chapter 7

254 17 0
                                    

Isabel (Isa) POV

Lumipas ang linggo at dumating na ang araw ng kasal. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Chase.

Sa lumipas na linggo ay nilunod ko ang aking sarili sa trabaho. Madalas akong mag-overtime para pag-uwi ko ay pagod na ako at matutulog na lang. Dahil ayaw ko ng umiyak pa. Halos dalawang linggo mahigit na pinagod ko ang aking sarili, wala din akong maayos na kain. Minsan umiinom pa ako ng sleeping pills para makatulog ako.

Marami din mga common friends namin ang nagsasabi na nakikita nila si Chase na may kasamang babae. Pilit kong itinatanggi sa aking sarili na baka may namamagitan na sa kanila, pero ayaw kong tanggapin dahil nangako si Chase sa akin.

Kung may mahal na nga itong iba sana ay sabihin na niya upang hindi na ako masaktan pa. Karapatan ko naman siguro na malaman iyon hindi ba?

Minsan ay tumatawag siya at nangangamusta. Parang civil na lang ang pakikitungo niya sa akin. Tuluyan ng wala ang Chase na minahal ko at mukhang may mahal na itong iba.

Sa hotel gaganapin ang reception. At dito din nag-stay ang mga guests na kasali sa entourage. Kaya bago pa ang kasal ay kasama ko na sila Mae at Joy. Kahit papaano ay nadadivert sa kanila ang kalungkutan ko.

Sa hotel din kasi ginanap ang bridal shower ni Joy. Sobrang masaya ang kaibigan ko at makikita sa kanyang mata ang labis na kasiyahan.

Pumunta na kaming lahat sa simbahan at hindi ko napansin kung naroon na ba si Chase dahil invited naman siya. Hanggang sa matapos ang kasal at sa reception na ay hindi ko pa rin siya nakikita. Nahihiya naman akong magtanong sa mga kaibigan niya kaya iginala ko na lamang ang aking paningin.

Nakaupo kaming magkakaibigan sa mesa nang magsalita si Mae. "Ayan na ang hinahanap mo. May leech na kasama." Nang tingnan ko sa entrance ay nakita ko si Chase na papasok, nasa likod niya si Katherine nakasunod sa kanya. Mukhang sabay silang pumunta dito.

Agad nagtama ang aming paningin. At mababakas sa mata niya ang lungkot at pagka guilty. Bakit dahil ba sinasaktan niya ako?

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi. Walang nagsalita sa mga kaibigan ko siguro ay ramdam nila na may ibang nangyayari at alam kong inirerespeto nila kami ni Chase.

Nagsimula ang program, may mga pa-games din habang kumakain ang mga bisita. Isa isang tinawag ng emcee ang mga kaibigan ng ikinasal upang magbigay ng kanilang mensahe para sa dalawa.

At nang ako na ang tawagin ay tumayo ako at pumunta sa harapan. "Joy and Gerald, congratulations and best wishes sa inyong dalawa. Sabi nga nila sa hinaba haba ng prosisyon ay sa simbahan din ang tuloy." Sabi ko at nagtawanan na sila at mga bisita. Pero ako unti unting namamatay sa sakit dahil nakita kong umalis si Katherine at sumunod si Chase sa kanya. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng mga tao pero hindi ko kinaya dahil kusang pumatak ang luha ko.

"Bes okay ka lang?" Tanong ni Joy ng nakangiti. Habang si Mae ay nakatingin sa akin ng malungkot.

Pinasigla ko ang aking boses bago ulit nagsalita. "Oo naman okay ako. Nakakaiyak lang ang kasal nyo. Basta mahalin nyo ang isat-isa. Always remember, the three keys for a better relationship, love respect and trust. Kailangan laging magkakasama ang tatlong yan dahil kapag nawala ang alin man sa isa dyan ay mabubuwag ang pundasyon ng inyong relasyon. Put god in the center of your relationship." Umiiyak kong sabi kaya umiyak na din si Joy at si Mae.

Bumalik ako sa aming upuan at niyakap ako ni Mae. "Sshh! Kaya mo yan bes. I think kailangan nyo ng magkapag-usap at malinawan ang lahat para hindi ka nahihirapan ng ganito. Gusto kong ipabugbog si Chase alam mo ba yon." Tumigil na ako sa pag-iyak at dahil ayaw ko naman makaagaw ng moment ng bagong kasal at malipat sa akin ang atensyon ng mga bisita.

Nagtuloy tuloy ang program at bumalik na din si Chase sa katabing upuan ko. Hanggang sa tinawag ng emcee ang mga single women na sasalo sa bouquet na ihahagis ng bride. Nauna na kasing naghagis ng garter ang groom.

Sa likod ang pwesto namin ni Mae. At nang ihagis ni Joy ang bouquet ay lumampas iyon sa amin. Nang tingnan ko kung sino ang nakasalo nito ay nagulat ako dahil si Katherine pala ang nakasalo.

Otomatikong napatingin ako kay Chase. Nagdilim ang mukha nito at nagtatagis ang bagang. Pinaupo si Katherine sa gitna dahil isusuot ang garter sa kanyang hita ng lalaking nakasalo nito.

Nagkaroon pa ng biruan na gamitin daw ang bibig sa pag-angat ng garter. Pero hindi pa man naisusuot ng lalaki ang garter sa hita ni Katherine ng may humablot ng braso nito.

Napatulala ako at hindi nakakilos ng makita ko si Chase. Hawak niya sa braso si Katherine na gulat din sa ginawa nito. Bago pa tuluyan silang umalis ay humarap sa akin si Chase, nakita ko ang mukha niya na malungkot na nakatingin sa akin and he mouthed sorry at tuluyan na itong tumalikod na hila hila si Katherine.

Wala akong nagawa kung hindi umalis sa lugar na iyon. Dahil halos lahat ng tao ay napatulala at napasinghap sa nasaksihan.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Mayroong tumatawag sa akin pero hindi ko na pinansin pa. Hanggang natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa rooftop ng hotel.

Sumigaw ako ng sumigaw para maalis ang sakit na aking nararamdam. Dinakot ko ng palad ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit nito. Kailangan ko na bang sumuko? Obvious naman na hindi na niya ako mahal. Ano pa ba ang hinihintay ko? Bakit ba gusto ko pang kumapit kahit alam kong wala na akong kakapitan. Bakit ba nagtitiis ako kahit nasasaktan. At isa lang ang sagot sa mga tanong ko. Iyon ay dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Chase. At alam kong hindi ko kaya kapag nawala siya sa akin.

Umiyak lang ako ng umiyak at pati ang langit ay nakikisama sa aking pagdadalamhati. Dahil dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan.

Nakaluhod lang ako habang umiiyak. Hanggang sa naramdaman kong may dalawang tao na yumakap sa akin at kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Joy at si Mae 'yon.

Umiyak na din silang dalawa habang nakayakap sa akin. Parepareho kaming basa dahil sa lakas ng ulan.

Walang nagsalita sa amin at hinayaan lang nila akong umiyak. Dahil sa pangyayari ay maagang natapos ang kasal. Hindi ako hinayaan ng mga kaibigan ko na umuwi. Nag-stay pa kami sa hotel. Pati ang honeymoon sana ng bagong kasal ay napostponed.

Hindi daw kasi ako kayang iwanan ni Joy ng ganito ang sitwasyon ko. Humingi naman ako ng paumanhin sa kanila dahil nasira ko na ang kasal hindi pa natuloy ang honeymoon. Nagbiro pa si Joy sa kanyang asawa na mag strip dance siya sa unang gabi nila para pang bawi dito.

Kinabukasan ay naramdaman ko ang pamimigat ng katawan ko. Siguro ay dahil nabasa ako ng ulan kaya masama ang pakiramdam ko.

Hindi pa man ako nakakabangon ay pumasok na si Mae at Joy nang nakangiti. Nginitian ko din sila at pumasok na sila. Ngumiwi sila dahil siguro sa ngiti na ipinakita ko sa kanila. Alam nilang mapait na ngiti ito.

"Breakfast is ready." Malambing na sabi ni Mae. Kaya tumango ako at akmang tatayo ako ng nabuwal ako at napahiga ulit sa kama.

"Okay ka lang ba bes!?" Tanong ni Joy. Tumango lang ulit ako. Alam kong hindi ako okay pero kailangan kong maging matatag para sa mga taong nagmamahal sa akin.

Naghilamos ako dahil ang sama pala ng itsura ko. Nakakalat kasi sa mukha ko ang eyeliner na nilagay sa mata ko. Namamaga din ang aking mata at nangingitim ang eye bags. Pwede ng ipakilo sa bigat ng eyebags ko.

Matapos kong magtoothbrush at maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto. Isang unit lang ang nirent ng mag-asawa. Dalawang kwarto iyon kaya may privacy pa rin sila.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakaupo na silang tatlo sa harap ng hapag at hinihintay na lamang pala nila ako. Ngumiti ako sa kanila at umupo na din.

"Bakit ba ang hilig mong ngumiti kahit hindi ka masaya?" tanong ni Mae sa akin. Humaba na lamang ang nguso ko.

Habang kumakain ay nagkekwento ng kung anu-ano si Joy. Tawa din ito ng tawa dahil medyo naiirita na ang kanyang asawa. At natapos ang umagahan na nakatulala lang ako sa kawalan. Ni hindi ko nga napansin kung naubos ko ba ang pagkain.



Letting Go (Duology Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon