Chapter 8

59 5 0
                                    

"Francis... Ali... Gising na kayo. Aalis na si Ate. Ali..." mahinang tawag ni Kalonice sa mga kapatid at tinapik-tapik ang pisngi ng mga ito. Naalimpungatan naman sila. Sinalubong niya sila ng ngiti.

"Good morning. Gising na kayo. Aalis na si Ate."

Bumangon agad ang dalawa at mga naghilamos. Inayos ni Kalonice ang kaniyang backpack. Nasa loob na ang mga kakailanganin niya at wala nang naiwan pa. Nakapagluto na din siya ng ulam na hanggang panghapunan na nila.

"Ingat ka Ate, ha."

"Kayo din. Nakausap ko na sina Manong Guard at si Ateng Receptionist. Kapag may kailangan kayo, lapitan niyo lang sila. Ito, tatlong libo 'yan, ha. Huwag ninyo gagastusin lahat' yan nang isang araw lang. Kumain kayo at pakabusog kayo, ha? Ha?" inabot ni Kalonice ang tatlong libo kay Ali.

"Opo, Ate. Salamat po."

"Sige na, maiwan ko na kayo. Lagi niyong ila-lock ang pinto, ha. Bye na." Hinalikan niya ang mga ito sa pisngi at mahigpit na niyakap. Umalis na siya dahil babiyahe pa siya papuntang airport. Doon na daw siya tumuloy sabi ni Midas.

Sumakay na siya sa bus. Isinuot niya ang galaxy pods niya at plinay ang mga kanta sa play list na ginawa niya kanina sa Spotify. Habang bumabyahe ay nakatanggap siya ng text mula kay Midas through LINE.

LY_Midas: Where are you woman?

Agad naman siyang nag-type ng pang-reply.

Kalonice: Nasa bus na. Bakit?

LY_Midas: I'm here with Dad already. Be fast.

Kalonice: Sige. Sasabihin ko sa driver na mag-drive ng mas mabilis.

Of course, she did not mean it literally.

Kalonice: Atat ka? Hindi ka naman iiwan.

On the other hand, umagang-umaga ay bwisit na bwisit na agad si Midas. Ang ganda pa naman ng gising niya. Kahit sa anong uri talaga ng pag-uusap, lalo na kung si Kalonice ang kausap ay nasisira agad ang mood at araw niya. He can seriously hear her voice inside his mind as he read her replies!

LY_Midas: Ikaw ang maiiwan kung hindi ka magmamadali!

And he harshly hit the send button.

Kalonice: Ulo mo madali.

"What!?"

Kalonice: Maghintay ka dyan. Excited ka atang pumuntang New York.

LY_Midas: Who wouldn't? Philippines' countrymen sucks.

And he rolled his eyes. Isang sticker ang natanggap niya mula kay Kalonice na ine-explore ang application.

Kalonice: Ang cute ng mga stickers dito!!!!

At tinadtad niya ng iba't ibang uri ng sticker si Midas. Sa inis niya ay blinock niya ito. Naiirita siya. She's spamming him unwanted stickers!

"Hija, salamat naman at dumating ka na. Halika na!" ngiti ni Larry nang dumating na din si Kalonice.

"Pasensya na po kung natagalan ako,"

"It's fine, it's fine. So, let's go?" Malawak na ngumiti si Kalonice bago tumango. Nauna na sina Larry at Sean na nagsisikuhan. Tumingin si Kalonice kay Midas na masama ang tingin sa kaniya.

"Hmmm? Good morning?" she falter, and he replied her with a hiss bago siya iniwan. Agad naman siyang sumunod kay Midas para hindi na siya maiwan. Baka kung magpapahuli pa siya ay dakmain na naman nito ang kaniyang ulo.

~

"I heard what happened yesterday at the mall. How is it going?"

Kalonice froze in her seat at agad na napatingin kay Larry na nasa harapan niya. Katabi nito si Midas habang katabi niya naman si Sean.

Midas' Touch [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن