Chapter 16

352 8 0
                                    

Isabel (Isa) POV

Flashback

"Babe saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya kasi anniversary namin bukas at gusto ko sana magcelebrate kaso ang magaling na lalaki ay kung saan saan ako dadalhin.

"Basta wait ka lang dyan babe, relax ka lang." Inirapan ko siya kasi nginitian niya lang ako.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lang siya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil parang may kumikiliti sa mukha ko. Pinakiramdaman ko kung ano at hindi ko parin iminumulat ang aking mata.

"Hmm!" Ungol ko, dahil hinahalikan ni Chase ang mukha ko at leeg ko.

"Babe wake up na. Nandito na po tayo." Nginitian ko lang siya dahil sa way niya ng paggising sa akin.

Iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang kakahuyan. Saan naman kaya ako dinala ng lalaking ito.

"Let's go babe baka abutan tayo ng dilim sa daan." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Aakyat tayo ng bundok." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Anong trip nito.

"Seryoso ka?" Tanong ko at tinawanan lang ako.

"Yes babe I'm serious. Kaya tumayo ka na d'yan." Sabi niya ulit habang ibinababa ang mga bag na dala namin.

"Kaya pala binilihan mo ako ng sapatos na ganito?" Napahaba na ang nguso ko. Hindi kasi ito ang inaasahan ko para sa unang taon namin.

Lumapit siya sa akin at ikinulong niya ang mukha ko sa palad niya. "Hey! Magugustuhan mo yon promise! At saka hindi naman masyadong malayo." Sabi niya at binigyan niya ako ng tatlong maliliit na halik sa labi.

"Sige na nga! Kung hindi lang kita mahal hindi kita susundin." Sabi ko ng nakasimangot. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa.

"Ikaw din naman mahal na mahal kita, kaya ko nga ginagawa ito." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Naglakad kami paakyat ng bundok. May dalawa pa kaming kasamang guide. May ibang mga tao din ang umaakyat bukod sa amin.

"Babe wait lang!" Sabi ko sa kanya at umupo ako. Halos isang oras na kasi kami naglalakad. Kaya masakit na ang paa ko. Hindi ako fan ng mga ganitong activities kaya mabilis ako mapagod.

"May masakit ba sayo?" Tanong niya at lumapit siya sa akin na nagaalala.

Tumango ako. "Masakit na ang paa ko."

"Hindi mo na ba kakayanin ang mag trenta minutos pa na lakad?" Tumango ulit ako habang nakanguso.

Inilagay niya sa kanyang harapan ang bag na nasa likod niya at umupo siya sa harap ko.

"Come babe! Pasan ka sa likod ko." Nagulat pa ako kasi mabigat ako tapos mabigat pa ang bag niya.

"Hwag na! Pahinga lang tayo ng konti."

"Come on! Gagabihin tayo kaya kailangan makaakyat agad tayo." Sabi niya at pilit ako pinasakay sa likod niya.

"Mabigat ako!" Sabi ko ng mapasan na niya ako at nagsimula ng maglakad.

"Anong mabigat? Eh para ka nga lang papel, kasi hindi ka kumakain ng marami!" Sabi niya at natawa pa siya.

Napanguso ako at isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya habang buhat niya ako at naglalakad kami.

Tumango ako. "Babe!" Tawag ko sa kanya

Letting Go (Duology Series 1)Where stories live. Discover now