chapter 5

278 17 0
                                    

Chase POV

Nakasakay kami ngayon pauwi sa condo ko. Dahil t'wing weekend ay sa condo ko nag-i-stay si Isa. Simula ng mag-isang taon ang relasyon namin ay ganyan ang naging routine namin para magkaroon kami ng quality time para sa isat-isa. Dahil alam namin na pareho kaming busy sa kanya kanya naming trabaho.

Sinundo ko si Isa sa coffee shop kung saan sila nagkita ng mga kaibigan niya. Kakausapin kasi nila ang wedding planner para sa kasal ni Joy.

Tahimik lamang kami pareho habang nasa biyahe. Sa labas lang ng bintana nakatingin si Isa at alam kong nararamdaman na niya ang malamig kong pakikitungo sa kanya.

Kahit ako hindi ko din alam kung bakit bigla na lang nawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Isang araw na lang nagising ako na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Na hindi ko na mahal si Isa.

Nung unang taon namin ay mahal na mahal ko siya. Ginawa ko ang lahat para maramdaman niya iyon. At nanatili akong faithful sa kanya.

Pero habang tumatagal ay unti unti na din itong nawawala. I don't know kung bakit. Sinubukan kong ayusin. Sinubukan kong mahalin ulit siya at pilitin ang sarili ko pero hindi eh. Hindi talaga natuturuan ang puso. Nung una tinupad ko ang mga pangako ko pero ngayon bigo ako at malabo ng bumalik pa sa dati.

Hindi ko siya mahiwalayan at maiwan dahil nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan at sasaktan, pero alam kong failed ako pagdating don kasi alam kong nararamdaman ni Isa iyon at wala akong magawa. Dahil sa ayaw ko siyang masaktan ng dahil sa akin ay nanatili ako sa tabi niya kahit hindi ko na siya mahal.

Pero hanggang kailan ko siya pakikisamahan ng dahil sa awa? Hanggang kailan ako mag-stay sa relasyon na ito ng dahil lang ayaw ko siyang masaktan. Hanggang kailan ako mananatili sa isang relasyon na isa na lang ang nagmamahal. Na siya na lamang ang naniniwala dito.

Tumingin ulit ako sa kanya at ganon pa rin. Nakasandal siya at nakatingin sa labas ng bintana. Mabibigat din ang paghinga na kanyang pinakakawalan. Alam kong umiiyak siya at wala akong magawa. Alam kong gago ako sa part na iyon pero ano ba ang gagawin ko. Kahit ako ay walang makuhang sagot sa mga tanong ko.

"Babe! Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kanya at sinulyapan ko rin siya habang nakahinto sa tapat ng stoplight.

"S-sa bahay na lang." Sagot niya at nanginginig pa ang boses niya. Damn it! I'm so sorry Isa.

Hindi na ako nagsalita pa. Dahil ayaw kong may masabi pa ako na lalong magbibigay sa kanya ng sakit sa dibdib. Kahit ako man ay nasasaktan din sa kinahantungan ng relasyon namin. Kung pwede ko lang pilitin ang puso ko ginawa ko na.

Dumagdag pa yong nakilala ko si Katherine kanina. Fuck ang ganda naman kasi niya. Natulala din ako ng mabangga ko siya sa tapat ng restroom kanina nung pumasok ako. Dahil doon ako dumeretso pagkarating ko. May naramdaman din akong kuryente ng magdikit ang kamay namin ng ipakilala ako ni Joy kay Katherine at alam kong naramdaman din niya iyon.

Ayaw ko man matulala ay hindi ko talaga sinadya. Lalo na at alam kong nandoon pa si Isa at ang mga kaibigan niya. Guilty ako sa bagay na iyon dahil nga attractive si Katherine para sa akin. Lalo na ng ngumiti siya sa akin. Damn

Nakonsensiya pa ako ng makita ko ang mga mata ni Isa na puno ng sakit. Kahit ayaw ko maramdaman niya iyon ay hindi ko namalayan na masasaktan ko siya.

Nakarating kami ng maayos sa condo ko. Naunang bumaba si Isa at hindi na niya hinintay na pagbuksan ko siya ng pinto ng kotse.

Nauna siyang naglakad papuntang elevator, nakasunod lamang ako sa kanya at nakatingin sa likod niya.

Nang bumukas ang elevator ay tahimik siyang pumasok at tiningnan ko lamang siya at pumasok na rin ako.

Tahimik lamang kami sa loob ng elevator at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Hanggang makarating kami sa unit ko ay ganon pa rin.

Pumasok siya sa kwarto at pinagmasdan ko lamang ang bawat kilos niya. Ako naman ay nakaupo at nakasandal sa sofa.

Maya maya ay lumabas siya sa kwarto, nakabihis na siya. Gamit niya ang malaki kong t-shirt at nakashort lang siya.

Lumakad siya papuntang kusina ng hindi ako sinusulyapan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Alam kong kahit ilang beses ako mag sorry ay hindi mawawala ang sakit na naidulot ko sa kanya at hindi na maibabalik pa ang pagmamahal ko na nawala para sa kanya.

Tumayo ako at sinulyapan ko lamang siya. Bumuntong hininga ako ng makitang nakatalikod siya sa akin. Dumeretso na ako sa kwarto para maligo at magbihis.

Nanatili lamang ako sa kwarto. Pumunta ako sa balcony na nasa tapat ng kwarto. Nagsindi ako ng sigarilyo at hinithit ito. Hindi naman talaga ako naninigarilyo, ginagawa ko lamang ito kapag stress ako at maraming inisip.

Gusto kong mag open ng problema sa mga kaibigan ko lalo na kay Gavin pero alam kong pare-pareho lamang ang sasabihin nila. Tanga ako at ang swerte ko na kay Isa.

Totoo naman swerte na ako sa kanya, dahil lahat ng hahanapin ng lalaki na katangian ng isang babae ay na kay Isa na.

Mabait siya, hindi pa nga ata nagawang magalit iyan. Napaka selfless person niya. Inuuna niya ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya.

Kaya hindi ko siya iiwan hanggat kailangan niya ako. Dahil nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan at sasaktan. Iyon nga lang ay hindi ko na mapipilit pa ang aking sarili na mahalin siya.

Tumagal pa ako sa balcony habang naninigarilyo at nakatingin sa mga bituin. Mahilig si Isa na tumingin sa langit na para bang laging humihiling.

Lumabas ako sa balcony at pumunta sa kusina. Umupo ako sa stool at nakatingin sa kanya. Alam kong alam niya na nasa likod lamang niya ako dahil tumunog ang stool ng umupo ako.

Pinagmasadan ko lamang ang kanyang ginagawa. Tapos na siya magluto at naghahain na siya sa mesa. Naglagay siya ng dalawang plato at mga kutsara pati baso, kinuha din niya ang tubig at orange juice na nasa ref.

Inilapag niya sa mesa ang kanyang niluto. Nakita ko ang pritong tilapia at chicken curry. Masarap magluto si Isa at iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya minahal noon.

Tahimik kaming kumakain at walang kibuan. Maririnig mo lamang ay tunog ng kubyertos sa buong kusina. Kung dati ay hindi kami nakakatiis na hindi nag-uusap pero iba na ngayon, dahil parang may pader na nasa pagitan naming dalawa. Para kaming hindi magkakilala.

Matapos namin kumain ay nagprisinta na akong maghugas ng pinag kainan. Siya naman ay dumeretso na sa kwarto. Nang matapos akong maghugas ay dumeretso ako sa sala at nagbukas ng TV. Siya naman ay hindi na lumabas ng kwarto pa. Alam kong masama ang loob niya sa akin at wala akong magawa dahil kahit magsorry ako sa kanya ay hindi maalis non ang sakit sa dibdib niya.

Nang makaramdam ako ng antok ay pumasok na din ako. Alam kong hindi pa siya tulog pero hindi siya gumagalaw at nanatiling nakatalikod sa akin.

Nang makahiga ako ay lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa ulo. "Goodnight Isa." There wala ng babe Isa na lang, siguro gusto kong masanay na siya paunti unti.

Tumalikod ako at nang ipipikit ko na ang aking mga mata, naramdaman ko na lamang na gumagalaw ang kama. Humahagulgol ng iyak si Isa at iyon ay dahil sa akin.

Humarap ako sa kanya at kinabig ko siya upang yakapin. Niyakap ko siya ng mahigpit para kahit papaano at mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

"Im so sorry!" Bulong ko sa kanya habang nakayakap. Nakabaon ang kanyang mukha sa aking dibdib habang yakap ko siya ng mahigpit. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig.

Nakatulog siya dahil sa kakaiyak. Inayos ko ang kanyang pagkakahiga at inalis ang nagkalat na buhok sa kanyang mukha.

Basang basa ang mukha niya dahil sa luha at namamaga din ang kanyang mga mata. Pinunasan ko ang kanyang pisngi at hinalikan ko siya sa noo.

"Patawarin mo Isa, patawad kong nabigo kita."

Letting Go (Duology Series 1)Where stories live. Discover now