Prologue

172 3 2
                                    

"Dr. Yesha, 10 cm na po si Mrs. Dela Cruz", sigaw ni Aiana galing sa labor room matapos ko siyang utusan na i-IE yung pasyente. 


Isa siya sa mga interns na handle ko ngayon dito sa Obstetrics Admitting Section (OBAS).


"Sige manong paki-transfer na si Mrs. Dela Cruz dito sa table." Habang tinutulak nung nursing aide namin yung stretcher bed ng pasyente, humarap muna ako sa studyante ko. 


"Aiana, alam mo na ang gagawin mo. Linisin mo muna ng sterile water at betadine solution yung pwerta bago mo i-drape ng cloth."


Nagtuturo na lang ako ngayon ng mga med students and Post-Graduate-Interns dito sa Pedro Gil Hospital (PGH). 


Pagka-graduate ko sa Universidad de Padre Faura (UPF), dito na ako sa PGH nag internship, clerkship, at residency. Halos kalahati ng buhay ko ginugol ko sa loob ng ospital na ito.


Ngayon, kinuha kong specialty ang Obstetrics and Gynecology at kasalukuyan din akong tumatayong clinical instructor sa mga nagdu-duty dito sa OBAS.


"Mrs. Dela Cruz, kapag naramdaman mong humilab isabay mo yung pag-push. Okay, sumabay ka sa bilang ko one, two, three and push. Isa pa one, two, three and push." Instruct ko sa pasyente habang pinapakiramdaman ang paghilab sa tiyan niya.


"Dr. Yesha, nakikita ko na po yung ulo" sabi ni Aiana.


"Aiana, prepare mo na saluhin yung baby. Okay, Mrs. Dela Cruz isa pa one, two, three and push."


Pagkalabas ng baby, pinunasan agad ni Aiana yung mukha, ulo at katawan ng bata at saka namin narinig ang malakas na iyak niya.


"Baby boy Dela Cruz, time of birth 6:28 pm. Administer 10 units of oxytocin IM and prepare for the delivery of the placenta." Sabi ko habang nagtatanggal ng gloves.


"Dr. Yesha, may CS po tayo, teenage pregnancy. Nasa OR na ang pasyente," sabi ni Damon, isa sa mga clerk dito.


"Iwan na kita dito Aiana, ikaw na mag-deliver ng placenta. Monitor the patient for hemorrhage. Tawagan mo agad ako kapag may bleeding." 


Nag-scrub muna ako ng kamay at nagsuot ng sterile gloves at gown bago pumasok sa OR.


Katatapos ko lang i-deliver yung baby ng teenage mother. Lumabas muna ako sa OBAS para bumili ng kape. 


Nakasuot ako ngayon ng white coat na ipinatong ko sa scrub suit ko.


Inuunat ko ang kamay ko habang minove side to side ang ulo ko nang bigla kong masalubong si Cysteine, best friend ko sa med school.


"Yesha, anong ginagawa mo dito. Bakit nandito ka pa?" parang gulat na gulat siya nang makita ako eh araw-araw naman kami nagkikita dito sa PGH.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now