Epilogue

702 25 17
                                    

Someone's POV

Naglalakad ako ngayon sa isa sa mga park dito sa canada. Three years na ako dito. Pabalik balik lang ako ng pilipinas dahil sa negosyo ko.

Malungkot na masaya ang pansamantalang paninirahan ko dito. Malungkot dahil malayo ako sa pamilya ko. Masaya dahil nakikita ko siya.

Alam kong sugatan ang puso niya kaya kahit sa malayo ay sasamahan ko siya. Hihintayin ko na maghilom ang sugatan niyang puso bago ako lumapit sa kanya.

Kung noon nakuntento ako na makita lang na masaya siya ngayon ay hindi na dahil ipaglalaban ko na siya. Ang laki kong tanga dahil ipinaubaya ko siya at pinagsisihan ko dahil nasaktan lang siya.

Anim na taon, anim na taon ko na siyang minamahal simula ng makita ko siya. Ang mga ngiti niya. Ang masayang tunog ng tawa niya at ang mata niyang buhay na buhay.

Pero nawala lahat iyon ng masaktan siya. Kaya ibabalik ko ang mga nawala sa kanya. She deserve to be happy, she deserve to be a queen. At gagawin ko iyon sa kanya.

Wala siyang alam na sinundan ko siya ng umalis siya. Nakabantay lang ako sa malayo. Daig ko pa ang psychopath na stalker slash rapist kung makabakod sa kanya. Kaya sa three years niya dito ay walang nanliligaw sa kanya dahil hinaharang ko.

Kahit sa apartment na tinitirahan niya nasa isang building lang kami. Dahil gusto ko mabantayan ko siya.

Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito at mamahalin ko pa hanggang na nabubuhay ako. Gagawin ko ang lahat mahalin lang din niya ako.

Nakita ko siyang lumabas ng apartment kaya sinundan ko siya. Day off niya kasi ngayon. At t'wing day off niya ay naggogrocery siya. Kaya nagulat ako ng pumunta siya dito sa park.

Hindi pa ba siya nakaka move on? Sugatan pa rin ba ang puso niya? Siguro sapat na ang oras na ibinigay ko sa kanya para mag heal ang puso niya.

Lumapit ako sa kanya at sinadya kong bungguin siya. Nakonsensiya pa ako dahil mukhang napalakas ata napaupo talaga siya. Pero fuck ang cute niya kapag ngumunguso siya.

Habang nag papagpag siya ng damit ay rant lang siya ng rant. Akala niya ata ibang lahi ako. Dahil nagtatagalog siya at nagsasalita ng kung ano ano kaya lihim akong napatawa.

Nakayuko lang siya at hindi ako nakikita. Gusto ko siyang yakapin at ikulong sa mga bisig ko pero kailangan kong magpigil dahil hindi tama, baka magulat at maguluhan lang siya.

"I'm sorry." Sabi ko sa kanya.

Nagulat siya at napatingin sa akin at nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw!?" Gulat na sabi niya. Napatawa ako dahil sa reaksyon niya.

I love this woman. And I know she's my destiny, Isabel Bermudez is my eternity.

*************THE END**************

Sino hula niyo?
Deserve ni Isabel ang maging masaya kaya bibigyan natin siya ng love life. Pwede bang wala😂😂

Letting Go (Duology Series 1)Where stories live. Discover now