Chapter 10

276 14 1
                                    

Chase POV

Pagkagaling ko ng ospital ay dumeretso ako ng opisina. Mabigat ang aking pakiramdam. Hindi ko alam kung ano ang tama kong gawin.

Tinapos ko ang mga dapat kong tapusin na trabaho. Kahit sa ganitong paraan pansamantala kong nakakalimutan ang bigat ng aking dibdib.

Lumipas ang oras at hindi ko namalayan na gabi na pala. Tumawag muna ako sa isang resto at nagpadeliver ng pagkain sa ospital para kay Isa.

Tumingin ako sa orasan na nasa aking bisig at nang makita kong alas otso na ng gabi at kinuha ko ang coat ko at susi ng kotse.

Agad akong pumunta ng parking lot at sumakay sa kotse. Bago ko ito paandarin ay tinawagan ko muna si Gavin.

Kailangan ko ng kausap. Kailangan mailabas ko na itong dala dala ko. Baka mabaliw na ako.

"Hey! What's up?" Sagot niya. Kahit kailan hindi talaga marunong mag hello ito.

"Club haven, papunta na ako don, kita tayo." Sagot ko sa kanya.

"Hmm! Mukhang marami-rami tayong maiinom nyan?"

"Yeah kailangan ko ng kausap."

"Sige kita tayo don."

Matapos naming magusap ay pinaharurot ko na ang aking sasakyan patungo sa bar.

Alam kong may idea na si Gavin sa nangyayari, siguro ay hinihintay lang niya na magsabi ako, na mag open ako sa kanya.

Nang makarating ako sa bar ay agad akong pumasok. Nagpalinga linga ako upang hanapin si Gavin. Agad ko naman itong nakita, nakaupo sa bar counter at may kausap na babae.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ko siya. Nagulat pa at nainis dahil mukhang hahalikan na siya ng babae. Napapalatak na lang ako habang umiiling.

"Mamaya na yan!" Sabi ko sabay hila sa kanya.

Pumasok kami sa isa sa mga VIP room ng bar. Umorder kami ng alak. Maya maya ay dumating ang alak na order namin.

Nagsalin ako ng alak sa baso habang matalim na nakatingin sa akin si Gavin. Iinumin ko na sana iyon ng bigla niya akong sinuntok.

"Fuck! Shit! Anong problema mo!? Fuck ang sakit!" Sabi ko at tiningnan ang kamay ko na ipinunas sa labi ko kung may dugo at meron nga. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nakatingin lang siya ng masama at uminom ng alak. "Kailangan mo yan para magising ka." Sabi niya tapos ay tinungga ang alak na hawak niya.

Pinahid ko ang dugo sa aking labi. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dude matagal ko ng hindi mahal si Isa."

"Then break up with her." Sabi niya at tumungga ulit ng alak.

"Paano? hindi ko kaya kung nasasaktan siya ng ganyan." Umiling iling ito na para bang hindi nagustuhan ang aking sagot.

"Dude mas maganda na yong saktan mo siya ng isang beses kaysa naman saktan mo siya ng paulit-ulit." May punto siya alam ko pero sa sitwasyon ni Isa ngayon hindi iyon makakatulong. She's vulnerable at this moment.

"I'm in love with someone else." Sabi ko at sinapak ulit niya ako. "Tang ina ang sakit, nakaka dalawa ka na." Inis kong sabi sa kanya.

"Gago kulang pa yan sa sakit na ibinigay mo kay Isa. Dude Isa doesn't deserve that. She deserves better." Sabi niya habang pinupunasan ko ang ilong ko. Dahil dumudugo na din ito. "You cheated on her. At kahit sabihin mong hindi mo na siya mahal ay niloko mo pa rin siya. Mag on pa rin kayo. Sana hiniwalayan mo muna siya."

Uminom lang ako ng alak. Alam ko maling mali ako. Madaling sabihin pero kapag kaharap ko na si Isa ay umuurong ang dila ko nawawalan ako ng lakas ng loob.

"Hindi ko kaya, kahit wala na akong nararamdaman sa kanya, importante pa rin siya sa akin. Siya ang kauna unahan babaeng minahal ko. At minahal ko siya noon ginawa ko ang lahat para maging maganda at masaya ang relasyon namin."

"Gago ka! Alam mo sobrang inggit ako sayo. Kasi nakatagpo ka ng katulad ni Isa. Tapos sasayangin mo lang!?"

"Alam mo kung napipilit at natuturuan lang ang puso ginawa ko na. Kung may gamot lang para bumalik ang pagmamahal ko para sa kanya uminom na ako." Sabi ko at hindi na siya umimik pa.

Sandaling namayani ang katahimikan sa amin. Hanggang sa magsalita ulit siya. "Ayusin mo yan dude, kung ayaw mong pagsisihan sa huli. Gawin mo ang sa tingin mo ay tama at dapat mong gawin. Alam kong may masasaktan, pero kailangan mong magdesisyon. Hindi ka pwedeng magmahal ng dalawang babae ng sabay." Hindi ako naka sagot sa sinabi niya.

Uminom lang kami. Pero hindi ako nagpakalasing dahil magmamaneho pa ako.

Habang umiinom ako nakapagdesisyon na ako. Kailangan kong mamili sa kanilang dalawa at sana alin man ang piliin ko ay mapanindingan ko ang magiging desisyon ko.

Na unang umalis si Gavin sa bar. Maya maya ng konti ay umalis na din ako.

Sumakay ako ng kotse at pupuntahan ko si Katherine sa condo niya dahil kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko ng magdesisyon. Tama si Gavin may msasaktan kahit ako ay nasasaktan din.

Nang makarating ako sa unit niya ay nagdoorbell agad ako. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha. Parang may kumurot sa aking puso ng makita ang ngiti niya.

"Hi love! Nakainom ka! Okay ka lang ba?" Sabi niya habang nakatingin ako sa kanya.

Pumasok ako ng tahimik at sumunod lang siya. Sana lang ay kayanin ko din ang sasabihin ko sa kanya. Tama kayo si Isa ang pinili ko. Lalayuan ko na si Katherine dahil mahal ako ni Isa. At kailangan niya ako.

Umupo ako sa sofa at tumabi din siya sa akin. "Kumain ka na...." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nagsalita agad ako.

"Let's end this. Hindi tama ito dahil may nasasaktan tayo. At sobrang nagdurusa si Isa at nasasaktan ng dahil sa atin." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Dahil baka hindi ko na maituloy ang sasabihin ko at ikulong ko na lang siya sa mga bisig ko.

Hindi siya nagsalita at narinig ko na lang na humikbi siya. Gusto kong bawiin pero hindi ko na mabawi pa dahil kailangan ko ng magdesisyon.

"A-akala ko mahal mo ako? Chase mahal na mahal kita!" Sabi niya habang umiiyak. Yumuko ako dahil ayaw kong makita ang luhaan niyang mukha.

"Katherine hindi tayo magiging masaya kung may nasasaktan tayong iba. Nasa ospital si Isa ngayon at kailangan niya ako."

"C-Chase! Kailangan din kita." naipikit ko ang aking mata at may tumulong luha dito.

"Im so sorry. Kalimutan mo na ako." Sabi ko at tumayo na ako, naglakad na ako papunta sa pinto. Bago pa ako makaalis ay sumigaw pa si Katherine.

"Chase don't do this to me! Please! Please love!" Sigaw niya habang nakaupo sa sofa.

Hindi ko siya kayang tingnan. Dahil alam kong siya ang mahal ko at baka hindi na ako umalis at yakapin ko na lang siya ng magdamag. Masakit sa akin makita siyang umiiyak. Kung pwede ako na lang ang masaktan h'wag lang sila.

Mahal na mahal ko siya at wala ako magawa para sa kanya.

Umalis na ako agad ng hindi lumilingon. Naglakad ako ng mabilis at sumakay agad ng sasakyan. Yong luha ko na pinipigilan ay kusang tumulo ng maka sakay ako.

"Fuck! Fuck! Shit!" Sigaw ko habang sinusuntok ang manibela ng kotse. Ang sakit. Parang may sumasakal sa aking puso.

Ibinuhos ko sa loob ng sasakyan ang pagiyak na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko, dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. I'm sorry love duwag akong ipaglaban ka.




Letting Go (Duology Series 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat