Chapter 6

306 13 0
                                    


Gigil na gigil ako habang nagmamaneho. Binalingan ko naman ng tingin ang kamay kong namamaga na dahil sa lakas ng suntok ko sa asungot na 'yon.

He's so nakakainis talaga to the highest peak of Mount Everest.

Matapos ko siyang masuntok kanina ay agad-agad akong tumakbo papunta sa kotse ko at pinaandar ito. Baka kase hindi na ako magdalawang isip at mabugbog ko lang siya.

Pinark ko nang maayos ang kotse ko pagkarating sa campus. And as usual, nasa akin na naman ang tingin nilang lahat pagkalabas ko. Pinipigilan ko lang ang mapasigaw sa sobrang sakit ng kamao ko kaya dumiretso muna ako sa clinic. Ang tigas naman kase ng panga ng lalakeng 'yon.

Agad ko namang tinext si Angela para puntahan ako rito. Siguradong maaga 'yon nakarating dito dahil never pa siyang nalate sa buong buhay niya. Ako lang ang nagiging dahilan kung bakit nahuhuli siya minsan.

"Hoy gaga ka! Ano na namang nangyari sa 'yo ha?!"Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa lakas ng boses ng babaitang 'to. Hinila ko naman siya paupo sa tabi ko.

Pinanlakihan naman niya ako ng mata.

"Sinuntok ko lang naman ang kapatid mo," walang gana kong sagot.

Sinimulan namang lagyan ng nurse ang kamay ko ng hot compress kaya sinenyasan ko si Angela na tumahimik muna.

Siguro siya ang totoong anak ni mommy dahil parehas silang nakalunok ng microphone sa lakas ng boses.

"Magkwento ka ngang babaita ka!" Huminga ako nang malalim bago siya balingan ng tingin at sagutin.

Umalis na kase ang nurse at dahil mamaya pa naman ang start ng klase namin ay napagdesisyunan naming tumambay muna dito. Kung pwede nga lang din na matulog eh.

"Kase naman 'yang asungot mong kapatid. Nilagyan ata ng kung ano ang pagkaing binigay sa 'kin kaya sumakit 'yong tiyan ko nung nasa mall kami ni Aurcel. At ang mas nakakahiya pa rito, umutot ako nang malakas sa harap ng maraming tao. Mabuti nalang at nailigtas ako ng babae sa tabi ko at nahawaan din ata ng kamalasan ko."

I sighed.

I just can't believe the nerve of that guy! How can he do that to me? He's still lucky enough at isang suntok lang ang inabot niya sa akin.

"What the hell?!" Napatayo naman ako agad sa inuupan ko dahil sa gulat nang biglang magtaas na naman ang boses niya na parang galit na galit.

"Hey chill." Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil sa reaksyon niya.

"Sakto at pupunta silang kambal dito ngayon. Humanda talaga si Mec sa 'kin. Hindi niya dapat ginawa 'yon sa 'yo." 

I was touched by her words. She's indeed my best friend.

But wait...

"Pupunta sila ngayon dito?!" 

Ayos lang sana kung si Aurcel lang pero bakit kasama pa si asungot?

Arrrrggghhh!

"Yep. Dito raw nila gagawin ang research nila. Ewan ko ba sa mga 'yon lalo na si Aurcel. Pwede naman nilang gawin sa school nila pero mas gusto raw nila dito. Gumagawa lang ata ng palusot para makita ka sis."

The hell.

Kinilig ako slight pero hindi pa rin pwede!

Baka kapag nakita ko na naman ang pagmumukha niya magtratransform na ako sa pagiging dragon.

Kung iwasan ko nalang kaya siya?

"Uhm...mauuna na ako sa 'yo ha?" alanganin kong saad. 

"At baket? Hindi mo na ba sila hihintayin?"

"Hindi na. Sige bye! See you later."

"Hoy tek-"

I didn't let her finish to what she's about to say at tumakbo na ako palabas ng clinic.

Since maaga pa naman ay tatambay muna ako sa rooftop.

Nilabas ko ang earpods ko para mag sound trip muna at dinama ang preskong simoy ng hangin.

Kung pwede lang hindi na pumasok sa klase at magrelax nalang dito siguro kanina pa ako humilata sa sahig.

Dahil hindi naman naka full volume ang phone ko, nakarinig ako ng kaluskos na parang may paparating.

Alam ko namang may karapatan pa rin akong manatili dito pero ewan ko ba, I just found myself hiding at the back of a large garbage can.

Mukha tuloy akong may ginawang masama at todo tago dito. Nakarinig naman ako ng pamilyar na boses kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Bakit mo kase ginawa 'yon?" tanong nung isa.

"Kay Kaye ba? Wala lang." As I heard my name, agad akong sumilip sa kanila.

Ayokong mag-assume na ako 'yon dahil may mga kapangalan din ako pero nang makita ang nagsabi nu'n ay nanlaki ang mga mata ko.

What are they doing here?!

And why are they talking about me?

"Dahil sa walang kwentang ginawa mo, ayan tuloy dalawa na ang pasa sa mukha mo."

"Ang brutal naman kase ni Angge tapos 'yong isang demonyita naman naku nakakagigil. Pasalamat siya at babae siya kundi papaliparin ko siya papuntang mars."

What the fvck?!

"Galing na rin mismo sa 'yo na babae siya pero nagawa mo pa rin siyang bigyan ng pagkain na expired." Umiling-iling si Aurcel pagkatapos sabihin 'yon pero tumawa lang ng malakas ang asungot.

"Malay ko bang nasarapan siya sa expired. HAHAHAHAHAHA" Gustong-gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan ko at sugurin siya but I stopped myself.

Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero dahil may pagkachismosa naman ako, itotodo ko na.

"May gusto ka ba sa kanya?" I was literally stunned when Somerc asked that to him.

Is he serious?!

"Why even ask that?"

"Nahahalata ko eh"

Just by thinking the possibility that he likes me, parang hindi na ako makahinga.

I must say that Aurcel is an idealistic guy. He's attractive, intelligent, may goal sa buhay, gentleman, sweet. Kumbaga boyfriend material. Kahit sinong babae ay talagang mahuhulog sa kanya pero swertehan nalang kung siya ang nahulog sa 'yo.

Ako 'yong tipo na hindi madaling mafall sa isang tao. A lot of guys tried to court me but I rejected them all. Ayaw ko kasi ng commitment dahil para sa akin, it is better to love myself first before I love a guy. 

"Well, I can't say that I like her but I know to myself that since day 1, she became special to me."

Silence surrounded us.

I was speechless to what he said. Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba sa sistema ko at biglang uminit ang pisngi ko.

What's with this guy at siya pa lang ang may ganitong epekto sa akin.

"Hmm. Nice answer bro, basta support kita sa lahat ng gusto mo."

Napatingin naman ako ngayon kay Somerc. Aaminin kong madalas siyang nakakainis at kulang nalang ay sumabog na ang mundo dahil sa sobrang mapang-asar niya. But I know deep inside, he has a good heart.

Naramdaman kong parang may malamig na bagay sa paanan ko kaya tinignan ko ito at lubos nalang ang panlalaki ng mga mata ko. 

P*TANGAMA!

Isang malaking palaka!

"AAAAAAAHHHHHHHHH!!!"

...

His HeatherWhere stories live. Discover now