Chapter 15

347 18 2
                                    

Maaga akong pumunta sa hotel para magligpit ng mga gamit ko sa opisina. May papalit na kasi sa maiiwan kong posisyon.

Habang abala ako sa pagliligpit ay may biglang kumatok. Sumagot ako ng come in at ng buksan ang pinto ay iniluwa doon ang gwapo naming boss.

Pumasok siya at ngumiti. "Need extra hand?" Tanong niya. Ngumiti na din ako at umiling.

"Naku sir hindi na po. Patapos na rin naman ako." Sagot ko sa kanya.

"How are you?" Tanong niya, seryoso na siya at wala na ang ngiti sa labi. Alam kong alam na niya dahil humiling ako na magpalipat ng lugar. At syempre dahil kaibigan niya si Chase. Alam ko din na may alam siya sa kung ano ang nangyayari sa amin ni Chase, na hiwalay na kami.

"Better! Nasa process pa ako ng healing. Pero time can heal. Basta may acceptance at forgiveness ay makakaya ko." Sagot ko at ngumiti, alam kong may pait ang ngiti na iyon. Not a genuine smile. Pero pasasaan bat makakangiti rin ako ng totoo.

"Alam mo Isa napaka buti mo. Kaya nagtataka ako kung bakit pinakawalan ka pa ni Chase." Sabi niya habang nakatitig sa akin habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa.

"Siguro sir hindi talaga kami para sa isat-isa. At mayroon talagang tamang lalaki ang nakatadhana para sa akin. Naniniwala din po ako na kaya tayo iniiwan ng isang tao dahil mayroong darating na mas nararapat para sa atin." Nakangiti kong paliwanag. 'yong pait ng ngiti ko ay nawala at napalitan ng saya dahil alam kong may plano ang diyos para sa akin.

"Definitely!" Ang seryosong mukha niya ay biglang umaliwalas. Bipolar din pala itong si sir.

Tinulungan pa rin niya ako kahit sinabi kong h'wag na. Kaya mas napabilis ang trabaho ko. Nagpaalam na din si sir na may meeting pa daw siya.

Nang maayos ko ang lahat ay kinuha ko ang telepono at tinawagan ang huling tao na kailangan kong kausapin.

Naka tatlong ring lang ito at sumagot na siya. "He-hello!" Mahina niyang sagot.

"Can we talk?"

"A-ano k-kasi....m-marami....." Hindi na niya naituloy dahil nagsalita ulit ako.

"Please kahit ngayon lang. Dont worry its just between the two of us."sabi ko sa kanya at pumayag naman siya.

Hindi ko siya masisisi dahil sa ginawa ng mga kaibigan ko. At alam kong natakot na siyang pagpiyestahan at mapahiya.

Sinabi ko sa kanya kung saan kami magkikita at pumunta na agad ako doon upang maghintay. Umorder ako ng coffee at tahimik na naghihintay.

Maya maya ay tumunog ang chimes ng coffee shop at pumasok ang babaeng minsan ko na din hinangaan dahil sa taglay nitong ganda.

Kumaway ako para makita niya ako. Lumapit siya at tumayo naman ako. Nakipagshake hands ako sa kanya.

Hindi ko siya ibineso dahil baka isipin niya na plastic ako sa kanya. Itinuro ko ang upuan sa harap ko. Umupo na kami at tinawag ang waiter.

"What do you want to eat?" Tanong ko sa kanya

"No! Im full! Coffee na lang." Sabi niya at umalis na ang waiter.

"S-so what do you want to talk about?" nahihiya niyang tanong.

"Its about Chase." Sagot ko sa kanya at nakita kong nanginig ang kanyang kamay. Naikuyom din niya ito.

"Im sorry Isa! Sorry....." Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita.

"Please tell me the truth! Do you love Chase?" may nginig na din ang boses ko pero pinatatag ko ito.

Yumuko siya at nakita kong may pumatak na luha mula sa nakayuko niyang mukha.

"Y-yes i love Chase with all my heart! I'm sorry Isa. Sinubukan kong pigilan. Lumayo naman ako, pero wala eh nabigo din ako. Mahal na mahal ko si Chase." Sagot niya habang umiyak. Umiyak na rin ako.

"Alam mo ba dapat nagagalit ako ngayon sayo. Dahil may kinuha kang pag-aari ko. kaya lang ang tanong pag-aari ko pa nga ba siya o umpisa pa lang ay hindi na siya akin. Gusto kitang sampalin, sabunutan, gusto pa nga kitang ipakulam." Sabi ko at bahagya pa akong napangiti ng sabihin ko ang mangkukulam. "Kaso kahit ipapatay pa kita ay hindi maalis non ang katotohanang ikaw na ang mahal ni Chase."

"I-isa!"

"Please Katherine mahalin mo si Chase, at alagaan mo siya. H'wag mo siyang sasaktan. Mangako ka na hindi mo siya iiwan." Kinuha ko ang kamay niya at pinisil umiyak lamang siya. "Maipapangako mo ba sa akin?" Tumango siya at humagulgol pa.

"Thank you Isa! And im so sorry sa lahat ng sakit na naidulot namin sayo. Sana mapatawad mo kami."

"Napatawad ko na kayo at alam kong parepareho lamang tayong biktima ng pagmamahal, biktima ng pag-ibig."

"Dont worry kahit hindi mo sabihin ay mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko."

"Mabuti kung ganon, madali ka naman palang kausap." Tumawa lang kami sa sinabi ko. Gusto ko mawala ang masamang hangin na nakapaligid sa aming dalawa.

"Aalis ka?"

"Yup! Hindi na ako magpapaka impokrita sayo. Gusto kong lumayo para makalimot, alam kong matatagalan ito pero sigurado ako na kakayanin ko."

"Sorry ulit." Sabi niya at yumuko, alam kong nakokonsensiya siya sa mga nangyari.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Ibinuka ko ang aking mga braso. "Come on, give me a hug." Sabi ko at tumayo siya at niyakap niya ako.

Matapos namin mag-usap parang ang mabigat na nakadagan sa aking puso ay biglang nawala. At alam kong kapatawaran iyon at tama lang na ibinigay ko sa kanila.

Alam kong maraming manghuhusga sa ginawa ko. Wala naman siyang kasalanan dahil bago pa siya dumating ay wala na si Chase sa akin. Naging instrumento na lamang siya para mas lalong malaman ni Chase ang feelings niya para sa akin. At dahil don ay nagpapasalamat ako sa kanya. Kahit nasaktan ako alam ko naman na naliwanagan si Chase at hindi na nalito pa.

Sabi nila kapag nagmahal ka ibigay mo lahat ng kaya mo at iparamdam sa kanya ang pagmamahal mo, at kung dumating yung time na mawala siya sayo wala kang pagsisisihan dahil ginawa mo ang lahat.

Sana pagdating ng panahon ay magaling na ang sugat sa puso ko at sana at nagmamahal na muli ako.

Sana kapag dumating ang araw na iyon ay makilala ko na ang taong para sa akin. Ang taong itinadhana para sa akin.




Letting Go (Duology Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon