Chapter 7

55 3 1
                                    

"Gusto mo na bang umuwi? Hatid na kita." Bigla nawala ang masasamang iniisip ko na gagawin ko kay Achi nang biglang magsalita si Zane.


"Alam mo ba kung saan ang masarap na kainan dito?" Sa halip na sagutin siya ay tinanong ko siya pabalik.


"Gusto mo bang mag-gala muna?" tanong niya na parang tinatantya niya yung mood ko.


"Punta na lang tayo sa masarap na kainan dito. Next time na lang tayo gumala kasi magga-gabi na eh." Napansin kong parang medyo nagulat siya sa sinabi ko.


Tutal nandito na rin naman kami, aba susulitin ko na ito. Nasarapan kasi talaga ako sa Banana Rhum-A. Saka malapit na rin mag-dinner kaya nagugutom na ako.


"Kumakain ka ba ng siomai rice?" tanong niya habang may malaking ngiti na nakapaskil sa mukha.


"Oo naman. Sa halos apat na taon ko sa kolehiyo, naging staple food ko na ang siomai rice." Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses ako kumain ng siomai rice.


"Okay, sige. Ipapatikim ko sayo ang the best siomai rice dito." Sabi niya sabay hatak sa braso ko. Nagpakaladkad na lang ako sa kanya dahil hindi nga ako familiar sa lugar na ito.


Tumigil kami sa harap ng maliit na karinderia.


"Welcome to Angkong, kung saan matatagpuan ang pinakamasarap at pinakasulit na siomai rice." Sabi ni Zane na parang proud na proud doon sa lugar na yun.


Well, mukhang normal lang na karinderia yung lugar. Maraming mga studyante na naka-uniform pang-SAU ang kumakain sa loob.


Pumasok na kami at umupo sa bakante na silya.


Umorder na si Zane dahil sinabi ko sa kanya na siya na ang bahala sa order ko. Mukhang sanay na sanay na naman siya sa lugar na to kaya hinayaan ko na siya ang mag-decide.


Fried dumplings with rice ang inorder niya para sa akin at Japanese siomai with rice naman ang sa kanya. Tig-4 pcs kami at isang cup ng rice.


Bago siya kumain ay hinintay niya muna akong mauna kaya sumubo na ako ng dumpling na hinati ko sa gitna. In fairness, sobrang sarap nga nito.


Nanlaki ang mata ko dahil sa sarap ng dumpling at napansin ko na naman na nakangiti siya habang nakatitig sakin.


"Hmmm, napansin ko na parang alam na alam mo tong lugar na to. Madalas ka ba dito?" Tanong ko kay Zane kasi ang awkward naman na pinapanood niya lang ako habang kumakain kami.


"Oo" sagot niya habang nakatitig pa rin sakin.


"Dito mo siguro dinadala yung mga dine-date mo no?" Ano ba yang lumalabas sa bibig mo Yesha? Hay, bahala na nga kung anong isipin niya.


"Hindi" sabay tawa niya ng konti. "Dito kasi ako sa SAU nag-aral hanggang senior high school."


Saving YeshaWhere stories live. Discover now