Chapter 1

629 22 0
                                    

Isabel (isa) POV

Anu-ano ang mga bagay na ginawa mo para sa pag-ibig. Ako kasi marami. Mga bagay na hindi ko aakalain na magagawa ko dahil lang nagmahal ako.

At isa na doon ang mag let go. Ang magpaubaya sa taong mahal ko kahit sobrang sakit nito para sa akin.

Letting go! Yan ang isang bagay na natutunan ko sa mama ko. Dahil nilet go niya ang pagmamahal niya para sa papa ko. Alam kong mahirap para sa kanya, ngunit kinaya niya para sa amin at para sa sarili niya.

Nagkaroon kasi ng ibang babae si papa at umamin ito sa kanya na hindi na siya mahal nito, kaya pinakawalan niya ito.

Sabi niya kung ikukulong daw niya ang papa ko sa pag-ibig na siya na lamang ang nagmamahal ay baka pareho lang sila lalong masaktan kaya pinakawalan niya si papa, nagpaubaya siya.

Humanga ako kay mama noong magdesisyon siya na pakawalan si papa. Isa siyang matapang na babae na kayang harapin ang lahat.

Kung saakin mangyayari iyon, hindi ko gagawin ang ginawa ni mama. Minsan hindi masamang maging makasarili lalo na kung kaligayan mo ang nakataya dito.

Kailangan mong sumugal para maging masaya ka? Pero paano nga ba kung ako na lamang ang nagmamahal?

Nung magdesisyon si mama na pakawalan si papa kasabay non ang pag buhay sa amin ni mama. Siya ang tumayong ina at ama sa amin.

Gustuhin ko man magaliy kay papa ay hindi ko na magawa dahil naiintindihan ko sila. Somehow tama din ang naging desisyon nila kaysa araw araw silang magkasakitan sa bawat isa.

Itinaguyod kami ni mama. Nagaral ako ng mabuti upang makatulong kay mama. Noong una nagbibigay pa ng sustento si papa. Kalaunan ay hindi na dahil nagkasakit na ito.

Isa akong hotel branch manager sa isang kilalang hotel sa bansa at maging sa karatig bansa. Malaki at maraming branches sa ibat ibang bansa ang hotel na ito. Ang Majestic Hotel. Hawak ito ng Saavedra Group of Company.

Bente singko anyos na ako at may dalawang kapatid. Three years na akong nagtatrabaho sa hotel na ito. Swerte akong nakapasok dito kahit fresh graduate ako at no experience pa.

At syempre hindi mawawalan ng love life ang lola nyo. I have a boyfriend, he's name is Chase Tuazon. We've been together for almost two years. At mahal na mahal ko siya. To the fact na gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya.

Nakilala ko siya dahil sa best friend niya ang anak ng may ari ng Majestic Hotel na si Sir Gavin Saavedra. Parati kasi silang magkasama kaya halos lagi ko rin siyang nakikita.

Nagsimula kami sa pagiging magkaibigan, hanggang niligawan niya ako. At dahil noon pa man ay crush ko na siya kaya madali na lamang nadevelop ang feelings ko para sa kanya.

Siya ang first love ko, first kiss at marami pang first. Pero syempre virgin pa ang lola nyo. Dahil gusto niya sa honeymoon lang ang unang gabi namin at iyon din naman ang gusto ko.

He's a gentleman. Walang araw na hindi niya ipinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Malambing din siya at ginagawa niya ang lahat para mag work ang relationship namin kahit busy kaming pareho.

Hindi siya pumapalya na idate ako every weekend. At hatid sundo din niya ako araw araw. Sa almost two years naming magkarelasyon naging masaya ang pagsasama namin.

Wala na akong hahanapin pa. He's a perfect husband for me. Yon nga lang parang wala pa siyang planong mag settle down. Syempre hindi naman pwedeng ako ang mag-aya sa kanya ng kasal.

Ready naman na ako mag-asawa, dahil nakatapos na at may trabaho na ang dalawa kong kapatid at hindi ko na sila kailangan pang intindihin. Kaya na nilang buhayin ang mga sarili nila. Pero syempre nariyan pa rin ako upang sumuporta para sa kanila.

Letting Go (Duology Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon