Chapter 26

38 3 0
                                    

I cried myself to sleep.


Nagising na lang ako nang bigla kong marinig ang boses ni Yennie.


"Ate, gising na. Nasa labas si Kuya Achi, aalis muna ako. May gagawin lang kaming groupwork." Narinig ko na naglakad na siya palabas kaya bumangon na rin ako.


Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Achi at agad akong niyakap.


"Yesha, are you okay? No, mali pala yung tanong ko. Kumusta ka na ngayon?" sabi niya sabay kalas mula sa pagkakayakap sakin at saka tumingin sa mukha ko.


"I'm not yet okay pero magiging maayos din naman siguro ako diba?" sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti.


"Teka, paano mo pala nalaman? At saka anong alam mo?" tanong ko naman kay Achi. Pinapasok ko muna siya at umupo kami sa sofa.


"Well, I kinda overheard Miko and Zane talking so, hiwalay na ba kayo?" mahinang sabi naman ni Achi sakin.


"What? No. I only asked him for a break pero hindi pa kami hiwalay. Bakit mo naman natanong? Anong sabi niya sayo?" kinakabahan ko naman na tanong kay Achi.


"Well, nakita ko kasi na sobra yung pag-iyak ni Zane tapos narinig ko rin nung kinwento niya kay Miko yung mga nangyari sayo. Sabi niya baka kailangan mo muna ng oras para sa sarili mo kaya hindi ka muna niya guguluhin para hindi siya makadagdag sa problema mo. Hihintayin na lang daw niya kung kelan handa ka na ulit makipag-usap sa kanya." Napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya.


"Yesha, bakit hindi mo sinabi sakin yung nangyari? Alam mo naman na nandito lang ako, hindi mo naman kailangan sarilinin lahat ng problema mo." Pagtatampo naman sakin ni Achi.


"Well, hindi pa naman ako sigurado sa mangyayari. Bukas pa namin malalaman ang desisyon ng board." Paliwanag ko sa kanya.


"Ano ba kasing nangyari? Bakit pati lisensya mo madadamay? Saka bakit expulsion agad?" Kinwento ko kay Achi ang buong pangyayari at napansin ko na parang nagulat siya.


"Ano namang pumasok sa isip niyong dalawa ni Janix, Yesha? Okay, gets ko naman na magaling kayo parehas pero paano kung namatay yung pasyente. Ni wala kayong kasamang lisensyadong doctor dun, sinong mananagot kung sakaling nagka-problema?" ngayon ay tumataas na ang boses ni Achi habang nagsasalita siya.


"Gusto ko lang naman iligtas yung pasyente Achi, masama ba yun? Oo, aware ako mali yung paraan na ginawa namin pero sa sitwasyon na yun hindi ko na inisip kung anong tama, ginawa na lang namin kung ano yung sa tingin namin ay dapat. At hindi ko pinagsisisihan na ginawa namin yun." Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko habang nagpapaliwanag sa kanya.


"Paano yung lisensya mo Yesha? Paano lahat ng pinaghirapan mo, mauuwi na lang ba yun sa wala?" mas mahinahon na niyang tanong sakin.


"I'm a nurse first even before I became a med student. May sinumpaan akong tungkulin bilang isang registered nurse. And I did something that is beyond my scope of practice. Now I have to pay the repercussions of my actions." Sabi ko habang patuloy na umiiyak.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now