Chapter 22

62 3 0
                                    

Hindi ako makapag-focus sa pag-aaral. Kanina pa ako binabagabag nung mga sinabi sakin ni Yennie. Imposible naman na magka-gusto ako kay Janix habang mahal ko si Zane.


Nagkakamali lang siguro si Yennie. Pero kung yun yung naiisip niya kahit isang beses lang niya na-encounter si Janix, ano pa kaya ang iniisip ng iba? Aish, maybe I should not overthink things. Kailangan ko na mag-review, hindi na pwede ang maraming distractions.


Nang pumasok ako sa classroom ay agad na bumungad si Janix sa paningin ko. Kumaway siya at ngumiti sakin pero nagpanggap ako na hindi ko siya nakita at dumiretso sa upuan sa likod.


Pumasok na ang professor namin. Magkakatabi ang mga kaibigan ko sa harap samantalang mag-isa ako dito sa likod at hindi ko ka-close yung mga kasama ko.


Grabe naman kahit si Achi di ako tinabihan. Achilles makiramdam ka naman oh, paano na mamaya? Anong sasabihin kong dahilan kung bakit di na ako makakasama sa kanila. Hay, bahala na nga.


"Uy, Yesha! Bakit sa likod ka naupo? Akala ko tuloy absent ka." Sabi ni Achi after mag-dismiss ng prof namin.


"Ah, inaantok kasi ako kaya hindi na ako umupo sa harap. Baka mapansin pa ako ng prof na di nakikinig." Palusot ko naman.


"As if naman nakikinig ka kahit sa harap ka nakaupo. O siya, saan tayo kakain?" baling naman ni Achi sa mga kaibigan namin.


"Hindi muna ako sasama today, pinagluto kasi ako ni Yennie ng lunch. Uwi muna ako, bye." Bago pa sila makapagsalita ay umalis na agad ako dun.


Pag-uwi ko ay nagluto agad ako ng rice at fried egg. Ano bang ginagawa ko dito sa apartment? Hindi ko na alam kung paninindigan ko ba talaga tong pag-iwas na ginagawa ko kay Janix.


Bumalik din agad ako dahil may afternoon classes pa kami. Tumabi na ako kay Achi dahil ayaw ko naman na mahalata nilang umiiwas ako.


"Yesha, review tayo later kina Janix." Sabi naman ni Cysteine sakin.


"Ha! Ah, may gagawin kasi ako later. Next time na lang siguro." Sabi ko kay Cysteine kaya parang nagtataka siya.


"Mas importante pa ba yang gagawin mo kesa sa finals natin. Anyway, ikaw bahala." Dumiretso na ulit si Cysteine sa pagkakaupo. Tumingin ako sa kanya kaya nahagip ng mata ko na nakatingin pala si Janix sakin.


Umiwas agad ako ng tingin at binaling na lang ang atensyon ko sa notes ko. Natapos ang klase namin kaya nagpaalam na agad ako sa kanila pero hindi ko pa rin pinapansin si Janix.


Lumipas ang ilang araw na hindi na ako sumama sa mga lakad nila. Nagse-self study na lang din ako. Hindi naman siguro ako babagsak kahit hindi na ako magpaturo kay Janix. Hindi na rin naman ako madalas tumawag kay Zane kaya mas marami na akong time mag-aral.


Alam kong napapansin na nila na umiiwas ako pero hindi pa naman sila nagtatanong kaya hanggang kaya ko ay ako na lang ang lalayo. Ayoko namang maapektuhan ang pagkakaibigan namin dahil lang sa mga iniisip ko.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now