Chapter 17

193 11 0
                                    


Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ako.

"Isa pang sorry mo, Angge sasapatusin na kita." Kanina pa kase siya humihingi nang tawad dahil nandito si Somerc. 

"Basta sorry na. Hindi ko man lang kase nasabi sa 'yo. Tapos ngayon, sa sobrang gulat mo baka matunaw na ang kapatid ko sa sobrang pagtitig mo sa kanya." Napaiwas naman agad sa asungot na inaayusan sa gilid. 

At first, ayaw pa niyang pumayag na maging 'Partner' ko but everyone forced him to do so. Even Angela ay nakisali na rin kanina para mapapayag ang kapatid niya. Kung ako rin siguro ay hindi ako papayag dahil 'yon agad ang bumungad sa kanya pagkarating dito. May inutos kase sa kanya si Angela kaya siya nandito ngayon.

"Ugh! I don't even know what to do now. You know? We're not in good terms tapos makakasama ko pa siya sa photoshoot?" inis na tugon ko sa katabi kong kanina pa nilalamon 'yong dala niya kanina. Binigay na 'to sa 'min ni Tita kaso wala na akong ganang kumain.

"Ayaw mo ba nu'n? Baka sakaling magbati pa kayo," saad niya at kinuha ang bag ko sa table nang wala man lang paalam. Akala ko kung anong gagawin pero kinuha lang pala ang tumbler ko. Kahit kelan talaga patay-gutom ang babaitang 'to.

"Gosh! Nakikita ko na tuloy ang resulta. I can imagine a gorgeous princess with her ugly frog...Oh diba? Bongga!" Napapalakpak pa ako nang biglang rumehistro 'yon sa utak ko. 

Napabaling tuloy sa 'kin ang tingin ng iba kaya agad kong kinuha ang phone ko to keep myself busy and to avoid the embarrassment.

"Kaye, siya ba 'yong manliligaw mo?" Gulat ako nang biglang sumulpot si Tita sa tabi ko habang hawak ang isang brochure. Laman siguro nu'n ng mga designs na gawa niya.

Bumuntong hininga ako, "Nope, Tita." 

I find it gross just by thinking that Somerc will court me. Kulang na nga lang ay magpatayan kami 'pag magkasama o kahit magtinginan man lang. No wonder na mainit na talaga ang dugo ko nu'ng pinakilala siya ni Angela dahil siya rin pala ang umaway sa 'kin nu'ng bata ako. He's even the reason why I hate dogs and the reason why I don't want to be near him even just an inch.

"Oh sorry. I thought siya 'yon. Kwinento kase ng mommy mo sa 'kin last week and he even showed me his picture," naguguluhang saad niya. Well, I can't blame her either. Maging ako noon ay naguguluhan pero dahil madalas ko na silang nakikita, I already saw their difference. Aurcel has more soft features oppose to Somerc. 

Gaya nga ng sabi ko noon, Somerc is the bad boy type, hindi lang sa ugali kundi pati na rin sa panlabas na anyo niya. While Aurcel, he's more the angelic type pero ewan ko lang dahil baka kapag mas nakilala ko na siya ay mas wild pa pala kesa sa kambal niya.

"They're twins, tita." 

"Really?! OMG That's so nice," She looks so amazed kaya napailing nalang ako.

"Do you still remember what you've said on your 16th birthday?" 

"Hmm...ano po 'yon?" Siniko ako ni Angela kaya nalipat sa kanya ang atensyon ko. Sinenyasan niya ang direksyon ni Somerc para sabihing pupunta muna siya doon. I nodded.

"I asked you back then kung bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend. Aside from your parents are strict and of course study first, ang sabi mo nu'n ay wala pang nakakakuha ng atensyon mo."

"And then?'

"What shocked me the most is the thing you confessed to me."

"Really? What is it, tita? I really can't remember that already gosh."

Napakamot nalang ako sa batok dahil 3 years ago pa naman 'yon kaso hindi ko na maalala pa ang sinabi ko sa kanya.

"You said that you are more attracted to guys who has a twin..."

Sasagot pa sana ako ngunit tinawag na kami ng photographer dahil magsisimula na kami. Akala ko ay wala nang sasabihin si Tita pero bago kami tumayo ay may sinabi pa siya sa 'kin na mas lalong nagpagulo sa isipan ko.

"Just be careful, ija. I'm afraid that you'll end up falling for them both..."

___

"So, this is what you're going to do..." a staff is instructing us while my mind is wandering far from the reality.

Napabalik lang ako sa wisyo nang sikuin ako ni Somerc.

"What?!" 

"Galit ka sis? Umayos ka nga. Kanina ka pa hindi nakikinig." I rolled my eyes to him and just focus to the shoot. Iisipin ko nalang na si Aurcel ang kasama ko at binalewala ang makulit kong partner ngayon.

Umayos na kaming dalawa at kahit naiilang man, I tried to give my best and my sweetest smile in front of the camera.

Not until...

"Face each other! And act like you are a couple who's very in love." Napanganga ako sa sinabi ng photographer. Like what the hell? Is he serious?

Arrggghh. Parang ngayon ko lang naramdaman na ayaw kong gawin ang bagay na 'to.

"Mabuti nalang at wala si Aurcel kundi lagot ako du'n," bulong niya sa tenga ko kaya natulak ko tuloy siya.

Tinignan naman niya ako nang masama at mas lalong lumapit sa 'kin. Huli na ng naramdaman ko ang ilaw na bumalot sa 'min.

"Perfect!" Kinuhanan na pala kami...

"Dapat pala magmodel na rin ako para maganda parati mga pictures mo."

I stopped myself from punching his face. Ewan ko ba kung anong meron sa lalaking 'to at ganun nalang ang inis ko sa kanya.

"Ang kapal mo naman."

"Aminin mo na kase na sobrang gwapo ko kaya pinili nila akong maging partner mo." 

"Because they're left with no choice..." I rolled my eyes.

One of the makeup artist went to me and fix my face.

Hindi pa nga kami nakakalagpas ng sampung shots ay nakaramdam na agad ako nang pagot. Pinatigil ko muna ang nag-aayos sa 'kin and I excused my self to drink some water.

"Hey..."

I felt his presence at my back. Inubos ko ang natitirang laman ng tumbler ko saka siya hinarap. Nagpameywang ako.

"What?"

"Do you want this shoot to be perfect?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Why? May magagawa ka ba?" Siguro kung wala lang siya ay mag-eenjoy pa ako pero hindi eh. Panira talaga siya kahit kelan.

"Tutal kaaway naman ang tingin mo sa 'kin, why not think this as a competition between us?"

"What do you mean?"

"Give your best and do what you're always doing like I'm not here with you. I know you feel awkward and honestly? You look so bad today." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

Bad huh? This is all his fault! At talagang hinahamon niya pa ako? Well, nagkakamali siya ng kinakalaban.

"Fine!"

We continued the shoot and I must say that I gained more energy than a while ago kaya mas lalong naging active ang mga staff.

"Nice one, guys. Keep it up!"

I smiled and felt butterflies. I feel so satisfied with what I'm doing right now. 

Somerc hugged me from the back just like what the photographer instructed and I just think that Aurcel is the one making me feel this way.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa 'kin at ang mabigat niyang paghinga. Huli na nang mapagtanto kong tapos na pala ang shoot. 

My heart skipped so fast as my gaze turned to someone. He's looking at me intently like I did something cruel.


Aurcel...

His HeatherWhere stories live. Discover now