Chapter 15

55 3 0
                                    

"You should hold on tight, Kalonice," sabi ni Midas upang mabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"B-Bakit? May problema ba?" pagtataka ni Kalonice na napaayos ng upo.

"Nah. I'm just gonna do a trick. Like, a space shuttle." And he slowly push the accelerator forward.

Napasandal si Kalonice sa upuan at nanlaki ang mga mata. Mas lalo pang bumilis ang pagpapaandar ni Midas at pakiramdam niya ay maiiwan ang kaniyang kaluluwa. Her heart keeps on skipping a beat.

"M-Midas---! Dahan-dahan lang! Midas!" Humigpit ang pagkakahawak niya sa upuan at mariing napapakit. But Midas didn't listened to her.

"It will be fun! Trust me!" Ngiti ni Midas at doon ay inikot ang kabuuan ng jet plane sa ere.

Kalonice shrieked in fear. She wanted to throw up. Midas keeps on spinning the jet plane around and she's sometime losing her consciousness for a split second. Kalonice keeps on screaming until she found herself crying. Her headphones fell.

"Midas, tama na kasi! MIDAS!" she screamed on the top of her lungs and sobbed, but Midas did not seem to hear her.


"HAHAHA! I told you, it's fun!" tawa ni Midas na tuwang-tuwa dahil ngayon na lamang niya ulit iyon nagawa. To be honest, he dreamt of being a soldier before; he wanted to go to war and fight for the country he's serving, but every thing changed because of his cheater ex girlfriend.

Jarrah did not want him to pursue being a soldier because she was 'afraid' that he will die during the battle someday and she will be left alone with their 'children'. She said she was afraid to lose him. So, Midas made up his mind and choose being an engineer too just like his father.

Nakita na niya ang boundary ng Pilipinas. He then made the jet plane spin for the second time and for the last time bago dumiretso sa Metro Manila, kung nasaan ang building ng kanilang kumpanya at huminto sa rooftop.

"Woooh! I want to do that again!" he blurted in satisfaction. He turned the engines off at inalis ang headphones niya. Sunod ay ang kaniyang seat belt.

"Do you like it, Kalonice?" may ngiti sa labi niyang tanong bago nilingon si Kalonice. Nawala ang kaniyang ngiti.

"K-Kalonice?" agad niyang pinindot pabukas ang canopy upang makatayo. Ibinaba niya ang sandalan ng kaniyang upuan at humakbang doon papunta kay Kalonice.

"Kalonice! Hey, Kalonice!"

Her fingers flinched. Unti-unting itinaas ni Kalonice ang kaniyang ulo. Natumba sa nakatuping upuan si Midas.


From gunmetal blue eyes to pure hazel eyes.


It was not Kalonice.


"Patay na ba ako, Kuya?" mahinang tanong nito at umubo. Mahigpit na mahigpit itong nakakapit sa seat belt.


Her eyes changed again into glistening brown eyes. She looked at Midas with so much sadness.

"Malaya na ba ako, Kuya?"

Her eye color changed into hazel again.

"Ang saya n'on. Akala ko mamamatay na ako. Pwede bang pahiram nito, Kuya? Ibabangga ko lang para mamatay na ako," sabi niya at maliit na ngumiti.

Hindi nagawang makapagsalita ni Midas at natulala na lamang kay Kalonice. Her eyes closes; her head fell ngunit agad din siyang nagising.


Puno ng takot ang kaniyang mga matang tumingin sa paligid bago kay Midas. Muling nagsitulo ang mga luha niya. "H-Huwag... Huwag mo nang uulitin 'yon..." aniya at natakpan ang mukha.


Midas was still spacing out. Lumapit siya kay Kalonice nang lutang ang isipan at siya'y niyakap. He cannot be wrong. That two personalities are definitely Sui and Nisa! The twins!

He's thinking why and how it happened. Was it because of what he did? Probably! It's probably the reason because Kalonice is crying. And she said that he should not do it again. He scared her. And it triggered the twins to come out.

He didn't know... He didn't know...

"S-Shhh... Kalonice, shhh... I'm sorry. I'm sorry, hindi ko alam. Hindi ko sinasadya. I-I was excited. I'm sorry, Kalonice. Please don't cry. Hindi ko sinasadya."

"H-Huwag mo akong bibiglain ng ganon, Midas. Dapat... Dapat sinabi mo muna sa akin kanina. Dapat... Dapat---"

"Yes, yes, yes. I will tell you that sooner someday. I promise." Kumalas na siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ni Kalonice. "Tahan na, okay? Mag-McDo na lang ulit tayo para hindi ka na umiyak." And she took the bait like a kid.

Lumabas na sila ng jet plane. Tinawagan agad nila ang kanilang mga pamilya upang sabihing nakarating at nakabalik na sila. They used the elevator para makababa. Midas looked at the screen. He moves his finger, trying to touch Kalonice's hand. Naramdaman ni Kalonice na may sumusundot sa kaniyang palad at agad na tumingin doon. Ibinaba agad ni Midas ang daliri.

Tumingin si Kalonice sa kaniya. "Gusto mo bang hawakan ang kamay ko?" tanong niya.

Nabigla si Midas at nataranta. "W-What!? N-No! Why would I!?"

"Sigurado ka?" ngiti ni Kalonice. Midas stared at her before looking away.

"C-Can I?" Namula ang kaniyang mga tenga. Mahinang natawa si Kalonice at siya na ang nag-initiate. She hold his hand, and to Midas' vision, she was like a little girl holding onto her Daddy's hand.

So he intertwined their fingers.

Kalonice look at him with surprise before to their hands. The doors opened. Hinila agad siya ni Midas palabas. Nagulat ang mga empleyado nang sila'y makita, ngunit mas nagulat ang mga ito nang makita silang magkahawak ang mga kamay.

Dire-diretso silang lumabas. They waited for Midas' driver to come for he is driving his car. Nang makarating ito ay pumasok na silang dalawa sa loob at dumiretso sa mall. Bumili sila ng pasalubong para sa kanilang mga kapatid, and Midas did not let Kalonice spend her money but his. Kung sasabihin lang ni Kalonice sa kaniya, bibilhin na niya ang mall para sa kaniya. But Kalonice has no plans for doing that.

"Kailan kayo lilipat?"

"Bakit ba atat kang maging kapitbahay ako?" natatawang sabi ni Kalonice habang hinahalo ang milk tea na pinabili niya kay Midas kanina habang naggo-grocery siya. Hanggang ngayon.

Mabuti nga't nautusan niya ito. Midas is definitely not the kind of person na mauutusan mo, but Kalonice just did and he obeyed. Ang pinakamahal pa nga ata ang binili nito. She levelled up. Noon ay hanggang scramble shake lang niya na tiglilimang piso. Ngayon ay naka-milk tea na siya.

"Hindi ako atat. I just wanted to know because I know a good interior designer. I will hire her. I will pay for the expenses too---" Mabilis siyang hinampas ni Kalonice gamit ang pasta.

"Ako. Ako ang gagastos. My life, my decisions, my responsibilities, and everything about my life---I PAY. Parang sinusustentuhan mo na ako sa kakabayad ng mga bagay na ako dapat ang gagawa."

"You don't want a sugar daddy?" inosenteng pagkakasabi ni Midas habang nakatingin sa kaniya. Natigilan si Kalonice at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Midas. Agad namang tumawa ang lalaki.

"Just kidding. But I have nothing much to spend about so..."

"You will use me to spend your money? Your FATHER'S money?"

Midas snorted. Nagpatuloy sila sa paglalakad. "They're my money. I own 45% of our Empire already."

"Huh? Investor ka agad ng kumpanya niyo?"

"Maybe? Because when I was arounf 6 or 7 years old, I gave Dad a one thousand pesos and I told him that I will invest on his company. So, until now, nakikinabang ako."

"S-Seryoso ka?" natatawang turan ni Kalonice at kinuha ang spaghetti paste. Natawa din si Midas. "Yeah. Then when U was 8, my Arabian grandparents gave me a gold bar when they found gold in their oil mine. Dad tricked me though and I was stupid to give that gold bar to him. That raised the percentage of my investment in our company. Mom was really mad at him for that and I cried for the whole day after knowing what he did. But he said he will use the gold bar to build our main bases and I was like, "Okay, I get it. Do whatever you want and I will own 45% of your Empire and that's a deal,"."

Nagtawanan silang dalawa dahil sa kwento pagkatapos. Naiiling na lamang si Midas dahil sa nakaraang iyon. Hindi naman siya nagsisisi dahil nakikinabang pa din naman siya hanggang ngayon.

"Ang cute niyo talagang dalawa ni Sir Larry." Bungisngis ni Kalonice at kinuha ang lata ng condensed milk. Inilagay niya iyon sa cart na tulak-tulak ni Midas.

Bigla siyang nainggit. She grew up with just a mother. She's wondering how it would feel to have a father. I hope she grew up with one. Kahit sandali lang. Maramdaman niya man lang kung ano ang pakiramdam ng may isa kang ama.

"You're silent. I told you, I can be your Daddy." Puna sa kaniya ni Midas. Natawa siya at hinampas ang lalaki sa braso.

"Huwag ka nga. Loko ka talaga."

"I'm serious. If you want to, call me Daddy by night and Midas during the day. That would be better---"

"Ewan ko sayo!" Asik niya habang tumatawa at nagpatiuna. Nahihiya siya sa mga pinagsasabi nito sa kaniya. Buti na lamang at walang taong malapit sa kanila. Walang nakarinig ng kanilang pinag-uusapan.


"Are you going to cook for them mamaya?"

Nagtingin-tingin si Kalonice sa shelves. Naghahanap siya ng iba pang mas mura. Ibinalik ni Midas ang kaniyang mga hawak at ipinalit iyong mas mahal. "The higher the price, the higher the quality. Choose the priciest. Ako nang bahala---" Ipinukpok ni Kalonice ang bote sa kaniyang ulo ngunit mahina lamang.

"Tumigil ka. At oo, magluluto ako. Maghahanda din ako para sa graduation ng mga kapatid ko."

"I want to come and join." Midas.

"Hindi kita iimbitahin." Ibinalik ni Kalonice ang bote at pinili iyong pinakamura, ngunit inilagay ni Midas ang isa pang bote na kapareha noon sa cart. Natigilan siya.

"Dadating ako kahit hindi mo ako imbitahin."

"Desisyon ka, Midas?" ismid ni Kalonice at ibinalik ang inilagay nito ngunit naglagay lang ulit si Midas ng katulad noon. Pinabayaan niya na lamang basta ito ang magbabayad.

"Let's have adobo for dinner."

"Wala akong sinabing pakakainin kita. Magluto ka." Midas frowned from the response he received. Bumalik na naman ito sa pagiging bastos na magalang. Para bang free trial lang ng kabaitan ni Kalonice ang ipinakita nito kanina.

"Why are you so stingy right now? Your mood swings are weird,"

Kalonice raised a brow at him. "Naiirita lang ako sa mukha mo kaya ganon---" Midas pushed her in the shelf. Nagulat ang lalaking nag-aayos ng mga produkto maging ang mga napapadaan sa kanilang paligid para bumili.

Nahigit ni Kalonice ang hininga. Midas cornered her as he went closer to her face. "M-Midas, m-maraming tao..."

"The next time you talk to me like that again, Daddy will be angry and Daddy will punish you. Alright?" seryoso niyang sabi at hinawakan siya sa bewang.

Ilang na ilang naman si Kalonice at hiyang-hiya dahil sa mga nagtinginang mga tao. She bit her lower lip at mabilis na lamang tumango para tigilan na siya ni Midas, but what she did just pushed his horny button.

He squeezes her waist bago siya tuluyang nilayuan. Bahagyang nakahinga ng maluwag si Kalonice. "I want a carbonara and adobo for dinner and that is final." Desisyon nito at nagsimula na muli sa paglalakad. Napanganga na lamang si Kalonice habang siya'y pinapanood.

Midas looked down at his pants. He breathe in relief. It's still in its slumber, thank goodness.



"Ugh, Midas. Wala na akong nakalimutan! Umuwi na tayo!"

"You sure? How about the manok? Is it already inside? Don't forget the sibuyas. I know there's a sibuyas in adobo because I tasted it before. And, uhm, don't make it too oily---" Binatukan na siya ni Kalonice.

"Ang kulit mo! Wala na nga akong nakalimutan, eh! Wait, meron pala. Ikaw! Bahala ka sa buhay mo!" Dala ang cart ay iniwan niya si Midas sa counter.

Kanina pa kasi sila doon. Nakapila pa man sila ay puro tanong na si Midas. Panay din ang balik nito sa loob para kumuha ng kung ano. Pagbalik nito ay kung ano-ano na ang dala. Lagay ito ng lagay sa cart nila at siya naman daw ang magbabayad. Kanina pa siya nagtitimpi. Napuno na lang siya ngayon. Si Midas na ang gagawin niyang laman sa adobo mamaya!

"Kalonice! Kalonice, wait!" Hinabol siya ni Midas at hinawakan sa braso. Huminto siya at nilingon ang lalaki.

Ipinakita nito ang hawak na Magic Sarap. "The woman said this will make the adobo delicious. I bought a box of this---"

"ANO!? ISANG BOX!?"

"Uhhm, yeah?" sagot ni Midas at siya namang pagdating ng boy dala ang isang kahon ng Magic Sarap.

Nanlumo si Kalonice at natakpan ang mukha sa sobrang stress. "Please, Midas. Ibalik mo 'yan o katawan mo ang ilalagay ko sa loob ng box na 'yon." Pagmamakaawa niya habang kinokontrol ang mga emosyon. Midas stepped back away from her at mabilis na pinabalik ang box.

"O-Okay. It's gone. Wala na s'ya. C-Calm down..."

"I will never make you a chaperone when shopping again. NEVER AGAIN!" singhal niya kay Midas at nagdarabog na umalis.

"W-Wha---!? Why!? But shopping with you is fun!? KALONICE!" Midas waited for his money bago sinundan si Kalonice. Hindi naman siya nito pinapansin. He drag her towards Watsons para utuin ang babae using cosmetics but he remembered that Kalonice is not into that shit. Mas lalo tuloy naimbyerna sa kaniya.

In the end, they stop by Dunkin' Donuts which they finally had peace.


"I will carry them, I will carry them." Presinta ni Midas at nagmamadaling kinuha ang mga plastic. Hinayaan naman siya ni Kalonice.

Pumasok na sila sa loob ng hotel. The receptionist smiled at Kalonice and she smiled back at her after she greeted the guard. Midas rolles his eyes on both habang nakabuntot kay Kalonice.

Kalonice used her key and opened the door of their room. Their jaws drop from what's inside.

"Ugh! Bakit ba ayaw niyong tumahimik sa kakaiyak, mga bakla!? Ang ingay niyo, duh!?"

"Oo nga! Ingay-ingay niyo! Naglalaro kami dito, oh!"

"Shut up, peasants! Uwaaaahh!! Mommy, Larzen stole Kally from us!"

"Ah-eh, kids, shut up na muna kayo, ha? Galit na ang siblings ni Ate Kally niyo. Hehehehe. Play muna kayo ni Kuya Caedmon---"

"We don't like Momon! He looks ugly like Larzen!"

"I'M NOT UGLY!" React agad ni Midas dahil sa sinabi ng mga kapatid. Nagulat ang mga nasa loob. Pumasok silang dalawa.

"Uhhm, h-hello sa inyong lahat---"

"KALLY!!!"

"ATE!!!" Nag-unahan ang mga bata. Unang nakayakap si Laryen dahil tinalunan niya ng yakap ang mga binti ni Kalonice na muntik nang matumba kung hindi lang napahawak kay Midas. Nagsisunod na ang iba pa, hanggang sa mag-away ang mga ito.

"I got her first! Let me go! Eww! The peasants are touching me!" Laryen.

"That's not fair, you frog!" Larzo.

"Yes! It's not fair!" Sang-ayon naman ni Lareon. The rest of the five went to their Mommy and Daddy para isumbong ang kapatid. Ali and Francis meanwhile are trying hard to pull them away from their sister. Isabay pa so Contessa na nangingibabaw ang pag-iyak.

"G-Guys, wait lang, ha? Ano... Kalma muna kayo."

"Kids, let Ate Kally go. Let her rest. She just gotten home." Gwynedd. Nakinig naman ang mga ito sa kaniya at bumitaw na din kay Kalonice.

"Salamat po." Ngumiti sila sa isa't isa. "Uhm, ano po palang meron? Paano niyo po nalaman ang tinutuluyan namin?" Tanong niya at itinuro kay Midas kung saan ilalagay ang mga pinamili nilang dalawa. He glared at Caedmon na prenteng nakahiga sa kama habang nginisihan siya.

"We asked his maid and lead us here. Also, para na din may makasama ang mga siblings mo bago kayo makauwi." Sagot ni Larry. "So, uhm, how's your date?"

"Dad!" singhal sa kaniya ni Midas agad.

"What? I was just asking!"

Umupo si Kalonice sa kama. Ali handed a glass of water to her na pinasalamatan niya naman. "Hindi po natuloy, eh. Nakatulog po kasi kami ni Midas sa kotse niya." Sagot muna niya bago uminom.

"What? Why? What did you two did and you slept?" takang tanong ni Gwynedd.

Napatingin silang dalawa sa isa't isa. Pinagmasdan sila ng mga kasama. Larry covered his mouth when a conclusion popped on his mind. "You two..."

"It's none of your business, Dad. Epal ka!"

"Why and how come I am an epal!?" singhap ni Larry na painosente. Pilit na lamang na ngumiti si Kalonice sa ina ni Midas na nakamasid sa kaniya.

Kinalabit siya ni Caedmon. "Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? So, hangin lang ako dito?" pagbibiro niya.

Ngumiti si Kalonice. "Kumusta ka?"

Napahiga si Caedmon habang tumatawa. "Man, you didn't changed. You're still the same Kalonice!" Halakhak nito.

Masamang tingin ang ipinukol ni Midas sa dalawa na nasa kama. Inilalabas niya ang kanilang mga pinamili. Nakatingin lang sa kaniya si Gwynedd na natatawa dahil sa itsura niya.

"Look at your son. He's jealous." Bulong nito kay Larry na nilalambing si Contessa.

Tumingin naman agad ito sa anak bago sa dalawa na masayang nagkukwentuhan. Ngumisi siya. "Wow! You both sure are close! You must be really happy to see each other again."

Mahinang tumawa si Caedmon bago tumango. Niyakap niya si Kalonice. Natigilan sila at bahagyang nawala ang mga ngiti sa labi. "Of course, Tito. I missed her so much. She's my one and only girlfriend, anyway. I can't even tell how happy I am to see her again." Hinaplos-haplos niya ang buhok ni Kalonice habang nakangiti ng malapad.


Nanggigigil si Midas at naikuyom ang kamao. Nabali ang pasta na hawak niya at doon ay nakuha ang atensyon ni Kalonice. "Midas! Bakit mo binali!?" Agad niyang nilapitan ang lalaki at inagaw ang pasta.

"I'm pissed. Ask my hand why." Malamig nitong sabi at ipinakita ang nakabukas na palad. Kalonice frown with wrinkled forehead. Humalakhak na lamang si Caedmon.

"Bakit ka ba galit? Dinamay mo pa itong pagkain."

Midas rolled his eyes at hindi na lamang sumagot pa. He crossed his arms and watch Kalonice sort them. He's amaze by how she knows what she was doing all too well.

"You should leave now. Kakain kami." Baling niya sa mga kasama. Inapakan ni Kalonice ang kaniyang paa at pinanlakihan siya ng mga mata. Umirap na lamang muli si Midas at padabog na hinila ang upuan at umupo.

"Uhhm, dito na lang po kayo kumain. Magluluto po ako ng hapunan." Nakangiting sabi ni Kalonice habang inaayos ang mga ingredients.

Agad na tumayo si Caedmon. "I will help you, Kalonice."

"Wow! Kally can cook!?"

"Aba, malamang! Cookerist ang Ate namin! 'Yung Kuya niyo ba, cookerist din?" pagtataray ni Ali na nakapamewang.

Tumingin ang lima sa kapatid na si Midas. Kinunutan sila nito ng noo. Bumalik ang tingin nila kay Ali. "No. He's useless."

"WHO'S USELESS!?"

"Midas! Hindi mo kailangang sumigaw!" Suway ni Kalonice at pinukpok ang sandok sa kaniyang ulo. Tatawa-tawa naman si Caedmon.

"Pfft. Kids, don't piss Kuya ever more, okay?" hagikgik ni Larry at pinat sa ulo si Larzo.

"Pspspspspsps!" Contessa.

Gwynedd made them watch cartoons para tumigil ang mga ito sa pagtatalo at pag-iingay. Sumandal siya sa asawa at pinagmasdan sina Kalonice.

"Always wear an apron, Kalonice. Here," sabi ni Caedmon at iniladlad ang puting apron. Lumapit siya kay Kalonice at isinuot ito sa kaniya. He pulled her close to his body and hugged her para lang itali ang lace nito sa likod. Ngumisi siya kay Midas; nasuntok niya ang lamesa na siyang nagpagulat sa kanilang lahat.

"Midas? Ano bang problema?" tanong ni Kalonice na nakakunot ang noo.

His teeth gritted. "You two are too close." Madiin niyang sabi kaya naman lumayo na si Kalonice kay Caedmon na tumatawa nang mapang-asar.

"Bro, you're so hot. Chill---"

"Fuck off!" Tinawanan lang siya ng kaibigan. Nangungusap na tumingin si Kalonice kay Midas na umirap lang sa kaniya. She shook her head at sinimulan na ang pagluluto with Caedmon.

"Hmmm, carbonara and adobo and fried rice. Okay, I will cook the adobo---"

"Fuck you! Don't touch my adobo! Kalonice will cook it!"

Nanlaki ang mga mata nila kay Midas na galit na galit. "M-Midas! Ano ka ba! Kumalma ma, pwede? Wala kang ikakagalit dito. He's just helping!"

Midas stomp his foot. "Well, i will help too." Matigas niyang sabi bago tumayo at hinubad ang suot niyang suit. Itinupi niya ang kaniyang sleeves at pumwesto sa pagitan nilang dalawa ni Caedmon na tawang-tawa.


"Marunong ka bang magluto?" tanong ni Kalonice na kinakalma ang sarili. Natigilan si Midas at napatingin sa kaniya. Mas lalong lumakas ang tawa ni Caedmon.

"H-He don't cook. His chefs do it for him. HAHAHAHAHAH!"

"Ugh, shut up! You sound so ANNOYING!" sinakal na ni Midas ang kaibigan. Nagpatuloy sa pagtawa si Caedmon. Pinaghiwalay sila ni Kalonice at parehas na hinampas.

"Tumigil kayo! At ikaw, Midas, umupo ka na lang d'on! Wala akong oras ngayon para turuan ka. At Caedmon, tumigil ka sa katatawa mo. Huwag mo nang inisan pa si Midas!"

"S-Sorry! HAHAHAHA!" Pinukpok siya ni Kalonice ng sandok. He suppress his laugh.

"Sige na, dun ka na." Pananaboy ni Kalonice at tinulak-tulak si Midas paalis ng kusina. Inupo niya siya sa tabi ng mga magulang na nagpipigil din ng pagtawa at nakapokus sa cartoon na pinapanood. Bumalik na si Kalonice sa kusina at sinimulan na ang pagluluto.

"This is your fault, Dad."

"Wait---what!?" Larry grimaced at his son dahil sa sinabi nito.

"You're so weak! Why didn't you gave me the talent to cook!? I should be the one with her now than Caedmon! Ugh, this is all your fault!"

"What the---freak!? You learn and study cooking, okay!? And you could call it a talent only if you showcase your creativity! It's not something that runs in our blood. I don't know how to cook other than the ones you only fry in the pan. Gosh, baby. Nai-stress ako sa anak mo!" giit ni Larry at inakbayan ang asawa. "I need a stress ball," aniya at pinisil ang dibdib ni Gwynedd. Tinapik niya ang kamay ng asawa at hinawakan ang binti ng anak.

"Don't be angry, Larzen. You should calm down and don't distract Kalonice. Let her cook in peace. She's also tired. She said she doesn't have time to teach you, right? She probably will. Just don't piss her off right now and hold yourself back, okay?" Malambing niyang sabi at hinaplos ang mukha ng anak. Inayos niya ito, iyong hindi na nakabusangot.

Larry gave him Contessa. Para bang isa itong responsibilidad na kaniyang ipinasa sa anak malandi lang ang asawang naiirita na sa kaniya. Midas breathe and calmed himself. Hinarap niya ang kapatid na sinusubo ang kamay habang nakatitig sa kaniya.


He smiled and kissed her head. "Want a sundae?"

"Yeyey!"

"Okay, we'll get a sundae." Ngiti niya bago kinuha ang cellphone niya upang tumawag sa hotline ng McDonald's.


Nakarating na ang isang sundae ay hindi pa din tapos ang dalawa sa pagluluto. Yes. The driver went all the way from McDonald's to their hotel room just for one sundae. Hindi na din naman siya lugi dahil sinabi ni Midas na, "KEEP RHE CHANGE,". The quintuplet was curious about what he gave to Contessa kaya inagawan nila ang kapatid.

She cried right away.

"Laryen! Give that back to Contessa!"

"But this is good, Kuya!" he reasoned. Nag-agawan silang lima. Isinuot ni Larren ang kamay sa cup at kinuha ang buong sundae bago ipinasak sa bunganga. Nag-iyakan ang apat pa.

"Everyone---" Na-stress si Larry. Lumingon si Kalonice sa kanila. Dala ang isang plato ng carbonara ay isa-isa niyang sinubuan ang mga ito, also Contessa na maliit na hibla ng pasta lamang ang ibinigay. Natahimik sila. She just smiled at them at binigyan din ang mga kapatid bago bumalik sa tabi ni Caedmon.

"Wife material... " Larry murmured.

"Indeed." Gwynedd agrees and nod. Midas snorted. Nilinis niya ang kapatid at inupo ng maayos sa kaniyang lap at isinandal sa matigas niyang tiyan. Nakaharap ito sa tv kung saan nagpe-play ang cartoon na kanilang pinapanood.

Tinanaw niya si Kalonice at humalumbaba ss arm rest. She moves like a pro and carefully but precise. She's a lady with a lioness inside her. He's dreaming because of how sexy she was in the apron she was wearing.

Tumuwad si Kalonice upang damputin ang nahulog na plastic at itinapon agad sa basurahan. Hindi natinag si Midas at nanatiling nakamasid sa kaniya.

He took his phone out and captured a picture of her cooking (without Caedmon on the background) and uploaded it with a caption: She's cooking our dinner 🍽️🔪

He tagged her. Apparently, the knife emoji is for Caedmon because he wants to kill him already.


"Ate, tulungan ka na namin," sabi nila Ali at Francis. Napangiti si Kalonice at tumango.

"Sige, para makakain na din tayo. Linisin niyo na ang lamesa."

"Okay po." Sumunod agad ang dalawa. Si Francis ang kumuha ng mga kalat doon at inilagay sa isang plastic habang si Ali naman ang nagpupunas.

Inilapag ni Caedmon ang special fried rice nila ni Kalonice sa gitna ganun din ang bagong saing na kanin. Sunod ay ang dalawang mangkok ng adobo sa magkabilang dulo. May spam din at lechong kawali.


"Kain na po tayo!" tawag ng dalawa sa mga kasama.

"Ate, kulang ang upuan!" sabi ni Ali na nakapwesto na.

"Let the kids eat in the sala while watching, Kalonice," sabi ni Caedmon.

"Okay. Sige. Doon na lang kayo, ha? Kami dito."

Dumating ang mag-asawa kasama si Midas sa lamesa at umupo ganun din si Caedmon. Inasikaso ni Kalonice at ng dalawang babysitter ang mga bata. Hinainan niya ang mga ito sa lamesa. "Share-share kayo, okay? Don't fight, okay? Don't fight, kakain kayo." Patnubay niya at pinaupo na sila.

"Kain na din po kayo, mga Ate. Sumabay na po kayo sa mga bata."

"Salamat," ngiti ng mga ito.

"Kalonice, come here. Let's eat already." Tawag ni Midas kaya sinaluhan na niya ang mga ito. She prayed and they did the same thing as her.

"Hmmm, what are these, hija? Smells good!" Gwynedd.

"Adobo po, spam, saka po lechong kawali," sabi ni Kalonice na nakangiti at sumandok ng kanin.

"Your fried rice is already delicious without any ulam! Wow!" Agap ni Larry nang matikman ang kanin.


Mahinang sinipa ni Midas si Kalonice sa ilalim ng mesa. Tumingin siya sa kaniya. "Ano?"

Itinuro niya ang plato na wala pang laman. "My food. Put it here."

"Bakit ako? Wala ka bang mga kamay?"

"Just do it!"

"Ayoko." At sumandok na ng ulam si Kalonice. Bumusangot si Midas at hindi kumibo.

"Let me do it for you, Larzen." Ngiti ni Gwynedd at sasandok na sana nang umayaw si Midas

"I want it to be Kalonice."

Bumagsak ang mga balikat ni Kalonice at siya'y inasikaso na bago pa ito mag-tantrum. Midas smirked in triumph. Ngumisi din si Caedmon.

"Hmmm, ang sarap talaga nitong adobo. Here, Kalonice. Try it," aniya at sinubuan si Kalonice. Agad namang nabwist si Midas.

"Kalonice! Feed me!"

"Bata ka ba para pakainin pa, Midas?" ani Kalonice na ngumunguya. Nairita si Midas.

"Just feed me!"

"Ugh!" Kumuha ng kanin si Kalonice gamit ang kutsara at sinubuan si Midas. Ngumisi ito pagkatapos kay Caedmon na napapa-iling na lamang.

"Wow, hija, this adobo is so good! Hmmm, how did you do this? I would LOVE to know how to cook this too!" komento ni Gwynedd na hindi mapigilan ang sunud-sunod na pagsubo.

"Prinito ko po muna kasi 'yung manok bago ko po siya inadobo. Sa susunod po, ituturo ko po sa inyo ang pagluluto n'yan." Natutuwang sabi ni Kalonice at muking sinubuan si Midas.

"Oh, if it will be my wife, adobo will be my favorite dish ever other than her!" react ni Larry. Agad na natawa si Caedmon dahil sa kaniyang sinabi. Midas glared at his father while Kalonice had no idea what he mean by that.

"Ah-eh, hindi naman po si Tita ang lulutuin, Sir Larry,"

"Oh, hija!" Larry burst in laughter because of her innocence. Umiling na lamang si Gwynedd.

"Don't mind him, darling. Just eat." Sa likod ng kaniyang ngiti ay ang pagtitimpi. Ibinaon niya ang takong ng sapatps sa paa ni Larry na nabulunan. Inabutan niya agad ito ng tubig.

"Watch your mouth next time, honey. Hmm?" Malambing niyang turannat kinabog nang malakas ang likod ng asawa. Mamatay-matay naman si Larry sa kakaubo.

"Totoo naman kasing masarap ka, love." Bulong pa nito habang nakanguso.

"S-Si Tita po? Masarap?" singhap ni Kalonice nang narinig iyon.

"M-Masarap din siyang mag-alaga. Oo, alaga. Alam mo naman, mother siya kaya ganon. Hehe. Hehehehe." Palusot agad ni Larry at awkward na ngumiti. Napatango naman si Kalonice at ngumiti.

"Halata naman po. Sige na po, kain na po tayo ng mabuti."

"Y-Yes. Hahahaha..." Gindi magawang makatingin ni Larry sa asawa. Mukhang kailangan na niyang maghanda para mamaya dahil paniguradong mamaya, pagkauwi nila, ay saka siya nito babanatan.


Midas' Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon