Chapter 1

174 7 0
                                    

"Welcome to the Philippines, Ma'am." Magandang bati ng stewards kay Kalonice habang pababa siya ng eroplano. She smiled sweetly at them and bowed a little as a sign of respect at nilingon ang mentor niya.

"Pwede na po ba akong dumiretso sa amin, Sir?" Mahinhin niyang tanong havang hila-hila ang maleta niya. Sumabay sa kaniya ang mentor niya at umiling.

"Kailangan muna nating bumalik sa school. They're waiting for you." Naka-ngiting sabi sa kaniya ng mentor niya na tinanguhan niya naman.

She was sent to US, in New York to be specific, to be her school's representative and an exchange student. At first, she was against it. Wala siyang pera at scholar lang siya. At isa pa, ayaw rin ng Mama niyang umalis siya. Pero sinagot ng school lahat ng gagastusin niya sa ibang bansa ganun din ang pangtustos ng pamilya niya sa pang-araw-araw. Her family depends on her, simply because she was the breadwinner. Two years far from her mother was a relief for her. But now, her fears, obligatons and responsibilities has returned. Wala naman kasing trabaho ang ina niya at pagsusugal lamang ang alam nitong gawin. Ipinagdarasal niya na sana ay nagpapatuloy pa din sa pag-aaral ang kaniyang mga kapatid.

"WELCOME BACK, Kalonice Montecristo!" Masayang bati sa kaniya ng lahat ng mga estudyante. Her eyes were expanding. Hindi niya lubos isiping paghahandaan nila ang pagbabalik niya.

"Thank you. Thank you." Pagpapasalamat niya sa lahat. Lugod siyang nagagalak sa kaniyang pagbabalik. Hindi kasi siya sanay sa ibang bansa. She's fluent in English but she barely communicates to the students there. Lalo na't ang tingin ng mga tao doon sa isa't isa ay kalaban. They were competitive. At talaga namang nahirapan siya sa pagkuha sa unang ranggo. But she was happy to be in second place. She knew in herself that she did her best.

MATAPOS ang welcome party ay pinauwi na rin siya sa wakas. Her heart was pounding hastily habang papasok ang van na sinasakyan niya sa kanilang lugar - ang squatter's area. Agad na nag-chismisan ang mga tao nang makita siyang bumaba ng van. Alam ng lahat na pinadala siya sa ibang bansa upang mag-aral. Pero ang chismis ay chismis. Hindi na lamang siya magpapa-apekto.

"Balita ko nabuntis daw 'yan doon."

"Talaga? Eh, nasaan na 'yung bata? Dal'wang taon din 'yan doon."

"Ewan. Baka ipinalaglag sa takot na umuwi sa kanila. Kilala mo naman si Rita..."

"Nagmana 'yang anak niya sa kaniya. Parehas silang makati at malandi."

"Ewan ko ba dyan kay Rita. Kung ibinenta niya siya sa mga kano edi nagkapera pa siya."

Pasok sa isa, labas sa kabila ang mga salitang naririnig niya mula sa kanila. Nasasaktan siya sa mga maling pag-aakusa sa kaniya ngunit anong magagawa niya? Wala siyang karapatang magsalita. Ayaw niya ng gulo pero sila ang may gusto. Mas mabuti pang manahimik kesa buksan ang kaniyang bibig.

"N-Nandito na ako..." Sabi niya at pumasok sa loob. Nakarinig siya ng mabibilis na yabag, sumulpot ang kaniyang mga kapatid na malalaki na ngayon.

"ATE KALO! NANDITO KA NA!!!" Masayang sigaw nina Ali at Francis. Sinalubong niya sila ng mainit na yakap. She missed them a lot. They were just little when she left. Ang bilis nilang lumaki para lang sa dalawang taon. Tumangkad naman sila but they remain thin.

"Kamusta na kayo? Nasaan si Mama? May mga pasalubong ako para sa inyo!" Wika niya na nagpa-excite sa tatlo niyang kapatid. Umupo sila sa malamig na sahig (wala naman kasi silang upuan dito sa sala kahit na kahoy) at binuksan ang malaki niyang maleta. Kaunti lamang ang damit niya roon. Puro sabon, shampoo, at gamit pang-katawan ang mga dala niya at ilang laruan para sa kanila. Ganun din ang mga pagkain na kakasya na sa kanila sa isang buwan lamang.

Midas' Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon