rin naman pala kayo." Naisip ko tuloy na parehas kami ng childhood memories dahil madalas din ako sa probinsya namin nu'n. 

"You too?" I nodded.

"That's nice. Saan naman ang probinsya niyo?"

"Ilocos Norte."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya napakunot tuloy ang noo ko.

His HeatherWhere stories live. Discover now