Chapter 23

59 3 0
                                    

Naramdaman ko bigla na nilapat ni Janix ang dalawang kamay niya sa likod ko na parang nag-aalangan kaya nilayo ko agad ang sarili ko sa kanya.


"I'm sorry." Sabi ko sa kanya sabay punas sa mga luha ko.


"Yesha, what's the problem?" sabi niya sabay hawak sa magkabilang braso ko habang sinusubukang hulihin ang tingin ko.


"Si Papa kasi mukhang na-stroke. Sa ngayon nagsasagawa pa sila ng diagnostic tests.I just...don't know what to do..." sabi ko habang humihikbi na naman.


"Hey, Yesha. I can't really say that everything will be fine but I know for sure that the health care workers are doing their best. You even worked with them, alam mo naman kung gaano sila kagaling diba." Sabi ni Janix sakin sa mahinahon na boses.


"Yeah, I know. Malaki ang tiwala ko sa kanila pero iba pa rin talaga kapag kakilala ko yung pasyente. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari kay Papa, Janix." Paliwanag ko sa kanya habang patuloy pa rin na umiiyak.


"Is there something that I can do to help you calm down? What do you want to do Yesha?" Naalala ko na gusto kong makausap si Zane. Sa tingin ko kapag narinig ko ang boses niya ay makakatulong yun para kumalma ako kahit konti.


"I want to talk to Zane pero he's not answering my call." Nakita ko na umawang ang labi niya bago siya tumango at bahagyang ngumiti sakin.


"Okay, I'll stay with you until he answers his phone. Try calling him again." So I did. Tinawagan ko ulit siya at matapos ang dalawang ring ay sinagot na niya sa wakas ang tawag.


"Hello Zane, finally. I've been trying to call you..." pero naputol ang pagsasalita ko nang marinig ko ang boses ng babae na nagsalita galing sa kabilang linya.


"Hi, I'm sorry but Zane is not here. He is currently working in the site and he left his phone in the office. I just answered the call since you've been calling non-stop so I thought maybe it's an emergency. By the way, this is Architect Mañago, his colleague. If it is urgent, you can just tell me and I'll relay your message to him." 


Hindi agad ako nakasagot. Napansin din siguro ni Janix ang pagbabago sa expression ng mukha ko kaya nakatingin na siya sakin ngayon ng seryoso.


"Ahh... it's fine. It's not that urgent, I'll just call him again later. Thank you." Bago pa siya muling magsalita ay binaba ko na ang tawag. Hindi ko na naman napigilan na tumulo ang luha ko.


"If your boyfriend is not available, I'm still here you know. I mean we're friends, you can talk to me." Bumaling ako kay Janix na ngayon ay nakatingin sakin ng diretso.


"Di ka na galit sakin?" tanong ko sa kanya habang humihikbi.


"Kelan ba ako nagalit sayo?" sabi niya sakin habang naka-smirk.


"Hindi mo ako pinapansin. Isang buong sem Janix, akala ko pa naman friends tayo pero nagawa mo akong tiisin ng limang buwan." Pagtatampo ko sa kanya.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now