Chapter 29

29 3 1
                                    

Umuwi rin kami agad ni Janix after ng dinner date namin. Nakatulog ako agad dahil na rin siguro sa pagod sa work at dahil sa dami ng iniisip ko.


Dumagdag pa si Zane na nakita ko matapos ang halos limang taon na hindi man lang siya nagparamdam.


Well, mukhang hindi naman siya affected nung nakita niya ako, baka ako na lang talaga ang may hang-ups sa past.


I mean, I totally moved on okay. I am now in love with Janix.


Pero may mga tanong pa rin sa isipan ko na hinahanapan ko ng sagot.


Gaya na lang ng nasan siya nung araw na yun?


Kasi kung sakaling nahanap ko siya, I'll probably beg him to stay.


Kaso hindi ko siya nakita, hindi siguro talaga kami.


Kahit na binigay na namin ang lahat at parehas kaming sumugal, ang pagmamahalan namin ay sinubok pa rin ng panahon at pinagkaitan ng tadhana.


At sa huli, parehas kaming natalo.


Ganun siguro talaga yun, my love for him made him strive to be a better version of himself. Kumbaga, I pushed him to his own limits and now that he became the man that I always dream him to be, he is now with someone else.


When he was with me, I only gave him pain and sufferings. But with his new girlfriend, he looks happy and successful.


Sa aming dalawa, siguro, ako talaga yung problema.


And I am genuinely happy to see him be with someone who is best for him.


Nandito na ulit ako sa PGH, naka-duty sa OBAS habang nasa OR sa 3rd floor si Janix. Naisipan ko na ayain si Yennie na mag-lunch dahil nalulungkot akong kumain mag-isa.


Sa Cancer Institute siya nagta-trabaho habang nagte-take ng residency niya on Oncology. Dumiretso ako sa office niya at agad ko siyang nakita. Kumatok muna ako para makuha ang atensyon niya.


"Yennie, kain tayo. Di ka pa tapos sa work mo?" sabi ko dahil nagsusulat pa rin siya ngayon sa charts.


"Wait lang, patapos na. Diyan na lang tayo kumain. May nagdala ng pa-buffet sa nurse's station. Meron kasing dumating na couple na namahagi ng regalo at pagkain sa mga cancer patients." Sabi niya habang patuloy na nakatingin sa mga charts.


"Hala, aagawan mo pa ng pagkain yung mga pasyente. Kala mo naman wala kang pambili ng sarili mong pagkain." Reklamo ko naman sa kanya.


"Excuse me, may sarili nga kasing pa-buffet sa nurse's station para sa nurses, doctors, at ibang staff. Naipamahagi na yung para sa mga pasyente. Bahala ka nga, basta dun ako kakain." Tumayo na siya at inayos ang coat na suot niya.


Sumunod ako sa kanya paakyat dahil nasa sunod na palapag pa ang nurse's station.


Saving YeshaWhere stories live. Discover now