Chapter 21

42 2 0
                                    

"Midas, kaya nga naimbento ang wheelchairs para sa mga hindi makakalakad, hindi ba? Hindi pwedeng hindi ako sumama sa graduation at sa party. Kailangan kong makita ang mga bata," she argued.

Ibinaba ni Midas ang hawak niyang kutsara sa plato at siya'y mataman na tinitigan. "Ang kulit mo. The doctor said no, so no."

"At sino namang doktor ang nagsabi nyan? Ikaw na naman?" ismid niya. "Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo. Magwi-wheelchair ako. Hampas ko pa sa iyo 'yon."

Napa-irap si Midas. "Fine, fine. After that, sa bahay ko na ang diretso niyo, pati ikaw. I'll hire a doctor for you. Sige na, kumain ka na. I have an online class later with my prof,"

"Nag-aaral ka pa pala?" nasopresang sabi ni Kalonice.

"Of course, I still am! I need a diploma and slap those insecure hypocrites who said I don't need to study anymore since I'm a heir right after their faces with it. It's the proof of that I have knowledge. Hindi ako katulad ng iba na mga tanga at bobo," he seethed and rolled his eyes. Ngumiwi naman si Kalonice dahil sa kaniyang sinabi.

"Maka-tanga ka naman at bobo. Ikaw na may pinag-aralan." Hindi na lamang umimik pa si Midas at siya'y pinakain.

Dumaan kanina ang mag-asawang Gwynedd at Larry upang dalawin si Kalonice. Aasikasuhin ni Larry ang mga bagay-bagay sa kanilang kumpanya habang kasama naman ni Gwynedd ang mga kapatid ni Kalonice upang asikasuhin ang kanilang mga passports. She excused them from school. Balak niya din kasing igala ang mga ito kasama ang mga anak niya.

Dumaan ang mga oras at ang tanging ginawa ni Kalonice ay panoorin si Midas na um-attend sa klase nito. He was focused on his laptop with his earphones on, habang nasa kaniya naman ang cellphone nito.

She opened his IG. Nag-scroll lamang siya sa mga litratong in-upload nito. Hindi niya din napigilan ang sarili at binasa ang comment ng ilan sa mga iyon. Half of the comments are negative and half of them are positive. Netizens are clashing and his 'fans' are defending him. Meanwhile his haters and bashers are serving them 'receipts' for their invalid contexts.

Naisip niya tuloy buksan ang account niyang wala pa ding kalaman-laman. She logged in, at bumungad sa kaniya ang walang kalamang-laman niyang account. Wala pa din siyang profile picture dito. So, she went to his camera. Nabigla siya nang ito'y naka-front camera. Ngumiti na lang siya at kinuhanan ang sarili ng litrato. Pagkatapos ay ito ang inupload niya para gawing profile picture.

Dahil wala pa siyang ibang naipo-post ay kumuha siya ng mansanas at pinicturan ito. Sunod ay isang saging, then the flower vase, the the table, the tv, at lahat ng bagay sa loob ng kaniyang kwarto.

Matapos niyang magsawa ay finollow niya si Midas maging ang mga fina-follow nitong accounts. Lima lang naman iyon.

She sighed at nanood na lang sa Netflix ng The Haunting of Bly Manor. In the middle of watching, napansin niya ang kaniyang repleksyon. Napabalikwas siya nang may sumilip sa kaniyang likod. She heard a laugh, inside her head.

"That's a great series. Want to have you own version? The Haunting of Kalonice Montecristo..."

Nanigas siya sa kinauupuan at nanlamig nang makilala ang boses na iyon.

"I want my mask back."

"AYOKO!" Sigaw ni Kalonice at napukpok ang ulo. "Umalis ka! Umalis ka! Ayoko! Umalis ka! Ayoko!"

Muntik nang mahulog sa kinauupuan si Midas dahil sa kaniyang ginagawa sa sarili at agad siyang nilapitan. "Kalonice! Kalonice, stop! Stop it!" Hinawakan niya ang mga kamay nito at nakitang dumurugo ang benda sa kaniyang ulo. Nawalan ng malay si Kalonice. Nang buksan niya ang mga mata ay nakita niya ang sarili sa isang madilim na lugar, kaharap ang iba't ibang personalidad habang pabilog na nakaupo palibot sa kaniyang nasa gitna.

Midas' Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon