Chapter 13

49 4 0
                                    

"Ayaw mo ba talagang bumaba?" tanong ni Kalonice kay Midas. Nasa loob pa din sila ng kotse. Ilang minuto na ang lumipas simula nang sila'y makarating sa parking lot ng McDonald's, ngunit sa ilang minuto na iyon ay hindi nagawang gumalaw ni Midas. Nakamasid lamang siya sa labas at ayaw kumilos.

"I will never go inside that cheap fast-food!"

"Masasarap naman ang pagkain sa loob. Magugustuhan mo sila," giit ni Kalonice na inaayos ang damit ni Contessa.

"Zeze!"

"That restaurant is for children only! So many commoners inside. They're dirty!" Midas snorted while rolling his eyes. Kinikilabutan siya sa tuwing maiisip ang sariling papasok sa ganoong klaseng lugar. His review to it is already low.

"Ayaw mo talaga?" tanong ulit ni Kalonice. Bumaling sa kaniya si Midas. Naglaban silang dalawa ng tingin.

"Yes. Hindi mo ako mapipilit---" natigilan siya nang buksan ni Kalonice ang pinto sa kaniyang tabi dala ang mga gamit nila ni Contessa.

"Where the fuck are you going!?"

Kalonice stop halfway through her leave. "Papasok sa loob. Tutal ayaw mo palang pumasok e kami na lang ni Baby ang tutuloy. Wait here like a driver. Arte mo." Kalmadong sabi nito bago tuluyang lumabas. Napabuga ng hangin si Midas. He mouthed 'what the fuck?' bago nagmamadaling inalis ang seat belt na suot; hinugot niya ang susi ng kotse bago sila hinabol.

"Hey! Ugh, Kalonice!" Hinila niya ang braso nito pabalik at iniharap ang katawan sa kaniya. "Why are you leaving me!? We can just go to any five star hotel but not here!"

"Pero dito ang gusto ko. Sarili mo na lang ang i-date mo. Salamat na lang sa pagdala sa amin dito." Ngiti ni Kalonice at inagaw ang braso.

Midas' jaw drop.

"Are you serious!?" he blurted out of frustration at naipadyak ang paa. The woman really turned her back at him! And there is Contessa, chuckling as she wave her hand at him. Mas lalo siyang naasar.

This wasn't the kind if date he wanted. He wants everything to be luxurious. He wants to spend his money: either it is thousand or million dollars. He wants to go to places he never been before during his date, fly first class, sail the sea with a gold-coated yacht, rent an entire island or rent an entire hotel for dinner dates.

But Kalonice, the woman wanted to spend their date in McDonald's!?

"Gusto mong Happy Meal, Baby?" tanong ni Kalonice kay Contessa habang nakatingin sa cellphone nito. She called her siblings.

"ATE KALO!!!"

"H-Hello, Ali, Francis. Pasensya na kung ngayon lang nakatawag sa inyo si Ate, ha?" aniya at malungkot na ngumiti.

"Okay lang po, Ate! May kasama na po kami dito! Yaya daw po ni Kuya Midas!" pamamalita ng dalawa at ipinakita ang isang katulong na may katandaan na. Kumaway ito sa kaniya.

"Nood muna kami ng cartoons Ate, ha? Kakain na din kami!"

"H-Ha? A-Ano... S-Sige. Mamaya na lang." Ngiti ni Kalonice at doon na namatay ang tawag.

Binuksan ng guard ang pinto para sa kanila. Ngumiti siya dito bago nagpasalamat at pumasok sa loob. Mabilis siyang sinundan ni Midas; iniwasan nito ang papasarang pinto at tumabi sa kaniya.

"Oh? Akala ko ba never kang papasok dito?" gulat na sambit ni Kalonice nang siya'y makita.

"Shut up. As if I will stand there like an idiot or wait for you to finish your meals." Madiin nitong bulong sa kaniya bago iginala ang tingin sa paligid. Agad na nagbulungan ang mga tao, may mga nabulunan pa nang sila'y makita.

Midas' Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now