Chapter 27

214 9 0
                                    


"Aurcel! Tama na!" Pilit ko siyang inaawat gamit ang natitirang lakas ko pero sadyang hindi siya natitinag. 

"Please Aurcel, stop!" sigaw ni Nichole. Umiiyak na rin ito dahil sa takot. Mabuti nalang at dala-dala ko ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa 'king bulsa.

Ilang ring lang ay sumagot na rin si Angela.

"Bes! Nasaan na ba kayo? Pati sina Nichole ay kanina pa hindi bumabalik," bakas sa kanyang boses ang nerbiyos at pag-aalala. Napabitaw ako kay Aurcel at nakita ko ang pagbaba at taas ng hininga niya. Halatang pinipigalan ang galit.

"Nandito kami sa may mapunong parte dito sa isang gazebo. Nasa gilid lang 'to ng resort." Pinilit kong ikalma ang sarili ko pero hindi ko kaya.

"Sige. Papunta na kami diyan."

Binalik ko ulit ang phone ko sa bulsa at halos lumuwa ang mata ko nang makita ang kalagayan ni Somerc. Duguan na siya ngayon at pulang-pula naman ang itsura ni Aurcel. Sa sobrang galit niya sa kanyang kapatid ay hindi na niya napigilang saktan ito.

Binalingan ko naman si Nichole na nasa tabi ngayon ni Somerc. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak at wala na ring malay ang lalakeng akay niya. I can't stand what I'm seeing right at this moment. My knees are still shaking and I can't breathe properly, again. 

Hirap na hirap man ang aking katawan ay pinilit ko pa ring lapitan si Aurcel na nakasandal ngayon sa isang puno.

I can't find the right words to say so I just hugged him. Kinakabahan pa akong gawin ito sa kanya dahil baka ipagtabuyan niya ako pagkatapos ng usapan namin kanina. And just like what I thought, he pushed me away.

"Please leave." His voice is as cold as ice. Halos maistatwa ako sa kinatatayuan ko ngayon. Laking pasasalamat ko nalang nang dumating na sina Angela.

"FVCK! WHAT HAPPENED HERE?!"

"KAYE! AURCEL! SHEMAY"

"Damn! Kailangang madala si Somerc sa hospital!"

Nagkanda gulo-gulo na silang lahat at gaya ko ay nanginginig din si Angela nang makalapit sa 'kin. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay bumuhos ulit na halos wala na akong makita pa. I wish this is just a nightmare...

Humiwalay siya ng yakap saka nilapitan si Aurcel ngunit wala itong bakas na reaksyon at biglang naglakad paalis nang hindi kami tinitignan. Nanlumo ako. What's happening to you, Aurcel?

Napailing si Angela at napako ang tingin niya kay Nichole na tumahan na sa kaiiyak ngunit nagmukha itong patay sa kanyang kinalalagyan. Nakayuko lang siya sa isang puno. Agad namang naglakad palapit si Angela. 

I wiped my tears away because this is not me anymore. I'm fragile on the inside but I never show this to anyone. Only now. 

The sound of the loud slap echoed around us. Nataranta naman ako nang makitang aamba pa ng sampal si Angela kay Nichole. Tumakbo ako palapit upang pigilan siya. Pinasadahan ko ng tingin ang itsura niya at sobrang pula na ng kanyang mukha na basang-basa pa ng luha.

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to!" sigaw ng kaibigan ko. I can't blame her though. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. She did this all bullsh*ts with Somerc. Namuo ang galit sa sistema ko nang maalala ang usapan nila kanina. Somerc likes me and Nichole likes Aurcel that's why they did that absurd plan. 

Akala ko pa naman ay may tinatagong kabutihan si Somerc sa kabila ng lahat ng pang-aasar niya sa 'kin but it turns out that He's more capable than my expectations.

"I a-am so s-sorry..." Her voice broke and a slap flew to her that makes her cry more. And that came from me. Shock was registered to her face upon looking at me. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding galit but this time, I wouldn't stop myself from hurting her because she deserves it. 

His HeatherWhere stories live. Discover now