Chapter 39

27 2 0
                                    

"Come here, Contessa. I will braid your hair. Come,"

"Noooooo~~" mahabang pagtutol nito at umiling-iling.

"Nini, she hates those braids-braids thingy. She don't like Barbies anymore but robots! She wants our toys now!" Lareon.

Napasinghap si Kalonice. Pinagmasdan niya si Contessa. Kung noon ay Barbie ang hawak nito, ngayon ay hindi na. She's holding a robot now! At doon niya lang rin napansin ang kwarto nito. Pink pa din naman, ngunit mga panglalaki na ang display sa paligid.

"Jusko, you're straying away from our girly path, Contessa,"

Natakpan ni Kalonice ang bibig at hindi makapaniwala. Pumasok si Midas na bihis na bihis. He's wearing a white jeans and red sweatshirt. Meanwhile, Kalonice is wearing a Santa outfit-inspire dress.

"You look gorgeous, Kalonice," he complimented. Kalonice smiles.

"Thank you. You look handsome, Daddy," she whispered at inayos ang damit ni Midas.

"Midas, pansin mo ba, parang interesado na si Contessa sa mga panglalaking bagay?" Pagbubukas niya at sumulyap kay Contessa na nakasakay sa kotse-kotsehan nitong kulay itim na imbis na pink.

"I don't mind her acting like that, as long as she's aware that she's a girl,"

Gulat na tumingin si Kalonice sa kaniya. "I mean, she look badass, right?" Ngisi ni Midas. Bumagsak ang mga balikat ni Kalonice at hinampas siya.

"Sana baby sister ang next sibling niyo. Baka sakaling matuwid ulit siya since may playmate na siyang babae,"

Nagtinginan sila ni Midas. He called Contessa. "Are you a girl?"

"Huh?" Pagtataka ng kapatid. "Yesss!" Mahabang sagot nito.

"Then, why don't you play with barbie ans dolls anymore?"

Nagsalubong ang kilay nito. "What wrong that, Zeze? I want theirebtoys coz they are 'teresting and cool! Pink and dolls are bowing!"

"Oh, w-wow,"

Pilit na tumawa si Midas.

Bumaba si Contessa at umikot habang nakahawak sa laylayan ng dress nito. "I'm still a Princess, aren't I?"

Napangiti sila. "Guess I am worried for nothing," Kalonice breath in relief.

"Of course. You will be our Princess forever," ngiti ni Midas at binuhat siya.

"Larzen, let's go said Daddy!" tawag ni Larren na nasa pinto. Tinawag na nila ang iba pa at magkasamang nagsilabas.

Dumiretso sila sa pier kung nasaan ang ang cruise. Naroroon na ang pamilyang Lisieux at Alterio, hinihintay sila.

"Kalonice hija! Omg, I'm so happy to see you again! You look gorgeous as ever!" Cassandra.

Tumakbo siya patungo kay Kalonice dala ang baby niya at bineso si Kalonice. "Hello po. Ang cute naman ng baby niyo. Babae po or lalaki?" Kalonice plays with its little hand. Tumabi sa kaniya si Cain dala ang isa pa.

"Twins. Both are boys, again. This is Caelus, and this is Caige," pagpapakilala ni Cain at ipinakita ang hawak niyang si Caelus.

Kalonice's eyes twinkled. "Wow~ Twins~" Natawa ang mag-asawa.

"Hello, hija,"

Lapit ni Delphine na may dalang paper bag. Bumaling sa kaniya si Kalonice. "Hello po. Kumusta po, Tita Delphine?"

Delphine smiled at her widely. "I'm fine and I'm doing good,"

She brushes her hand gently to Kalonice's hair. "I'm so glad to see you again. You've change. You became a beautiful woman. More beautiful than before. What's your secret and you're blooming endlessly?"

Nahihiyang tumawa si Kalonice. "Alagang Dad---este, Midas lang po,"

Shoot, she almost slipped!

"Oh, wow. Things are going smooth between you two, huh. Now I know why you're blooming," she whispered to her ear, "You are in love."

Ngumiti si Kalonice at walang hesitasyong tumango. Larry called them. Pumasok na sila sa cruise. They will be going to an island near Spain. It's the 24th of December today and they will spend their Christmas in the island.

Tinaasan ni Ali ng kilay si Jarrah at nilampasan ito habang paakyat sa cruise. Nanggalaiti agad si Jarrah ngunit siya'y nagtimpi. She could still remember what Alo did to her. She don't give forgiveness for free. Gaganti siya sa kaniya. And it is the right now now.

"Hello, Kalonice,"

Kumaway si Callum at Cadbury sa kaniya. Nginitian niya ang dalawa at sila'y niyakap. "Nice to see you two again," masaya niyang sambit at sila'y binitiwan rin. They blushed.

"I bought a new book. I hope to read it with Anastachia," Callum. Bahagyang natigilan si Kalonice, ngunit hindi nagtagal ay ngumiti rin.

"Hmmm, sure. If I have time," aniya. Anastachia is harmless. She knows she could trust Anastachia.

Ngumiti si Callum at sinabi, "Thank you,"

Nahiwagaan sina Larry. Callum is the most aloof child of Cain and Cassandra despite them being so outgoing. They rarely see him. Mabuti nga at sumama ito sa kanila. Plus, he smiled, which he rarely does too. He is also a bookworm, and he loves reading books with Anastachia. He likes Anastachia. So much.

"Hey, baby doll,"

Midas snake his arms around her waist, "Let's go see the sea. Come," aya niya bago binuhat si Kalonice at inilabas. Pinakiramdaman nila ang hampas ng hangin sa kanilang balat. They see the ocean slowly unfolding the part if the horizon as they continue to sail.

"Where fish? Where?"

Napatingin sila kay Contessa. Buhat ito ni Larry at nakatingin sila sa baba. "No pipin, Dada?"

"The dolphins are sleeping, baby. Hehe," palusot ni Larry. Contessa look at the ocean and sing with only voice, no words. It was like that of, Frozen, the mysterious voice part. She learned it after watching the movie.

"You're so good, Princess! Go, call the dolphins. You can do it!" Pagchi-cheer ni Larry at sumaway-sayaw. Tumawa si Contessa at pinag-igihan ang pagtatawag sa mga dolphins.

Tumabi si Caedmon kay Jarrah. Parehas nilang tinanaw sina Midas at Kalonice na masayang nagkukwentuhan habang magkayakap. Wala silang imik sa isa't isa.

"I heard you like her,"

Pagbubukas ni Jarrah. Napasulyap si Caedmon sa kaniya at agad ring ibinalik ang tingin sa dalawa. "Do you have no plans on stealing her?"

He snickered. Napapantastikuhan siyang tumingin kay Jarrah. "Seriously? Steal?" Umiling siya. "I will never win. As long as it's not Edana, my defeat is already recorded before I could even fight,"


When he went to Wayne back in the island before, they talked. He asked why she returned Midas' belongings. Wayne said that Nymph told her so. Wayne also told him that they met and talked when Kalonice headed first in the island before their wedding started. It was Nymph who told her to return his belongings. And she did.

He tried finding the mask to her but she said she doesn't have it. Only Kalonice knew where it was, or baka daw itinapon na ni Kalonice. Either way, they both knew that Nymph will find a way to have her mask back. Without her mask, she won't be able to do something dirty.

He ricochet the question to Jarrah. "Why do you suddenly asked? You have plans on stealing him?"

Tumawa ito. "I have nothing to steal, Caedmon. Because right from the start, he's mine. MINE."

Naningkit ang mga mata ni Caedmon. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ito o niloloko lamang siya, pero masama na agad ang kutob niya sa ibig sabihin nito. Jarrah gave him a sweet smile bago ito tumayo at umalis sa kaniyang tabi. Napailing na lamang siya at ibinalik ang tingin kina Kalonice at Midas.

***

"Papa! Mama!"

Sabik na nilapitan ni Larry ang kaniyang mga magulang na kanina pa naghihintay sa kanilang pagdating. Kalonice saw a helicopter nearby them. Mukhang iyon ang ginamit nila papunta rito kaya siguro mabilis silang nakarating.

"Hello, our coolest grandparents!" The quintuplet squealed at pinagkaguluhan ang dalawa. Ngumiti ang mga ito saka sila binuhat.

"Our boys are big now! You were so little when we last saw you. Hmmm!" Tumingin ito sa kanila.

"Hi, Ma, Pa," ngiti ni Gwynedd. Ngumiti ang ina ni Larry sa kaniya at siya'y nilapitan. They hugged at hinalikan ang pisngi ng isa't isa.

Sinipat ni Kalonice ang babae sa kanilang tabi. Malapad ang ngiti nito at mukhang mayumi. She's standing still as she look at each of them. And when they eyes met, she smiled even wider.

"Hey, sis. You're alone?" Yumakap si Larry sa kaniyang kapatid.

"May dapat ba akong isama?" aniya. Sabay silang tumawa bago kumalas sa yakap.

"Your boyfriend?"

"Wala akong boyfriend!"

"What!? Ang laki-laki mo na! Wala sigurong gustong pumatol sa iyo kasi mas lalaki ka pa sa kanila!"

Nainis ang kaniyang kapatid at agad siyang ibinalibag sa buhanginan. Gimbal na gimbal si Kalonice. Parang wala naman ang pangyayaring iyon sa kaniyang mga kasama dahil normal na sinaryo na ito sa kanila kapag magkakasama sila.

"Ma, Pa, this is my girl, Kalonice," pagpapakilala ni Midas kay Kalonice sa harap ng lahat. They went to her at agad siyang sinipat. Ngumiti si Kalonice at bahagyang yumuko bilang paggalang.

"Hello po. I'm Kalonice po. Nice to meet you po,"

"Napakagalang na bata. Sobrang ganda pa. May anak na ba kayo?" ani ng lola ni Midas na siyang nagpamilog sa mga mata nila.

"M-Ma, wala pa po!" tanggi ni Midas na namumula. Tumawa sina Larry.

"So, she's the girl everyone talks about, huh," his grandfather. Inikutan niya si Kalonice na kinakabahan. Kinakabahan na baka hindi siya matanggap ng mga ito katulad ng mga magulang ni Gwynedd.

"Kailan kayo magpapakasal?" tanong niya at sinamahan ng ngiti. Nakahinga ng maluwag si Kalonice. Mukha namang gusto siya ng mga ito. Mabuti naman.

"We're not talking about marriage yet. We still have more time to decide, and things are...you know, complicated a bit. It's hard to explain." Paliwanag ni Midas. Humawak sa braso niya si Kalonice at ngumiti ng malapad.

"Alright! Save the chats later! Let's go inside!" Tawag ni Cain sa kanila na nasa second floor na agad ng mansion.

"Ah, that man. Atat talaga kahit kailan!" Iling ng lolo ni Midas. Natawa na lamang sina Octavius at nagsipasok na sa loob.

They placed the gifts under the huge Christmas tree they built. Meanwhile, Kalonice are helping the mothers from cooking when she remembered Jarrah can cook too.

"What are you saying, hija?" Tawa ni Delphine na naghihiwa ng hotdog para sa spaghetti, "Jarrah doesn't know how to cook. She can't even lift a knife. She have her own cooks which schedules her meal each day,"

Natigilan si Kalonice sa paghahalo ng sabaw at napatingin kay Delphine.

"Ugh, yeah. She have two cooks and she brings them with her every time, anywhere. She only eat healthy foods made by them since they know what's good to maintain her youthful glow and body figure. Arte." Cassandra.

Hindi naman makaimik si Kalonice. Napatingin siya kay Jarrah na nasa labas mula sa bintana, kausap si Midas kasama ang kanilang mga kapatid sa paglalaro. Humigpit ang pagkakahawak niya sa sandok.

Does it mean it was not her who cooked the dishes she served for Midas' birthday? Then what's with all the mess that they cleaned? Anong ibig sabihin ng lahat ng iyon?

Dahil sa nalaman ay nag-iba ang kutob ni Kalonice kay Jarrah. Napansin niya din ang kakaibang tingin na ipinupukol nito kay Midas. Umiling siya at iwinaksi sa isipan ang mga lason na isipin at nagpatuloy sa pagluluto. Baka naman sumubok itong magluto kaya ganon karumi ang kusina noon. Sabi nga nito, hindi pa siya sigurado kung masarap ang kaniyang mga luto dahil hindi naman daw siya magaling.


"Yes, Ma. Talagang busog na busog po kami kasi napakagaling talagang magluto nitong magiging daughter-in-law ko. Sabi ko nga po kay Midas, pakasalan na niya at talagang maraming alam sa bahay!" Pagmamalaki ni Gwynedd at tinikman ang sabaw. Ipinatikim niya din ito sa ina na napatango naman. Kalonice shyly chuckled in embarrassment.

"Nasaan na ba ang anak mo? Bakit hindi pa pakasalan? Kapag talaga sinaktan niya ang batang 'to, babaliin ko talaga ang mga buto niya," pagbibiro nito at lumapit kay Kalonice at hinaplos ang kaniyang buhok. "Ang ganda-ganda mo talaga. Masaya ka ba sa apo ko? Sinasaktan ka ba?"

"Nako, hindi po. Napaka-overprotective nga po niya sa akin at sobrang sweet. Hindi ko po maimagine na sasaktan ako ni Midas," ngiti ni Kalonice na kinikilig..

"That's good to know!" Nagulat sila sa pagpasok ng lolo nito na kay aga-aga ay may hawak agad na alak.

"Once na malaman ko na nagloko ang batang 'yan, nako, alam niyo na ang mangyayari,"

"Pa, akala ko pa naman ikaw ang pipigil kay Larry. Hays," iling ni Gwynedd.

"Mag-ama talaga ang dalawa. Ayaw lang namin na madungisan ang lahi natin. Walang manloloko dito, okay? Aba, biruin mo, Papa mo hindi nagloko, asawa mo sobrang loyal sa iyo, tapos pagdating sa anak mo, mambababae? Hindi talaga makakalabas nang buhay 'yan sa kung saan man namin' yan maabutan kapag nalaman naming nagloko 'yan. Kilala mo kami, Gwynedd. Sa amin nagmana ng kabaliwan ang asawa mo kaya huwag kang magtaka kung pagtutulungan namin ang anak mo kung sakali. Loyalty and faith are our trademarks."

Kinilabutan si Kalonice sa mga narinig. Hindi niya alam kung sino ang kaniyang mga nakakaharap ngayon, pero takot na takot na siya. They sound so notorious, like a gang. Midaa' grandfather has a scar across his face. His grandmother is full of scars too in her body but the only thing that's clean was her beautiful face. Hindi halata na lolo at lola na sila dahil mukhang napakabata pa ng mga ito. She bet they dyed their hairs kaya walang kulay puti ang mga ito. Naalala niya rin nang makita ang mga ito kanina ay mukha silang mga secret agent. They are wearing black and leathers. Sana naman ay hindi mafia ang mga ito.

"Huwag po kayong mag-alala, I assure you po na hinding-hindi magagawa ni Midas 'yan. Wala po siyang panahon para mambabae. Honestly, he hates it when other girls are near him. At saka, I don't think na magloloko pa po siya, or lolokohin ako, kasi minsan na po niyang naranasan iyon at alam kong hindi niya gagawin iyon sa akin kasi alam niya po ang pakiramdam. Magtiwala po tayo kay Midas. Kapag po talaga nagloko siya, isusumbong ko po agad sa inyo!" Sinundan niya ito ng pagtawa. Napangiti na lamang sila at mga nagtawanan na lang din. His grandfather shrugs and left them.

Nang sumapit ang kinagabihan ay handa na ang lahat. Nagtipon-tipon sila sa malaking lamesa at nagdasal.

"Amen. Everyone, MERRY CHRISTMAS!" Palakpak ng ama ni Larry.

"MERRY CHRISTMAS!" Sigawan nila.

Hindi mapawi ang mga ngiti sa kanilang labi. Pinagsaluhan nila ang masasarap na mga putahe at sinamahan ng biruan at kwentuhan.

"Hmm, napakasarap naman ng mga pagkain natin!" Cain.

"Pero mas masarap ang mga nagluto~" Dugtong ng iba pang ama tulad niya kaya agad silang nagtawanan.

"I bet Kalonice contributed the most here. Here, baby, eat a lot, okay?" Ani Midas at hinalikan si Kalonice sa pisngi bago inilahay ang buong turkey sa kaniyang plato.

"Waaah!? Larzen, we want that turkey too!" angil nila Larcen. Ibinalik ni Kalonice ang turkey sa gitna at hinampas si Midas.

"Napaka mo talaga. Kumain ka na lang dyan,"

Ngumiti si Midas at tumango. Hinawakan niya ang hita ni Kalonice at kumain. Pumasok si Caedmon na dala ang mga bote ng wines at binuksan ang mga ito. Sinalinan nila ang mga baso at itinaas ang mga ito saka muling bumati ng maligayang pasko at naginuman. Grape juice naman ang ininom ng mga bata na gumaya sa kanilang toast.

~

"Time for unwrapping gifts! Pero bago 'yan, pila muna ang mga inaanak namin at nang mabigyan ng aguinaldo!" Pagtatawag ni Cain na ginawang scarf ang palamuti sa Christmas Tree.

Umupo silang tatlo nila Octavius at Larry sa couch, mga naka-dekwatro at mga naka-shades na amimo'y mga VIP na sosyal. Nagsipila ang lahat ng mga bata, maliban kina Midas, Caedmon, at sa dalawang kapatid nito na lalaki.

"Okay, bless kay Ninong!" sabi ni Cain at ibinigay ang kamay. Nagbless agad sa kaniya si Larzo.

"Teka nga, bakit lahat kayo nakapila sa harap ko? Mga inaanak ko ba 'tong mga' to? Ang pagkakaalam ko si Midas lang, ah?" bigla niyang sabi nang maalala iyon. Bumaling siya kay Larry na pangisi-ngisi.

"Inaanak niyong dalawa ang lahat ng magiging anak ko, at magiging inaanak ko din lahat ng magiging anak ninyo. Kaya, sige na. Pamaskuhan mo na sila! Huwag ka sanang kuripot!"

"Aba, kupal ka pala, eh! Mamumulubi ako sa iyo dahil sa dami ng anak mo!" Angal ni Cain na hinalakhakan lang ni Larry.

"Mas makakatipid ka sa akin. 50 million lang para sa anak kong babae," ngisi ni Octavius.

"Aba, ayos ka din, ha. Sa 50 million mo, tigsasampung million na 'tong quintuplet ni Larry!" Binatukan siya ni Cain.

"Haist, bilisan niyo na lang para mabuksan na ang mga regalo! Ay, Ali, Francis, pumila na din kayo at mag-bless. Dali, dali!" Ani Cassandra na nakapila dala ang kambal niya. Nahiya ang dalawa, pero hinila sila ni Delphine at sinamahan sa pagpila.

"Okay. Kiss mo si Ninong kung love mo ako," kundisyon ni Cain at itinuro ang pisngi. Umasim ang mukha ni Larzo ngunit hinalikan pa din siya. Binigyan siya ni Cain ng sampung libo.

"Hayop na sampung libo 'yan! Ang yaman-yaman mo tapos sampung libo lang ang ibibigay mo sa anak ko!?" Singhal ni Larry at ibinato ang Christmas Ball sa kaniya.

"Aba! 'Yung iba nga bente lang ang ibinibigay sa inaanak nila, eh! Napaka mo! Hindi naman ikaw ang binigyan!"

Sumakit ang ulo ng mga asawa nila.

"1 million for you, Larzo. Here, Merry Christmas. Be a good boy, hmm? Merry Christmas." Ngiti ni Octavius at iniabot ang cheke kay Larzo. Tuwang-tuwa naman ito at pumunta sa ina.

"Anak, tago muna natin 'yan. Bili tayong robot, ha?" Pang-uuto ni Larry at ginulo ang buhok ng anak. Itinago nito ang chekeng natanggap.

"Don't fool me, Daddy! You're a scammer!" giit nito. Nagtawanan naman ang lolo't lola niya.

"Tsk. Oh, ito, 1 million din. Bonus na 'yang 10k,"

Iniabot ni Cain ang cheke kay Larzo. Nang magtipon-tipon silang magkakapatid ay nagtatatalon sila sa tuwa.

"UwU, Miss President, don't need to ask for their money kasi bibigyan ka na lang ni Daddy ng 1 billion!" Paglalambing ni Larry sa anak na babae at hinalikan ito. Hindi nga ito binigyan ng dalawa.

"Oh? Nasaan na si Larzen at Caedmon? Kiss niyo si Ninong para may 1 million din kayo!" Pagtatawag ni Cassandra sa dalawa na agad namang umirap.

"I don't need your donations," ismid ni Midas na nakaakbay kay Kalonice.

"Aba, ang kapal ng mukha ng anak mo, Larry! Parang noon napaka-uto-uto niyan makuha lang ang 1 million ko!" Pagdadrama ni Cain na hindi makapaniwala.

"No need to give me money. I could earn it, anyway," Caedmon chuckled.

"Nakatipid tayo ng kalahating bilyon sa kanilang dalawa. Ikaw ba, Jarrah?" Bumaling sila sa kaniya na nagchi-chill lang.

"I'm fine too." Ngiti niya.

"Ikaw, hija?" Baling nila kay Kalonice.

"Hindi na po," tanggi niya at mahinang tumawa.

"Then, let's go open the gifts!"

"YEY!!!!"

Nagsipwesto na sila sa mga couch. Oras na para mag-exchange gifts sila. Una nilang tinawag ang mga ina na binigyan ng regalo ang isa't isa. They received designer bags.

"Next, the fathers," anunsyo ni Callum. Hindi naman kumibo ang tatlo.

"Nah, we don't need gifts. You may go on. They are more than thankful to see my handsome face," cool na sabi ni Larry at ngumisi.

"Ulo mo, Yzaguirre. I just don't want to spend my moneys on you two. Buy gifts for your selves. Malalaki na kayo." Cain.

"Guys, don't fight. We all know na kung hindi dahil sa akin, hindi niyo makakatuluyan ang mga asaw aniyo," Octavius smirked at inayos ang suot niyang shades. Nag-bow naman ang dalawa sa kaniyang harap habang nakaluhod.

"Long live, Lord Octavius!" The room was filled with laughter. Bumalik na sila sa kanilang mga upuan.

Sumunod ay ang mga bata. Naibigay na din ni Midas sa wakas ang mga regalo niya sa kanila. They are the robots he made na kasing tangkad nila. Ang kay Contessa naman ay robot din kaso ay babae. Pero kahit na ganoon ay tinanggap pa din nito ang regalo at hinalikan siya sa pisngi. After them leaves Caedmon, Jarrah, Midas, Callum, and Cadbury.

"Who's first?" Octavius. Jarrah raised her hand at kinuha ang isang malaking paperbag. Inuna niya si Callum. She gave him some old books she bought from an auction. Next was Cadbury. She gave him the number of the supermodel that he likes.

"She's single. I can set up a date for the both of you," aniya at kumindat kay Cadbury na agad namang namula.

"Mukhang binata na ang totoy ko," pagdadrama ni Cain. Kinomfort kuno siya ng dalawa.

"Dad!" Tumawa na lamang sila.

Jarrah paused in front of Caedmon. She smiled and gave him a perfume. "I love that. I know you do too,"

Tinanggap iyon ni Caedmon. "Thanks," he said and flashed a smile. Next was Midas. She also gave a perfume to him. Wala siyang sinabi. She intentionally touch his hand and smiled when their eyes met. Then to Kalonice.

"I don't know what I should give to you specifically, so I bought a make up kit for you since we are girls. Right?" Aniya at mahinang tumawa. Tinanggap iyon ni Kalonice at nagpasalamat.

Next was Callum and Cadbury. They gave Jarrah a gold bracelet. Tiningnan lang nila si Caedmon at nilagpasan saka binigyan si Midas ng sapatos. And for Kalonice,

"I hope Anastachia will read them," ani Callum at maliit na ngumiti saka bumalik sa kaniyang upuan.

"I hope all of you will love this necklace," Cadbury. Ibinigay niya ang kwintas kay Kalonice na malugod namang nagpasalamat. Sinipa silang dalawa ni Caedmon. Nagsipaan silang tatlo.

"Okay, next is Caedmon!" pagtatawag ni Larry.

Tumayo ito at ibinigay ang regalo niya kay Jarrah. "It's a secret," ngisi niya. Tiningnan niya lang rin ang dalawang kapatid bago nilagpasan at lumapit kay Midas. Binigyan niya lang ito ng keychain at pumunta na kay Kalonice.

"Seriously!? A key chain!?"

"What? You can have anything naman if you want. That's what I could afford. Tipid ako," ngisi ni Caedmon. Nanggigil sa kaniya si Midas at inirapan na lamang siya.

Humarap siya kay Kalonice. He fished the key inside his pocket. "I've been wanting to give this to you, as your graduation gift, but things became messy so I decided to give it for your birthday, but you were far, but this time, you can finally have it,"

He sighs. "You see, I was really serious to you, but you thought all the things I do to you are nothing but some act of kindness. I don't like you because I heard how...awful your story was. Maybe I do, because you are strong and tough. I want to be the one who will love you and care for you, but sadly, you have him,"

Sinulyapan niya si Midas na seryosong nakatingin sa kaniya. He faked a laugh and look straight in Kalonice's eyes. "I hope you will find happiness with him."

Tumulo ang mga luha ni Kalonice. Tumayo siya at mahigpit na niyakap si Caedmon. "I'm sorry... I'm sorry, Caedmon," she whispered. Caedmon smiled and nodded as he hug her back.

"I just want you to know if things get tough between the both of you, I am here to steal you. Really." Pagbibiro niya. Natawa si Kalonice at kumalas sa yakap. Tinanggap niya ang susi at bumalik sa tabi ni Midas. He and Caedmon stared at each other. A meaningful one, before Caedmon went back to his seat. Midas stares at Kalonice. She gave him an assuring smile.

It was his turn. Tumayo na siya at ibinigay kay Jarrah ang isang pares ng hikaw mga libro din ang kay Callum, ganun din kay Cadbury. He rolled his eyes on Caedmon bago ibinigay ang isang relo sa kaniya. When he turned to Kalonice, when she stopped him.

"Pwede ako muna? Kinakabahan kasi ako sa regalo mo. Ako muna, pwede?" Kabadong pakiusap niya at kinuha ang paper bag na naglalaman ng mga regalo niya. Tumawa si Midas at tumango. Siya naman ang tumayo at si Midas naman ay umupo na.

Una ay si Jarrah. She gave her glossy heels. Instead of books for Callum, she gave him a necklace for men ganun rin kay Cadbury. Ngumiti si Kalonice at kinuha ang isang bracelet.

"I made this myself and designed it. I know this bracelet will never be enough to thank you for all the good things you have done to me, but I hope every time you will look at your wrist, you will be reminded that I am thankful and grateful of you, Caedmon. Always."

She wipes her tears. "So, I'm sorry. I'm sorry if I hurt you because I was stupid. Thank you for understanding me. You are the very first man who ever showed me kindness, and I'm so happy that I met you. I'm sorry if I can't ve the girl that you deserve. I hope you find your own happiness too. Thank you. Thank you×so much, Caedmon," she sob.

Tumayo si Caedmon at mahigpit siyang niyakap. Napangiti na lamang ang mga magulang na pinapanood sila.

After sharing a hug, they parted and Kalonice put the bracelet on Caedmon's wrist. She sealed it and smiles at him. Ngumiti na lamang din si Caedmon at nagpasalamat sa munti ngunit napaka-espesyal naman niyang regalo at umupo na.

He checks the bracelet out. It was simple and he bet it is made in silver. It brought a smile to his lips. To think that setting her free will be this painful, but he could stand it anyway. He's still hoping that somehow, he still have a chance to her. No matter how faint that chance is, he will make a way to make it brighter and claim it.

Kalonice was his first. He should be her end-game.

Midas' Touch [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora