Chapter 16

94 3 3
                                    

Napansin ko na nakatingin si Achi sa akin with his judging look pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Tasha.


"Okay, now that we're complete, shall we start working? Wait, I'll just get my macbook." Tumayo siya at kinuha ang bag niya mula sa upuan niya.


"Kunin ko lang din gamit ko." Sabi naman ni Cedie sabay punta sa upuan niya. Napansin ko naman na dala na ni Janix ang bag niya kaya hindi na siya umalis sa tabi ko.


Nilabas na rin ni Achi yung laptop niya at bigla kong narealize na hindi ko pala nadala yung sakin. Hindi ko naman inexpect na magre-research agad kami sa first day of classes.


"Achi, hindi ko dala yung laptop ko. Uwi muna kaya ako, intayin niyo na lang ako 20 minutes lang babalik agad ako." Sabi ko sabay tayo pero biglang humarang sa daraanan ko si Janix.


Nilahad niya sakin yung ipad niya pero napatunganga lang ako sa kanya.


"Take it, just use this. I have a macbook here in my bag." Sabi niya sabay abot sakin ng ipad niya. Pero bigla namang humarang sa pagitan namin si Achi.


"Ah hindi na Janix, Yesha punta ka na lang sa unit namin tutal diyan lang yun paglabas ng gate. Nandun yung laptop ni Zane, yun na lang gamitin mo." Sabay abot sakin ni Achi ng susi niya.


After graduation, lumipat na si Miko at Zane sa unit ni Achi sa University Tower dahil hindi na sila pwedeng mag-stay sa Phi House.


"Zane, who's Zane?" Nagulat ako dahil nakabalik na pala si Tasha. Nandito na rin si Cedie dala-dala ang gamit niya.


"Pinsan ko, boyfriend ni Yesha." Sagot naman ni Cedie sa tanong ni Tasha.


Napansin ko na tinignan ni Achi si Janix na parang hinuhuli yung reaksyon niya pero wala namang nagbago, seryoso pa rin ang itsura niya.


"Woah, you have a boyfriend! Sana all may jowa." Sabi naman ni Tasha at biglang nag-pout.


"Hindi lang naman ako ang may jowa eh. Pati si Achi meron." Singit ko sa usapan dahil ayaw ko talaga na ako yung main topic.


"Really! You have a girlfriend?" Baling naman ni Tasha kay Achi.


"No, I have a boyfriend." Ngiti naman ni Achi kay Tasha.


"Oh wow, that's so sweet. Teka, don't tell me ako lang ang walang boyfriend sa grupo na to." Sabay tingin niya kay Cedie at Janix.


"Ako walang boyfriend." Sabi ni Cedie kaya biglang napangiti si Tasha. "Pero meron akong girlfriend." Sabay tingin ni Cedie kay Aoi na kausap pa rin ang mga ka-grupo niya. Bigla na namang napasimangot si Tasha.


"Don't tell me Janix ikaw din may girlfriend. Si Cysteine ba yung girlfriend mo?" sabay tingin naming lahat kay Cysteine na ka-grupo rin pala ni Aoi.

Saving YeshaOnde histórias criam vida. Descubra agora