Chapter 4

64 3 1
                                    

Nandito kami ngayon sa conference room at katatapos lang ng case presentation namin.


Napag-usapan namin yung nangyari nung Wednesday and nabanggit samin ng professor namin na ilang beses na nag-cardiac arrest yung patient na-CPR namin during the PM and night shift bago kami nag-duty.


Under hospice care na siya and it just happened na nag-expire siya during our shift.


Dahil dun, our clinical instructor made us realize that we can't save everyone but we still have to do our best everytime we render care to our patients. Because everything we do is a matter of life and death.


Lumabas na yung clinical instructor namin nang biglang nagsalita si Achi, "Rob tayo, my treat. Anong gusto niyo?"


"Nagca-crave ako ng pizza, Sbarro tayo." Sabi ni Daph.


"S&R na lang, di ka pa ba nagsasawa sa Sbarro?" Lagi na lang kami dun kumakain ni Daph kapag nagyayaya siyang mag-pizza.


"Hmmm...sige na nga, S&R na lang para new environment. Let's go na, nagugutom na ako. So bakit mo pala naisipang manlibre today Achi?" tanong ni Daph habang naglalakad kami papuntang Rob.


"May atraso kasi yan sakin. So care to explain bakit nandun si Zane kahapon sa ER?" bumaling ako kay Achi at napansin na nagte-text siya.


"Ah, explain ko na lang later. By the way, nag-invite ako ng friends. Sasabay sila satin kumain, if okay lang sa inyo?" kinakabahan na tumingin sakin si Achi.


"Ano pa ba magagawa namin eh mukhang na-message mo na sila. Since libre mo naman, g lang," sabi ni Daph.


"Okay, tara." Pagkasabi ni Achi nun ay pumasok na kami sa entrance ng Rob Manila sa Pedro Gil side. Sumakay na kami ng escalator papunta sa 4th floor kung nasaan ang S&R.


"Garlic shrimp sakin tapos iced tea. Anong sayo Daph?" tanong ko sabay upo sa vacant seat.


"Ito na lang pepperoni sakin para magkaiba tayo ng flavour. Titikman ko yung inorder mo tapos ipa-try ko din yung order ko sayo." Pagkasabi ni Daph ay umalis na si Achi para umorder.


Maya-maya pa ay bumalik na si Achi bitbit yung iced tea namin at may kasama pa siyang dalawang guys.


"Yesha, Daph. Ito nga pala yung mga kaibigan ko from engineering department, si Miko at si Zane." Sabi niya pagkalapag ng drinks namin sa table.


Napansin ko talaga yung biglang paglaki ng mata ni Daph sa peripheral view ko at parang nalaglag pa yata yung panga niya.


"Miko, Zane. Si Yesha at Daph, friends ko sa nursing school." Biglang naglahad ng kamay si Zane sa tapat ko habang nakangiti pero agad namang tinanggap yun ni Daph.


"Hi! I'm Daph, nice to meet you." Matapos niyang kamayan si Zane ay nakipag-shake hands naman siya kay Miko.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now