Chapter 10

54 3 1
                                    

Tumayo bigla yung 'Ashley' at nag-beso kay Zane na hanggang ngayon ay halatang gulat na gulat pa rin sa pagkikita nila ng ex niya.


"Grabe, it's been five years since I last saw you. Akala ko tuloy pinagtataguan mo ako." Sabay hampas ni ate girl sa braso ni Zane.


"Right after our graduation, nag-transfer ka agad ng school. If I know better, tinakbuhan mo ako kasi nasasaktan kang makita na nakahanap agad ako ng pamalit sayo." Sabay tawa niya at lagay ng buhok sa likod ng kaliwang tenga niya.


"Ahaha... lumipat ka rin pala. Sa UDS ka na nag-aaral?" Tanong ni Zane sabay turo sa ID lanyard ni Ashley.


"Yeah, I took BS Tourism Management sa SAU for a year pero I had to shift to Business Administration here in UDS because of my parent's business. Wait, let me introduce you to my friends." Sabay hatak niya kay Zane papunta sa table nila.


"Grabe noh, ang ganda nung ex ni Zane." Pagkasabi ni Daph nun ay biglang umupo si Miko sa tabi ni Achi. "Kung ako siguro yung bagong nililigawan ni Zane, mai-insecure ako sa ex niya." Pabulong na sabi ni Daph pero rinig na rinig ko naman.


"Bakit ako mai-insecure. Maganda rin naman ako." Totoong maganda talaga siya, as in artistahin level yung ganda niya. Pero kung maiinggit ako everytime na lamang ang isang tao sa akin sa isang bagay, baka mamatay na ako sa pagiging insecure. Kaya I'll just appreciate what I have while acknowledging what other people have.


"Ang mahalaga, hindi naman pagandahan ang laban. Past na siya, ikaw ang present, labanan na lang to kung sino ang magiging future." Grabe, parang sinabi na rin ni Daph na wala akong laban kay Ashley sa pagandahan.


Habang nagbubulungan kami ni Daph at naglalandian si Miko at Achi sa harap namin ay napansin ko na naglalakad na palapit sa table namin si Zane kasama si Ashley.


"Guys, this is Ashley. Friend ko from SAU pero she's currently studying here in UDS. Ashley sina Miko, Achilles, Daphney, and Yesha. Kaibigan ko from UPF." Napansin ko na tumigil ang tingin ni Zane sa akin nung banggitin niya ang pangalan ko.


Nilahad naman ni Ashley yung kamay niya at kinamayan kami isa-isa.


"Okay, guys. See you around. Balik muna ako sa friends ko." Sabay haplos niya sa braso ni Zane bago tuluyang dumiretso sa table nila.


Nandidilim na talaga ang paningin ko kaya pinagtuunan ko na lang ng pansin yung bagong dating na chicken wings. Honey barbecue, soy korean, garlic parmesan, at yangnyeom korean yung flavors na inorder namin.


Tinusok ko yung isang chicken gamit ang tinidor at kinain nang hindi sila pinapansin. Bahala na si Zane kung gusto niyang makipaglandian basta ako nagugutom na kaya kakain na lang ako dito.


Kumain na rin naman sila pero napansin ko sa peripheral view ko na tingin ng tingin si Zane sa direksyon ko.


"Laro na tayo, sayang naman yung punta natin dito kung kakain lang tayo ng kakain." Sabi ni Daph sabay tayo at kuha ng isang game mula sa shelf.

Saving YeshaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin