Chapter 5

59 7 0
                                    

"Sige, kain lang kayo ng kain d'yan. Gusto niyo pa ba ng kanin? Bibili si Ate sa canteen. Magpakabusog kayo," ngiti ni Kalonice at hinaplos ang buhok nila. Malapad na ngumiti ang dalawa na puno ng pagkain ang bibig bago tumango. Iniwan niya ang dalawa at pumasok sa canteen para bumili ng kanin. Napansin niya ang isang batang nakatingin sa kaniyang mga kapatid at nanonood.

"Pabili nga po ng kanin, apat. Saka po itong fried chicken pati gulay. Pakilagay na lang po sa isang plato 'yung kanin, huwag na po i-plastic," sabi niya bago naglabas ng isang daan sa kaniyang wallet. Tatlumpung libo kasi ang ibinayad sa kaniya ni Midas. Kanina ay bago sila umalis para kumain, idineposito niya ang dalawampung libo sa kaniyang ATM.

Nang matanggap ang binili at sukli ay lumabas na siya at bumalik sa mga kapatid. "Bata, halika. Kain ka dito," tawag niya sa batang nanonood. Agad naman itong lumapit dahil gutom na gutom na din naman talaga siya. Pinartehan siya nila Ali at Francis sa spaghetti at nagsalo-salo.

"Alam mo ba, Ate, n'ung wala ka, walang pakialam sa amin si Mama. Hindi na kami halos kumakain. Buti na lang may nahihingi kami sa mga kapitbahay kahit lagi kaming minumura. Pero at least nakakain kami. Huwag ka na ulit aalis Ate, ha? Pinapabayaan lang kami ni Mama, eh. Ikaw lang nag-aalaga sa amin. Kaya huwag ka na ulit aalis. "

Hindi napigilan ni Kalonice ang sarili at naiyak sa mga sinabi ni Francis. Ngumiti aiya bago tumango habang ginugulo ang buhok nito. "H-Hindi na ulit aalis si Ate nang matagal. Proud si Ate sa inyo. Ang galing niyo. Lagi na kayong kakain ng masarap ngayong nandito na ulit ako. Promise ko 'yan,"

Ngiti na lamang ang naitugon nila Ali at Francis sa kaniya. Dumating si Midas na nangangalay na kakatayo, pero ayaw namang umupo dahil madudumi ang mga upuan. Naka-cross arms lang ito at nakasimangot kay Kalonice na tinataasan siya ng kilay.

"Oh? Nangangalay ka na? Bakit hindi ka umupo?"

"As if I will sit there! They're dirty and nasty. Ugh!" asik nito at pinunasan ang pawis. "It's so hot!"

"Ang arte naman ng labanos na 'to! Sino ba' yan, Ate!?" Francis.

"Anak siya ng Boss ko. Sinamahan lang ako dito."

"And who are you calling 'Labanos', you stick boy!?" Pinanlakihan ni Kalonice ng mga mata si Midas. Patulan daw ba naman ang bata.

Kahit hindi magaling ay ni-rebutt-an siya ng kapatid ni Kalonice. "Be 4 u juj me, meyk shur your perpek!"

Nabigla ang dalawa. Agad na kumukulo ang dugo ni Midas; walang halong biro, nagmana siya sa Ate nitong matabas din ang dila!

"Ali, huwag ganyan. Magagalit si Ate," warning ni Kalonice at pinat ang ulo ng kapatid.

"Sorry po," paumanhin agad nito bago binelatan si Midas na mas lalong naasar sa kaniya.

Matapos kumain ng mga ito ay dumiretso na sila sa gym para sa pagpupulong. Ang mga kapatid naman ni Kalonice ay umalis para makipaglaro na hinayaan niya lamang.

Umupo siya sa parteng unahan. Dinig na dinig nila ang mga bulungan ng mga nasa likod. Napansin niyang nawawala si Midas, ngunit nang dumating ito ay may dala na itong bagong biling alcohol. He sprayed alcohol on the chair where he will be sitting. Nang matuyo ay saka lamang siya umupo. Pati sandalan ay nag-spray din siya bago ang kaniyang paligid.

"Ugh, shut up, people! You and your malicious minds! Annoying rats." Iritang-irita niyang sabi bago umayos ng upo. Kalonice sighed.

Dumating na ang Principal at ang mga guro. "Magandang umaga po sa ating lahat. Inanyayahan po namin kayong mga magulang at mga tagapangalaga sa meeting na ito para pag-usapan ang gagawing preparasyon sa darating na graduation at recognition day," panimula nito.

Midas' Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now