Chapter 14

316 16 0
                                    

Nanginginig akong tumayo at napakagat pa ako ng aking labi. Dahan dahan akong humarap sa kanya. Malambot ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Bakit narito siya? Akala ko ba next week pa ang dating niya.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya. Kung kailan hindi pa ako handang humarap sa kanya saka naman kami nagkita. Kahit kailan hindi talaga kami magkasundo ni tadhana. Parati niyang pinapa komplikado ang sitwasyon ko.

Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya. Gusto kong maramdaman ang init ng yakap niya. Ang tamis ng halik niya. Gusto kong marinig yong salitang 'okay lang yan' mula sa kanya yong parati niyang sinasabi kapag stress ako at upset.

"A-ahm k-kukunin ko lang ang mga gamit ko." Sabi ko. Tumikhim pa ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa mata niya dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa titig niya.

"Ow i see! Kukunin mo ang mga gamit mo ng hindi man lang tayo nakakapag-usap." Sabi niya na parang may tampo pa, at umupo siya sa gilid ng kama. Habang ako ay nakatayo at nilalaro ang mga daliri sa kamay.

"Hindi naman, kaya lang uunahin ko lang muna sana ang mga gamit ko." Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakayuko. "Hwag kang mag-alala hindi nam....." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya.

"Im sorry Isa. Sorry because I failed you. Sorry ka...." This time siya naman ang pinatigil ko sa pgsasalita.

"Minahal mo ba ako Chase? Sa loob ba ng mahigit dalawang taon ay minahal mo ako."

Nag-angat siya ng tingin sa akin, kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay niya na para bang hindi niya nagustuhan ang tanong ko. "Ano bang klaseng tanong yan? Bakit hindi mo ba naramdaman? Kulang ba ang mga ginawa ko noon? At kung magtatanong ka ulit ay oo ang sagot ko, dahil ikaw ang unang babaeng minahal ko, Isa." Medyo mahinahon ngunit kita ang pag-igting ng panga niya.

Muling nagsimula ang panlalabo ng aking mata habang nakatingin sa kanya.. "Salamat kung ganon. Iyon lang naman ang importante eh, ang malaman kong minahal mo rin ako." Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusa ng pumatak. Parang may malaking bato ang unti-unting dumadagan sa puso ko habang mariing nakatingin sa kanya.

Alam ko at ramdam kong ito na ang huling beses na makakausap ko pa siya. At ito na ang oras para matapos na ang dapat tapusin.

Lumapit siya sa akin at ikinulong niya sa kanyang mga palad ang aking mukha. Hinalikan niya ako sa noo kaya kusang pumikit ang aking mata.

"Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sayo noon, dahil minahal kita at iyon ang totoo. Lahat ng ipinaramdam at ipinakita ko sayo ay totoo. At huwag mong iisipin na may mali sayo. Ako, sa akin ang may problema, Isa. Ako ang nagkulang at nagpabaya sa relasyon na to. Sorry. Sinubukan ko naman. Sinubukan kong ayusin ang lahat. Kaya lang hanggang doon na lang kasi ang kaya kong ibigay. Kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan lang natin ang isat-isa." Sabi niya na nangingilid ang mga luha.

'Noon' ang sakit lang dahil dati mahal lang kita walang kadugtong na noon.

"Naalala mo ba nung nagpicnic tayo sa luneta?" Tanong ko at tumango siya. "May sinabi ka noon sa akin. Na kapag may ginawa kang kasalanan ay h'wag kitang igive up, na ilaban kita, na hwag akong bibitaw, nangako ako sayo noon." Hindi siya umimik at nakikita kong umiiyak na rin siya. "Im sorry kasi hindi ko matutupad yung pangako ko. Sorry kasi sumuko ako. Sorry....sorry kasi suko na ako." Humahagulgol na ako at ganon din siya. Pareho kaming nasasaktan sa mga oras na iyon. Pareho kaming nasasaktan dahil sa sitwasyon. "Mahal na mahal kita Chase, kahit ang sakit sakit na. At dahil mahal kita ay kailangan kong gawin ang alam kong tama."

"Patawarin mo ako Isa. Patawad kung hindi naging matibay ang pundasyon ng pagmamahal ko sayo. Patawad dahil binigo din kita."

This time ako naman ang humawak sa mukha niya. Binigyan ko siya ng isang magaan na halik sa labi. Huling halik bago tuluyang maghiwalay ang mga landas naming dalawa. Tumingin ako sa mga mata niya.

"Chase ipangako mo sa akin na magiging masaya ka at gusto kong malaman mo na hindi ka pa humihingi ng tawad ay napatawad na kita. Mahal na mahal kita Chase at maraming maraming salamat sa lahat, sa saya at sa lungkot na pinagsaluhan nating dalawa.......Chase pinapalaya na kita! Malaya ka na!" Umiiyak kong saad bago ko binitawan ang mga kamay niya.

Tuluyan na akong tumalikod sa kanya dahil ayaw ko ng makita pa niya akong miserable. Humugot ako ng malalim na hininga saka kinuha ang mga gamit na inimpake ko.

Insert paubaya song by Moira.*******

Nang makatalikod ako ay bigla kong naramdaman ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Umiyak lang kami at walang nagsasalita sa amin. Yumuyugyog na ang balikat niya dahil sa pag-iyak.

Ito na ang huling kabanata ng aming relasyon at mananatili na lamang na magandang alaala ang lahat.

Alaalang nakatanim sa aking puso. Na minsan, may isang Chase Tuazon na minahal ko at minahal din ako.

Sinong nagsabi na madali ang mag let go? Hindi madali dahil napakasakit at walang paliwanag kung gaano kasakit ang nararamdaman ko sa ngayon, sa mga oras na ito. Durog na durog ako. Para akong nabasag sa maliliit na piraso. At hindi ko alam kung kailan ako mabubuong muli.

Kung pwede lang na maging makasarili ginawa ko na, pero hindi dahil alam ko na hindi na siya magiging masaya sa piling ko.

At kahit gustuhin ko man manatili ay alam kong hindi na pwede dahil mayroon na siyang napili. At hindi ako iyon. Kaya kailangan kong magparaya, magpaubaya.

NAKAHIGA ako ngayon at iniisip ang mga nangyari sa condo niya. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi. Tulala pa rin kasi ako dahil sa nangyari.

Tumayo ako at pumunta sa terrace. Lumanghap ng hangin at tumingin sa kalangitan.

Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng aking dibdib. Nakatulong ang aming pag-uusap. Wala na siya. Hindi na siya sa akin at kailangan kong tanggapin.

Flashback

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko. Alam kong nakatingin lang siya dahil dama ko ang init ng titig niya.

Nang maisara ko na ang bag ay tumingin pa ulit ako sa kanya. "Hindi ko na kukunin ang mga picture, bahala ka kung anong balak mo dyan." Sabi ko at lumapit sa kanya. Hinubad ko ang kwintas na iniregalo niya sa akin noong first anniversary namin. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang kwintas.

"Keep this, hindi na ako ang may hawak ng puso mo. Kaya hindi ko na dapat itago pa ito." Sabi ko sa kanya. Heart pendant kasi iyon at ang sabi niya nung ibinigay niya iyon akin ay dahil hawak ko daw ang puso niya which is hindi na ngayon.

Hinaplos ko ang kanyang mukha sa huling pagkakataon. Pumikit lamang siya at dinama ang init ng palad ko. Siguro kasi aminin man niya o hindi ay sanay siya sa mga haplos ko.

Bumitaw ako sa kanya at kinuha ang bag ko. Akmang lalabas na ako ng kwarto ng hapitin niya ako ulit at ikulong sa kanyang mga bisig. At syempre dahil marupok ako pagdating sa kanya ay tumulo na naman ang mga luha ko.

"Hatid na kita." Sabi niya ng maghiwalay ang mga katawan namin. Ngumiti ako at umiling.

"H'wag na kaya ko na. Magaan lang naman ito." Sabi ko at tuluyan na akong lumabas sa kwarto.

Wala na siyang imik pa. Bago ako tuluyang lumabas ng pinto ay humarap ako at ngumiti sa kanya. "Chase hangad ko ang kaligayahan nyo ni Katherine. Maraming salamat sa mga alaala." tumalikod na ako at hindi hinintay ang sagot niya.

Lumabas ako ng pinto at hindi na lumingon pa. Goodbye Chase. I love you...

End of flashback

Tumingin ako sa kalangitan at taimtim na humiling sa maliwanag na bituin.

Please heal my heart and dont let it break again. Give me strength to face everything and give me my one great true love.

Lalong kuminang ang maliwanag na bituin kaya napangiti ako.

Letting Go (Duology Series 1)Where stories live. Discover now