Chapter 28

30 3 0
                                    

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa condo unit nila Achi. Matagal na rin simula nung huli akong pumunta dito.


Pero wala na akong ibang alam na place na pwede niyang puntahan.


Kumatok ako nang kumatok hanggang sa magbukas ang pinto at bumungad sakin si Miko.


"Yesha, bakit ka nandito?" tanong niya sakin.


"Pumunta ba dito si Zane?" sa halip na sagutin ang tanong niya ay sinagot ko siya ng isa pang tanong.


"Zane? Nandito na sa Pilipinas si Zane?" Pansin ko naman na nagulat siya. Kung ganun, hindi niya pala alam na umuwi na si Zane.


"Yeah, hindi ba siya napadaan dito?" tanong ko ulit sa pagbabaka-sakaling nandito siya.


"Ni hindi ko nga alam na nakauwi na siya eh. Bakit mo siya hinahanap?" Sa tingin ko ay alam rin ni Miko na hindi na kami nag-uusap ni Zane.


"I need to talk to him. May importante akong sasabihin sa kanya." I said in a desperate tone.


"Wala akong ideya kung nasan si Zane, Yesha. I didn't even know that he's back. I'm his friend pero hanggang ngayon, ikaw pa rin pala ang mas matimbang sa kanya." Pansin ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata.


"Pwede ba akong humingi ng pabor sayo Miko. Kung sakali man na pumunta siya dito o tawagan ka niya, pwede mo bang sabihin sakin, please." Pagmamakaawa ko sa kanya.


"Okay but I can't promise you that, Yesha. Kung ayaw ka na niyang makita pa then I'd have to respect his decision." Sabi naman sakin ni Miko.


"I understand. Salamat pa rin. Sige, aalis na ako, susubukan ko muna siyang hanapin."


Habang tumatakbo ay dinial ko naman ang number ni Achi sa phone ko.


"Hey Achi, sorry sa abala. Nakita mo ba si Zane or nag-message ba siya sayo?" sabi ko habang tinatahak ang daan pabalik sa coffee shop na pinuntahan ko kanina.


"What do you mean Yesha? Nandito na si Zane sa Pilipinas?" halata ko naman ang gulat sa boses niya.


"Yeah, hindi niya ba nasabi sayo?" malungkot ko na sabi kay Achi.


"No, wala siyang sinabi. Hindi ko na rin siya masyadong nakakausap recently. Teka, nagkita ba kayo kanina?" tanong niya naman sakin.


"Oo" sabi ko habang tumutulo ang mga luha mula sa aking mga mata.


"Hiniwalayan mo na siya?" pabulong na tanong sakin ni Achi.


"Parang ganun na nga pero Achi, meron pa akong hindi nasasabi sa kanya."


Napagod lang naman ako sa sitwasyon namin pero mahal ko pa rin siya.


Gusto ko lang magpahinga pero wala akong planong iwan siya.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now