Chapter 21

70 3 0
                                    

"Zane, busy ka ba ngayon?" tinawagan ko agad si Zane sa messenger pagkauwi ko sa apartment.


"Nasa work pa ako ngayon, bakit ka napatawag Yesha?" sagot naman ni Zane sakin.


"Lumabas na kasi kanina yung midterm exam results namin. Bagsak ako sa isang subject." Malungkot ko na sabi sa kanya.


"Ganun ba?" narinig ko na napabuntong-hininga siya mula sa kabilang linya.


"Yeah, kaya kailangan kong bumawi sa finals. Pati yung ibang subjects medyo alanganin yung grades ko kaya kailangan ko muna mag-focus sa pag-aaral ngayon. Baka hindi na ako makatawag sayo araw-araw. Pero promise every weekend, sisiguraduhin ko na tatawag pa rin ako sayo."


"Okay lang, Yesha. Mag-focus ka muna sa pag-aaral mo. Pero kumain ka na ba? Wag mong kakalimutan kumain and take a rest when you're tired." Sabi naman ni Zane sa concerned na tono.


"Yeah, nag-dinner na ako sa labas bago umuwi. This weekend maggu-group study ulit kami nina Cysteine at Janix. Di daw makakasama si Achi kasi may lakad sila ni Miko. Pati sina Aoi at Cedie may gagawin din daw. I'm just informing you kasi whole day yun, tatawag na lang ako sayo this Saturday pagkauwi ko sa apartment after namin mag-review." Paliwanag ko kay Zane.


Narinig ko na huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.


"Okay Yesha." May sasabihin pa sana ako kay Zane nang biglang may narinig akong nagsalitang babae sa background.


"Engr. Elizalde, we need you here for the approval of some designs."


"Okay! I'm coming, Architect Mañago. Sorry Yesha, kailangan ko na bumalik sa trabaho. Tawagan mo na lang ulit ako kung kailan ka pwede. Bye, I love you." Nag-I love you rin ako sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.

*****

Nandito ako ngayon sa Robinsons Place Manila Tower 2 kung saan nakatira si Janix. Nasa tapat  ako ng pinto niya at kumatok ng dalawang beses.


Pagbukas ng pinto ay tumambad sa harapan ko ang isang topless na lalaki na halatang kagigising pa lang.


"Am I in the right unit?" pinasadahan ko ulit ng tingin ang pinto para tignan ang unit number at mukhang nasa tamang lugar naman ako.


"Yeah, come in Yesha. Janix is still taking a bath." Pumasok na ako at dumiretso papunta sa sofa para maupo.


"I didn't know that you live with Janix." Medyo nahihiya kong tanong sa kanya dahil palakad-lakad lang siya sa sala habang naka-boxers lang.


"No, I just got invited by my friends from Taft last night. Sa sobrang kalasingan ko, gumagapang na ako pauwi kaya nakitulog na lang ako dito kay Janix." Tumatawa pa niyang sagot sakin sabay upo sa tabi ko at patong ng isang braso niya sa sofa sa bandang likod ko kaya mukhang naka-akbay siya sakin.


"By the way, have you eaten breakfast?" pero bago pa ako makasagot ay nagulat ako nang makita ko si Janix na lumabas galing sa banyo. Nakatapis lang siya ng towel at basang-basa pa ang kanyang buhok.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now