Chapter 5

60 3 3
                                    

Ganito ba talaga siya ka-straightforward.


He's like two different people in chat and in person.


And here I thought he's gonna make another excuse kagaya ng pagkahaba-habang kwento ni Achi na halata namang pinagtatakpan niya lang si Zane.


Natauhan ako bigla nang marinig ko na naman na umuubo yung katabi ko. At mas kinagulat ko ng makitang basang-basa si Achi ng iced tea.


Nanlaki ang mga mata naming tatlo ni Daph at Achi. Lumipas ang ilang segundo ng walang nagsasalita pero biglang tumayo si Miko.


"I have a spare t-shirt here. Magpalit ka muna. Samahan na kita." Naglakad na palabas si Miko bitbit ang t-shirt niya galing sa kanyang duffel bag.


Tumingin muna si Achi ng masama kay Daph bago tumayo at naglakad palabas.


Kaya naiwan kaming tatlo dito.


"Uhmmm...Kailangan ko na rin bang umalis?" tanong ni Daph habang nakaturo siya sa sarili niya.


"Hindi, dito ka lang. Hindi ka pwedeng umalis hanggang di bumabalik si Achi. Kapag hindi bumalik yun, ikaw ang magbabayad." Sabi ko sabay hawak sa braso ni Daph.


"Ehem... so?" tanong bigla ni Zane habang nakatingin sakin. Nandito pa pala tong isang to.


"So...what?" Sabay taas ng isang kilay ko.


"I just told you I like you." Ngumiti na naman siya ng nakalabas yung dimple niya.


"You don't even know me." I said stating the obvious.


"Let's date so we can get to know each other."


"No"


"Why not?"


"Because I said so."


"Ahmmm, guys I'm still here." Biglang singit ni Daph sa usapan namin.


"Daph, ikaw na lang ang maghintay kay Achi, pakisabi nauna na ako." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.


Naglalakad na ako palabas ng Rob nang maramdaman ko na sumusunod siya sa likod ko.


"Hey, pwede bang kausapin mo muna ako ng hindi tinatarayan." Hinawakan niya ako sa braso para maiharap ako sa kanya.


"Can't you even take no for an answer. Hindi ka ba sanay tumanggap ng rejection kaya hindi ka makapaniwala." Napansin ko na parang nagulat siya sa sinabi ko.


"I just don't understand, bakit parang lagi kang galit sakin. Did I do something wrong?" Sa totoo lang, ako rin. I don't understand why I'm acting like this.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now