Chapter 13

63 3 1
                                    

Gabi na at nandito kami ngayon sa PGH Oblation Plaza kung saan nakahilera ang mga naglalakihan at nagagandahan na lanterns from each colleges.


Nakayakap sa likod ko si Zane dahil medyo malamig na. Nakasuot lang kami ng t-shirt na may tatak ng college namin with maong pants and rubber shoes.


"Pwede bang lagi na lang tayong ganito?" Bulong niya sa tenga ko.


"Pwede naman kaso uuwi na ako bukas." Sabi ko sa kanya ng pabiro.


"Ang hina ko naman sayo, hindi ba talaga ako pwedeng sumama." Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin.


"Zane diba napag-usapan na natin to. I'll introduce you to my parents after our graduation". Napakilala na kasi ako ni Zane sa nakababatang kapatid niya. May one time na binisita niya si Zane sa Phi house para dalhan siya ng pagkain na luto daw ng lola nila.


Yung nanay niya naman ay OFW sa Saudi kaya yung lolo at lola nila ang nag-aalaga sa kanilang magkapatid.


"Yeah, I understand. Wag mo kong ipagpapalit sa iba ha kahit na may makita kang mas gwapo sakin." Nangako kasi ako sa mga magulang ko na hindi muna ako magbo-boyfriend hanggang maka-graduate ako ng college kaya hindi ko pa masabi sa kanila.


"Ano ka ba Zane? Hometown ko yun. Kamag-anak ko halos lahat ng nakatira sa barangay namin. Sa 22 years na nakatira ako dun, wala akong ibang nagustuhan na lalaki." Sabi ko na lang sa kanya.


"Aba dapat lang. Kasi 23 years kitang hinintay. Kaya dapat ako lang ang magustuhan mo. Ako lang din ang mamahalin mo. Tapos ako ang papakasalan mo." Sabay haplos niya sa ring finger ko.


Dahil sa gulat sa sinabi niya, bigla akong napalingon sa kanya. Napansin ko na nakatingin na siya sa labi ko.


Unti-unti niyang nilapit sakin ang mukha niya at naramdaman ko na lang ang labi niya na nakalapat sa labi ko. Nung una ay hindi ako naka-react dahil nasa public place kami.


Pero nung naramdaman ko na gumagalaw ang labi niya ay sinimulan ko na rin na mag-respond sa mga halik niya.


We were kissing in front of the Oblation statue, surrounded by many people, illuminated with the christmas lights coming from the lanterns.

*****

Nandito na kami ni Yennie sa bahay namin sa probinsya. Kararating lang namin kanina at nagpapahinga sa kwarto habang iniintay na maluto yung pananghalian namin.


Maya-maya pa ay tinawag na kami ni Mama sa hapag para kumain.


"Niluto ko ang mga paborito niyo, kare-kare with bagoong saka adobong manok." Nakangiting sabi samin ni Mama.


"Yey, grabe Ma na-miss ko to. Puro prito lang kasi kami ni Ate Yesha sa apartment." Sabi ni Yennie sabay kuha ng chicken thigh sa adobo.


Nagdasal na kaming apat at sabay-sabay na kumain.


"Oo nga pala Yesha, since graduating ka na. May plano ka na ba kung saan mo balak mag-trabaho?" Tanong sakin ni Mama.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now