Chapter 17

476 24 1
                                    

After three years

"Hoy! Tulaley ka nanaman. Ano hindi pa nakamove on?" Sigaw ni Joy sa harap ng monitor ko. Kavideo call ko kasi silang dalawa. Hindi pa rin sila nagbabago, maiingay pa rin.

Three years ang nakalipas at nandito pa rin ako sa canada. Nung mga unang araw ko ay napakahirap dahil ako lang mag-isa akala ko nga mababaliw na ako. Pero kinaya ko para sa mga taong naniniwala na kaya kong bumangon.

"Jusko naman Isa tatlong taon na h'wag mong sabihin na hindi ka pa rin nakaka move on kay Chase?" Tanong ni Mae sa akin. Natawa ako dahil sa pagikot ng kanyang mata.

"Ano ba kayo syempre wala na. Tapos na ang chapter na yon sa buhay ko. I'm totally healed." Sabi ko at tinawanan lang nila ako.

"Dapat lang noh. Lalo na ngayon ikakasal na sila ni Katherine." Sabi ni Joy.

Ikakasal na sila. Tatlong buwan na lang at magiging Mrs Katherine Tuazon na siya. Pinadalhan nga niya ako ng invitation. Buti na lang at nakamove on na ako dahil kung hindi inaway ko na siya.

Sino ba namang matinong tao ang magbibigay ng wedding invitation sa ex ng magiging asawa mo.

Pero sabi ko nga dahil napatawad ko na sila at tanggap ko na ang lahat at nakamove on ako. At naging kaibigan ko pa si Katherine.

Isa si Katherine sa dahilan kung bakit ako nakamove on, dahil sa t'wing makikita ko siya ay unti unti kong natatanggap na pagmamay-ari na si Chase ng iba. Na si katherine na ang mahal niya.

"Bes kailan ka ba uuwi?" Tanong ni Mae.

"Oo nga! Hindi ka na umuwi nung binyag ni justine, tapos wala ka din nung kasal ni Mae." Si joy na nagtatampo na ang tono ng boses nito.

"Hindi ba sabi nyo h'wag ako uuwi hanggat wala akong kasamang lalaki?" Tanong ko sa kanila habang tumatawa pa.

"Bakit wala ka pa rin bang nahahanap?" Tanong ni Joy. Umiling na lamang ako.

"Baka naman kasi ikinukumpara mo kay Chase ang hinahanap mo. Kapag ganon hindi ka talaga makakahanap!" Pangaasar naman ni Mae.

"Ano ba kayo? Kayo ata ang hindi makamove on kay Chase?" Natawa ako kasi nakasimangot na sila.

"Namimiss ka na kasi namin." Malungkot na sabi ni Joy.

"Ako din naman miss ko na kayo. Don't worry tatapusin ko lang ang contract ko dito at uuwi na ako."

Ngumiti na silang dalawa. Miss ko na sila pati pamilya ko. May asawa na yung sumunod sa akin na kapatid ko.

Miss ko na ang bonding namin magkakaibigan. Buntis na ulit si Joy at si Mae buntis din. Napag iiwanan na talaga nila ako. Mukhang magiging matandang dalaga na ata ako.

Hindi talaga nadadaan sa madalian, panahon ang kailangan upang ganap kang makabangon. Upang ganap kang maging masaya.

Basta may pamilya at kaibigan na sumusuporta sayo makakaya mo ang lahat ng pagsubok na darating sayo.

Kasabay ng paglayo ay ang paghilom ng sugat dala ng kahapon. Kaya mas nakatulong ang lumayo upang tuluyang akong maghilom.

Matapos ang paguusap namin ay lumabas ako sa apartment na tinutuluyan ko. Day off ko kasi ngayon at plano kong mag grocery.

Kahit mahirap mamuhay mag-isa ay kinaya ko. Dahil kailangan para sa sarili ko para sa pamilya ko.

Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko. Sobrang galang nga nila sa akin. Marami din akong mga pilipino na katrabaho.

Kahit papaano ay naging masaya ako at malaking tulong talaga ang new environment para sa akin. Kahit nahohome sick ako kinaya ko.

Bago ako pumunta sa grocery at napadaan ako sa isang park. Ewan ko ba kung bakit ako pumunta dito. Para kasing may humihila ng paa ko papunta dito.

Medyo malamig na ang panahon ngayon dito sa Canada kaya naka trench coat ako. Alam nyo naman tayong mga pinoy hindi sanay sa sobrang malalamig.

Habang naglalakad ako ay mayroong walang hiyang lalaki ang bumangga sa akin. Sa liit ba naman ng katawan ko malamang ay tatalsik talaga ang lola nyo.

Oo lalaki dahil sa tangkad niya at pangangatawan ay halatang lalaki ito. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil napaupo ako.

"Aray naman!" Sabi ko habang nakaupo at hinihimas ang balakang ko. Masama kasi ang pagbagsak ko. Pinagpag ko ang kamay ko.

Tatayo na sana ako ng may naglahad ng kamay sa harap ko. Tumingala ako pero hindi ko nakita ang mukha niya dahil nasilaw ako sa sinag ng araw.

Inabot ko ang kamay niya at padabog na tumayo. Inayos ko ang sarili ko at bahagya ko pang hinimas ang pang upo ko dahil masakit ito.

"Nakakainis, hindi tumitingin sa dinadaanan." Daldal ko habang pinapagpagan ang pants ko. Akala mo naman naiintindihan niya ako kung makadaldal ako.

"Im Sorry!" Sabi niya at napatingin ako sa kanya. Bakit parang pamilyar ang amoy nya.

"Ikaw!" Sabi ko. At nakangiti lamang siya sa akin.

Letting Go (Duology Series 1)Where stories live. Discover now