Chapter 2

89 7 0
                                    

Maagang gumising si Kalonice. Inasikaso pa kasi niya ang kaniyang mga kapatid para sa pagpasok ng mga ito sa kanilang school. Siya ang naghahanda ng kanilang makakain, pagkatapos ay paliliguan at bibihisan. Minsan, kapag marami pa siyang oras ay siya na rin ang naghahatid sa mga ito. Walang maasahan kay Rita. Magaling lamang ito sa pagsusugal at pag-iintindi sa kaniyang sarili. Walang pakialam sa kaniyang mga anak kaya naman si Kalonice na lang ang nag-aaruga sa mga ito.


"Kain lang kayo dyan, ha? Maliligo lang si Ate," paalam niya sa mga ito.


"Opo." Sagot naman nila. Ngumiti si Kalonice bago pumasok sa kanilang banyo. May linya pa naman sila ng tubig. Siya ang nagpakabit nito para hindi na sila makikiigib sa kabilang bahay. Sa buong compound nila ay sila lang ang may linya ng tubig at ang iba ay puro poso ang gamit.


Madamot si Rita. Hindi ito nagbibigay ng tubig sa mga kapitbahay ng libre. Sinisingil niya ang mga ito at pagkatapos ay gagamitin ito sa pagsusugal at pagbili ng mga luho.




Naghubad na si Kalonice at umupo sa maliit na upuan kaharap ang timba, tabo at gripo. Mabilis ang ginawa niyang pagligo. Alam niya kasing sinisilip siya ng mga manyak nilang kapitbahay sa tuwing siya'y naliligo o kahit na natutulog. Ilang beses niyang pinatapalan ang mga butas sa kahoy nilang mga dingding ngunit sila'y sinisita ni Rita sapagkat nagbabayad ang mga lalaking iyon sa kaniya masilipan lamang si Kalonice.


Kung siguro'y mayaman lamang ang mga ito ay ibebenta na niya si Kalonice sa kanila kapalit lang ng pera. Hanggang tingin lamang ang mga ito kay Kalonice dahil iyon lang ang pinapayagan ni Rita. Unless they will pay her thousands. Baka makahawak pa sila kay Kalonice kapag ganon.




Nang matapos ay agad din siyang lumabas. Nagsilipat ang mga lalaki sa kanilang kwarto at mga pumwesto sa butas na ginawa nila upang sumilip. Dumating ang mga kapatid ni Kalonice na mga nakangiti at humarang sa kanilang paningin.


"Bihis ka na Ate, dali." bulong ni Ali.


"Ate, tapos na po ako kumain!" maganang sabi ni Francis at nilakasan ito at umaktong normal.




Napangiti na lamang si Kalonice at agad na nagbihis. Wala siyang inaksayang oras. Nag-usap sila ng mga kapatid ng iba't ibang topic to buy her time to finish clothing. Nang matapos ay lumabas na ang dalawa. Nagpupuyos sa inis na umalis ang mga lalaki upang puntahan si Rita at sabihin ang ginawa ng kaniyang mga anak. Babawiin nila ang ibinayad nila sa kaniya!




"Hello po, Ate Ganda! Nakabalik na pala po ikaw!" bati sa kaniya ng mga bata. Tumawa si Kalonice at sila'y mga kinawayan. Kilalang-kilala siya ng mga batang ito dahil noon pa man ay siya ang naghahatid-sundo kina Ali at Francis. Ilan sa kanila ay naging kaklase ng dalawa, at naging malapit na siya sa mga bata dahil hindi naman niya binabalewala ang mga ito at kinakausap minsan.


"Mag-aaral kayong mabuti, ha. Sige na, pasok na kayo," ngiti niya sa mga kapatid at itinulak papasok sa kanilang mga classroom. Pinanood niya ang mga itong makaupo sa kanilang upuan bago tuluyang umalis.




Tiningnan niya ang oras sa cellphone niyang Nokia 3310. Alas-siete pa lang ng umaga. Kung maglalakad lang siya ay tiyak na bago pa mag-alas otso ay naroroon na siya sa kumpanya na may kalapitan lang naman. Makakatipid pa siya sa paggastos para sa pamasahe. Kailangan niyang tipirin ang natitirang limang libo para sa kanila. Hangga't wala pa siyang trabaho ay maghahanap siya kahit maging labandera pa siya maitaguyod niya lang ang kanilang pamilya.


Oo, napakamakapangyarihan nga ng lalaking iyon at nagawa nitong i-ban siya sa iba't ibang uri ng trabaho ngunit kakapit at mananalangin siya ng sobra, na sana ay matanggap pa din siya sa Yzaguirre Arts of Engineering Company at magawan ito ng solusyon. Hindi pwedeng wala siyang trabaho. Tiyak gagawin na naman iyon ng kaniyang ina sa kaniya






Midas' Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now