Chapter 12

281 15 0
                                    

Isabel (Isa) POV

Days and weeks passed at ganoon pa rin ang pakikitungo ni Chase sa akin. Malamig! Civil na civil kung mag-usap kami. Minsan susunduin niya ako minsan naman hindi. Hindi ko nga alam kung bakit ginagawa pa niya iyon.

Sabi ko noon hindi ako tutulad sa mama ko. Sabi ko ipaglalaban ko ang taong mahal ko. Pero yong sinabi ko noon parang hindi ko na ito matutupad.

Nangako ako kay Chase na ipaglalaban ko siya hanggat kaya ko. Pero hindi ko na kaya. Kaya nagdesisyon na ako. Ako na ang bibitaw para sa kanya. Siguro kaya siya nag dadalawang isip na makipaghiwalay ay dahil sa mga ipinangako niya.

Sa totoo lang wala naman kaming kasalanan parepareho. Ang tanging naging kasalanan lang namin ay dahil nagmahal kami. At hindi masamang magmahal, bagkus ay mali lang ang taong minahal.

Love is war, kaya kailangan mayroon kang tapang para lumaban. Kailangan marunong kang makipagsabayan. Ika nga ay fight with all your heart. Pero kung wala na ang taong itong ipinaglalaban wala na itong saysay pa.

Siguro nga hindi si Chase ang para sa akin. O kung kami man talaga ang itinadhana, siguro ay may tamang panahon para sa amin.

Kailangan kong muna buuin ang aking sarili. This time sarili ko naman. At maghihilom lang ang sugat sa puso ko kung lalayo ako. Forgive then forget.

Matapos ang ilang linggo kong leave ay pumasok na ulit ako sa trabaho. Nag request pa ako kay sir Gavin na ilipat niya ako ng ibang branch. Sabi ko nga kahit sa cebu o palawan lang pero mas inilayo pa niya ako.

Akala ko nagbibiro pa siya ng sabihin niyang sa Vancouver canada niya ako ililipat. Siguro okay na din. Mga bagong tao, bagong lugar at bagong pakikisalamuha. Kaya pumayag ako. I need this, para sa sarili ko at para makapag move on ako.

Anytime naman daw ay pwede akong umalis kaya bago ako umalis ay plano kong ayusin muna ang lahat. Plano kong kausapin ang dalawang tao na nagdulot ng sakit sa puso ko.

Papunta ako ngayon sa mall dahil bibili ako ng maleta. Plano ko kasi na next week na umalis. Habang nasa biyahe ako ay nakita ko ang sasakyan ni Chase. Huminto ito sa tapat ng condo na tinitirahan ni Katherine.

Ipinahinto ko ang taxi at bumaba ako. Nakita ko pang nagmamadali si Chase. Takot ang makikita sa mukha nito. Mayroon kayang nangyari sa kanila ni Katherine?

Sinundan ko siya at tahimik na sumakay sa elevator. Nauna na kasi siyang sumakay sa kabila. Nang bumukas ang elevator ay pumunta ako sa unit niya. Agad akong nagtago at doon nakita kong umiiyak si Chase at ganoon din si Katherine. Nasa tapat lang sila ng nakabukas na pinto.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila upang marinig ko ang usapan nila. Na sana ay hindi ko na ginawa pa dahil mas masakit pala ang marinig ang lahat.

"Tama na Chase! Dahil kahit anong gawin mo ay hindi mo na maibabalik ang baby natin!" Sigaw ni Katherine habang inaalis niya ang paghawak nito sa kanya.

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Natulala ako sa aking narinig, 'baby natin' tama naman ang dinig ko. Nabuntis siya at si Chase ang ama. At ang masakit na katotohanan ay may isang munting anghel na nadamay dahil sa gulo namin.

Nanlambot ang tuhod ko at napahawak ako sa pader na tinataguan ko. Naguunahan na din ang mga luha sa aking mata. Siguro kung nakaka dehydrate ang pag-iyak malamang wala na akong tubig sa katawan.

Letting Go (Duology Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon