chapter 4

276 17 0
                                    

Lumipas ang mga araw at ganon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Chase. Malamig, wala na ang init ng pagmamahal niya para sa akin at natatakot ako dahil maari siyang mawala sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako nagtitiis gayong nararamdaman ko naman. Siguro ay dahil hinihintay kung lumabas mismo sa kanyang bibig na sabihin niyang hindi na niya ako mahal.

Siguro ganon naman talaga kapag nagmamahal nagiging tanga, nagiging bobo. Noon hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong nagpapakamartir ng dahil sa pag-ibig. Ngayon alam ko na, dahil nandito ako sa sitwasyong gusto kong lumaban, gusto ko siyang ilaban.

Masakit dahil ramdam kong unti unting lumalayo sa akin si Chase. Siguro nga kaya na lamang siya nananatili sa aking tabi ay dahil sa awa at dahil sa kanyang ipinangako noon.

Naalala ko pa noon ng sagutin ko siya. Sobrang saya naming dalawa non. Akala ko hindi na matatapos ang sayang nararamdaman ko. Mali pala dahil may hangganan ang lahat.

Flashback

Birthday ni Chase bukas at plano ko na siyang sagutin. Nakaplano na din ang out of town namin dahil magcecelebrate kami ng birthday niya.

Plano namin na sa isang beach resort sa batangas kami magcelebrate at kaming dalawa lang daw kaya alam kong matutuwa siya kung magiging official na ang relasyon namin.

Sabi ng iba para na daw kaming magnobyo dahil sa loob ng apat na buwan na panliligaw niya ay pinagtiyagaan niya ang mga moods at tantrums ko.

Bumibyahe kami ngayon papunta sa resort. Nakatingin siya sa kalsada habang kumakanta. Sinasabayan niya kasi ang tugtog sa radio. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"Babe! Baka matunaw ako." Sabi niya tapos tumingin siya sakin at tumawa, ako naman ay natulala sa kanya. Sobrang saya niya kasi at kahit ako masaya din. Mahal na mahal ko si Chase at natatakot ako na mawala siya kaya sasagutin ko na siya. Para maging akin na talaga siya.

Inirapan ko lang siya at tinawanan niya lang ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan sa likod ng palad. Sino ba ang hindi maiinlove sa kanya. Sobrang malambing si Chase at may pagka clingy din, na sobrang gusto ko kasi mas nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa akin.

Nakarating kami sa resort ng late dinner na. Kaya pagkatapos namin magcheck in ay bumaba na kami agad para kumain sa resto na nasa baba ng hotel.

Matapos namin kumain ay naglakad lakad
muna kami sa dalampasigan. Humahamplos sa mga mukha namin ang lamig ng hangin. Masaya ako dahil kasama ko sya, at wala na akong mahihiling pa dahil si Chase na ang hiniling ko na lalaking gusto kong makasama habang buhay.

"Are you cold?" Tanong niya habang bitbit niya ang mga sapatos namin, dahil pareho kaming nag-alis ng sapin sa paa.

Umiling ako at ngumiti sa kanya. Hinawakan niya ang isang kamay ko at inaya niya akong umupo sa may batuhan.

"Gusto mo bang matulog na tayo, baka pagod ka na?" Tanong niya ulit.

"Mamaya na mag stay muna tayo ng sandali." Sagot ko sa kanya. Umupo siya sa aking tabi. Tumingin ako sa orasan na nasa aking bisig at ilang minuto na lang ay alas dose na ng gabi, ibig sabihin ay kaarawan na niya.

Nakatingin lang ako sa dagat. Napaka kalmado nito. Bagay na bagay ang ilaw na nagmumula sa buwan. Masarap sa tainga ang tunog ng alon.

Inakbayan niya ako at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat. "Chase thank you sa lahat ng effort na ginagawa mo para sakin, para mapasaya ako, sana hindi ka magbago."

Letting Go (Duology Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon