Chapter 20

239 10 0
                                    


"Anong oras tayo bibili?" tanong sa 'kin ni Angela habang nakatambay kami ngayon sa balcony ng kwarto ko.

Kumakain siya ng Doritos habang ako naman ay nakasandal lang sa railings at nag-iisip kung ano pa ang mga kakailanganing ihanda. Tonight will be so awaited dahil sasagutin ko na si Aurcel mamaya. Si Angela nga ang nakaisip ng mga pakulong ito dahil wala naman akong kaalam-alam sa mga surprises. Dapat daw magugulat muna si Aurcel para raw excited.

Aiisssshhh...

"After lunch nalang. Natawagan mo na ba 'yong mga kaibigan ni Aurcel tsaka ng ate mo?"

"Oo. Pupunta nalang daw sila mamaya tapos si ate naman, baka magpapasundo 'yon sa mall." I nodded and check my notes kung ano pa ang mga bibilhin. Nagpatulong kase kami sa ate niya tsaka sa mga kaibigan ng kambal dahil baka hindi namin makayang i-prepare lahat.

We decided na tumambay muna dito at magkuwentuhan dahil maaga pa naman. Today is Saturday kaya malaya kaming gawin ang mga gusto namin dahil walang klase. Mabuti nalang at tinapos na namin ang mga homeworks kahapon kaya hindi na hassle. 

"OMG sis...magkakajowa ka naaaa!" Lumapit pa siya sa 'kin tsaka ako niyugyog. Halatang masayang-masaya.

"Gusto mo rin bang magkajowa?" seryoso kong tanong. 

She sighed. "Oo, matagal na."

"Luh. Asa ka." Tinawanan ko siya nang malakas pero malakas na batok din ang natanggap ko sa kanya. I pinched her cheeks.

"Sumusobra ka na ha. Hindi pa nga kayo nagiging official ni bro, nagseselos na ako," malungkot niyang sabi sabay pout. Pinigilan ko naman ang matawa sa reaksyon niya dahil baka masuntok na niya ako.

"And why is that? Hmm...siguro may gusto ka sa kapatid mo 'no or else ako 'yong gusto mo?!" Kunwari gulat kong sabi pero sa totoo lang ay nag-eenjoy akong asarin siya.

"Gaga ka ba?! Kadiri ka dzai." Umakto pa siyang nasusuka sa harapan ko. 

Arte talaga.

Since First year High school ay parating kami na ang magkasama. We've been friends because of a piece of shanghai sa canteen namin noon. Kasunod ko kase siya sa pila at iisa nalang ang natira pero bigla ko namang narinig ang pag-iyak niya sa likod ko tapos ako naman na medyo feeling close, tinanong ko siya kung bakit tapos ang sabi niya sa akin ay gusto niya 'yong shanghai tapos nagmakaawa pang huwag ko raw bilhin 'yon para sa kanya nalang daw.

Napangiti ako nang maalala ang pangyayaring 'yon. She is still so childish back then at kahit ngayon ay hindi pa rin nabawasan kahit katiting.

 Sa kalagitnaan ng asaran namin ay narinig kong may kumakatok kaya nagpaalam muna ako saglit kay Angela na busy sa paglamon. Tignan ko lang kung magrereklamo na naman 'yan mamaya na nadagdagan na ang bilbil. Diet daw kase siya tapos puro mga junk foods kinakain.

Boang...

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa 'kin ang apat na lalakeng may dalang torotot. Napatakip pa ako sa tenga nang bugahan nila 'yon sa mismong tenga ko.

"HAAAAPPPPYYY NEEEWWW YEEEAAAR!!!"

"MEEERRRYYY CHRIIISSSTTTMAAASSS!!!"

"P*NYETA KAYO!" Hindi ko na napigilang mapamura at binatukan sila isa-isa.

Sa mahigit isang buwan na panliligaw sa 'kin ni Aurcel ay naging close ko na rin ang mga kaibigan niya simula nang ipakilala niya ako. Pero nakakainis lang sila madalas dahil sobrang mapang-asar sila.

"Legit?! Nagmura ka?!"

"Halllaaah! Susumbong ka namin sa future bebe mo!" Binelatan ko sila at bumalik sa balcony.

His HeatherWhere stories live. Discover now