chapter 2

344 15 0
                                    

"Where do you want to eat?" Tanong ni Chase pagkatapos ng mahabang katahimikan na namayani sa loob ng sasakyan.

"Sa bahay na lang, magluluto na lang ako." Sagot ko sa kanya na hindi siya tinitingnan.

Huminto ang sasakyan sa parking lot ng building kung saan naroon ang condo ni Chase. Sa sobrang lalim ata ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakarating na kami.

Bumaba na ako ng kotse at hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako. Hindi ko alam pero napakabigat ng dibdib ko. Dati rati ay pareho kaming nakangiti habang nasa biyahe. Dati rati ay magka hawak kamay kami habang nagmamaneho siya.

Ramdam ko na sumunod siya sa akin. Sinabayan niya ako sa paglalakad at hinawakan niya ako sa kamay. Pakiramdam ko hindi si Chase ang kasama ko. Nandito siya pero parang ang layo niya. Parang ibang tao siya.

Pumasok kami sa elevator at pumunta sa unit niya. Siguro kailangan talaga namin magusap para maging maayos kami at bumalik sa dati. Kung may problema ba sa aming relasyon ay kailangan naming maagapan.

Nang makapasok kami sa loob ng unit niya ay agad akong nagbihis ng pangbahay at naghanda para magluto. Siya naman ay pumunta ng kwarto niya.

Pumunta ako ng kusina at iniwan siya na nakahiga sa kwarto. Wala kaming imikan. Inihanda ko din ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Nagluto ako ng chopseuy at fried chicken.

Nang matapos ako magluto ay pinuntahan ko na siya para tawagin upang kumain. Nakahiga pa rin siya at hindi pa nagpapalit ng damit. Nakapatong ang isang kamay niya sa ibabaw ng kanyang noo.

Umupo ako sa kama at pinakiramdaman ko siya. Hindi siya nagsasalita, alam kong gising sya.

Ilang minuto ang lumipas at hindi na ako nakatiis. Kaya nagsalita na ako.

"B-babe! May problema ba?" Mahinang tanong ko sa kanya habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri ko sa may lap ko, at alam kong kahit mahina ang boses ko ay naririnig nya 'yon. "This past few days parang ang layo mo, p-parang ang lalim ng mga iniisip mo. May problema ba tayo, may problema ba sakin?" Konti na lang at mahuhulog na ang mga luha sa aking mga mata.

Hindi siya umimik. Narinig kong bumuntong hininga siya at bumangon. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang aking kamay. Hinalikan niya ito at niyakap ako, hinalikan din niya ang aking noo kaya tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"I'm sorry babe. Walang problema sayo, sakin ang meron. Dont worry aayusin ko to." Sabi niya habang nakayakap sa akin.

"I love you babe."

"I know babe, I know!." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Bakit ganon? Bakit hindi na niya masabi na mahal niya ako. Sa twing sasabihin ko na mahal ko siya ganyan lagi ang sagot niya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na 'yon ay hindi na ulit namin pinagusapan pa kung may problema ba talaga. I trust him kaya alam kong kung ano man ang pagsubok na pinagdadaanan ng relasyon namin ay alam kong malalampasan namin ito.

Matapos namin magdinner ay nag movie marathon muna kami. At napansin ko din na simula ng mag-usap kami kanina medyo nagiging okay na kami. Nagiging sweet na ulit siya sa akin. Siguro may problema lang siya at stress lang kaya ganon ang pakikitungo niya sa akin this past few weeks.

Nakahiga kami ngayon sa kama niya. Nakaunan ang ulo ko sa braso niya, habang nakayakap ako sa kanya at sinusuklay naman ng kamay niya ang buhok ko.

Gustong magtanong sa kanya. Gusto kong marinig sa kanya ang gumugulo sa isip ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Babe! M-Mahal mo pa ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Ano bang klaseng tanong yan? Syempre." Malambing niyang sagot. Hindi ko alam pero bakit malungkot ako sa sagot niya.

Letting Go (Duology Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon