chapter 3

293 19 0
                                    

Maaga ako gumising ngayon dahil magluluto ako ng lunch namin ni Chase. Nagsabi siya kasi na hindi niya ako masusundo dahil marami siyang trabaho at maaga ang pasok niya sa site.

Wala naman problema sa akin dahil naiintindihan ko na minsan hindi
kailangan na parati magkasama para hindi magsawa sa isat isa.

Nitong mga nakaraan napapansin kong medyo namamayat na siya siguro dahil sa dami ng trabaho niya. Kaya minsan sinusuportahan ko na lang kung ano ang gusto niya dahil ayaw ko na dumagdag pa sa burden niya.

Nagluto ako ng paborito niyang adobong baboy na naiga ang sabaw na may sili. Sinamahan ko din ng tortang talong.

May kasabihan nga na, the way to a man's heart is through his stomach. Kaya bubusugin ko siya sa pagmamahal at bubusugin ko din siya sa pagkain.

Matapos kong magluto ay agad akong nagready para sa pagpasok. Nagbook na lang din ako ng taxi para mas mabilis ako makapasok.

Nang makarating ako sa hotel ay agad kong  ginawa ang trabaho ko. Pinuntahan ko din ang mga report sa akin na mga sira sa loob ng hotel.

Nang matapos ako ay pumunta ako sa opisina ko, mag-aayos ako ng konti para hindi naman magmukhang maputla. Naglagay ako ng konting lipstick at blush on. Hindi na kailangan ayusin ang kilay ko dahil pinagpala ito sa kapal ng buhok.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay tinawagan ko muna ang telepono ni Chase pero walang sumasagot at ring lang ito ng ring. Tatanungin ko sana siya kung kumain naba siya at kung nasaan siya.

Kaya lumabas na ako ng opisina at pumunta sa may lobby magtataxi ako papuntang opisina ni Chase.

Habang naghihintay ako ng taxi na ipinatawag ko sa guard ay may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Isa!?"

Lumingon ako sa likuran at ang gwapong nakangiting lalaki ang nakita ko. Litaw na litaw pa ang dimple nito dahil sa pagngiti. Kaya nginitian ko din siya. Grabe nakakahawa ngumiti si sir Gavin.

"Ay! Sir Gavin kayo po pala."

"Pupuntahan mo ba si Chase?" Tumango ako sa kanya.

"Opo, dadalhan ko sana ng lunch niya at sasabayan ko na rin kumain."

"Okay sumabay ka na sakin. May lunch meeting ako malapit don kaya idadaan na kita." Pagpepresinta nito.

Nakakahiya man pero mas nakakahiya atang tumanggi kaya tumango na lang ako at umalis siya kinuha ang sasakyan nya.

Huminto ang black bmw sa harapan ko at bumaba don si sir Gavin, inalalayan niya ako papasok ng sasakyan. Pinagbuksan pa niya ako ng kotse niya. Nakakahiya yong boss pa talaga ang nagbukas ng pinto.

Pagpasok ni sir Gavin sa driver seat ay nagkabit siya ng seatbelt at pinaalalahanan din niya ako.

"Ang swerte talaga ng mokong na iyon sayo, alagang alaga mo ang kaibigan ko." Sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa daan.

Mabait talaga si si Gavin suportado niya ang relasyon namin ni Chase at saka siya lang ang medyo close ko sa lahat ng kaibigan ni Chase.

Ngumiti ako at bahagya pang naginit at namula ang aking mukha. "Swerte din naman po ako sa kanya. Mabait si Chase at hindi niya ako sinasaktan."

"That's good to hear. Dapat naman talaga na minamahal ang mga babae at hindi sinasaktan." Sabi pa niya. Parang ang lalim ng pagkatao ni sir Gavin. At parati din seryoso sa buhay. Responsable, mabait gwapo at mayaman si sir kaso ni minsan hindi ko pa nabalitaan na nagkaroon siya ng nobya. Ang tagal ko ng nagtatrabaho sa hotel pero ni minsan wala pa itong dinala ng girlfriend doon.

Letting Go (Duology Series 1)Where stories live. Discover now