Chapter 2

77 3 2
                                    


"Yennie, paano niya nalaman?" pabulong na tanong ko sa kapatid ko pero nagmukhang tinatanong ko talaga ang sarili ko sa hina ng boses ko.


Dali-dali kong chineck yung mga photos na in-upload niya pero puro naka-civilian clothes ako dun. Wala akong picture na nakasuot ng nursing uniform ko.


Tinignan ko rin kung anong isinulat ng kapatid ko sa bio pero ang nakalagay lang dun ay "Ang pag-ibig ay parang tula, hindi pwedeng ipilit kung hindi tugma".


Walang bahid ng kahit ano dito sa bumble account ko para malaman niya na nursing student ako.


"Hindi ko rin alam ate, hindi pa ba talaga kayo nag-meet before?" sabay baling niya sakin na halatang nagtataka rin kung kilala ba ako ni Zane.


"Ang mabuti pa i-delete ko na lang tong dating app na to at ikaw mag-aral ka na" sabay talikod ko sa kapatid ko.


"Pero ate chance mo na to para maka-meet ng someone and it's not just someone. It's Zane from the engineering department." Sabi niya ng may panghihinayang sa tono ng boses.


"Kung gusto mong mabawasan yung mga kasalanan na ginawa mo sakin today, I suggest manahimik ka na lang diyan sa tabi and stop bothering me okay." I said with finality in my voice.


Nagmukmok na siya sa isang tabi at sumulyap pa sa akin with paawa effect pero akala naman niya tatalab yun sakin.


I was about to click uninstall nang biglang nag-vibrate na naman ang phone ko.


Zane sent you a message.


"Hey, I read your bio at gusto ko lang sabihin na 'Bakit pipiliting magtugma kung pwede namang gawing tulang malaya'."


Hindi ko alam kung anong nagbago pero hindi ko na dinelete yung bumble sa phone ko. Maybe, my sister is right. Maybe, I should give it a try. I mean what could go wrong?


Nandito ako ngayon sa class at nakikinig sa four-hour lecture namin sa Critical Care Nursing. Katabi ko si Daphney at nagta-take down siya ng notes nung tawagin ko siya.


"Daph...pssttt...Daphney"


"Ano ba Yesha, nagsusulat ako dito eh inaabala mo ko." Sabi ni Daphney nang hindi man lang sumusulyap sakin.


Paano kasi crush niya tong professor namin na si Dr. Alcantara kaya gusto niyang makakuha ng mataas na marka. Samantalang sa ibang subject, hindi naman siya nakikinig.


Siya pa yung nangunguna na dumaldal sakin kaya parehas kaming nadi-distract sa lectures. Kaya nakaasa lang talaga kaming dalawa sa mga transcripts na gawa ng buong batch.


"Mamaya na nga lang. Sige, ituloy mo na ang pagtitig mo kay Dr. Alcantara." Sabi ko sabay sulat na rin ng notes sa filler ko.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now