chapter 6

249 16 0
                                    

Isabel (Isa) POV

Isang linggo, isang linggo ang nakalipas pagkatapos ng tagpong iyon. Isang linggo na din kaming hindi nagkikita ni Chase. Ni tawag o mensahe ay wala. Para akong nangangapa sa dilim, dahil hindi ko alam kung ano na ba ang estado ng relasyon namin.

Nasa trabaho ako ngayon at ewan ko ba kung bakit nagagawa ko pa rin pumasok sa trabaho kahit parati naman akong tulala at malalim ang iniisip. Gusto ko man magleave ay hindi ko magawa dahil lalo lamang akong malulungkot kung nasa bahay ako.

Minsan bigla na lamang papatak ang aking mga luha. Minsan din napapatanong ako kung bakit ko ba nararanasan ang masaktan. Wala naman akong inapakan na tao, nagmahal lang naman ako. Bakit ang sakit magmahal.

"Isa! Isa! are you okay?" Nagulat ako dahil nag-aalalang mukha ni sir Gavin ang nagpabalik ng aking kamalayan. Nakatingin lamang ako sa kanya. "Hey! May problema ba? Bakit ka umiiyak." Tanong ulit niya. Nang hawakan ko ang aking pisngi ay basa nga ito at hindi ko na naman namalayan na umiiyak na ako.

"Okay lang po ako sir, may problema lang po sa bahay." Sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang aking pisngi. Ayaw ko naman kasing mag-open sa kanya ng problema lalo na't kaibigan siya ni Chase.

"Are you sure?" Tanong niya ulit. Tumango na lamang ako dahil baka maiyak na naman ako dahil sa ipinapakitang concern sa akin ni sir Gavin.

Kinuha niya ang papeles na kanyang pakay at iniwan na niya ako. Ako naman ay tumayo at lumapit sa pantry at kumuha ng tubig dahil naninikip na ang dibdib ko.

Umiinom ako ng biglang tumunog ang aking telepono. Nang tingnan ko kung sino ay si Mae pala, kaya medyo nakaramdam pa ako ng pagkadismaya dahil si Chase ang gusto kong makausap. Impokrita ako kung sasabihin kong hindi ko siya hinahanap. Namimiss ko na siya.

Sinagot ko ito at nag-aalalang boses ni Mae ang bumungad sa akin. "Bes asan ka?" Tanong niya kaya kumunot ang aking noo. Alam naman niyang nasa trabaho ako nagtatanong pa siya.

"Nasa hotel bakit?"

"Bes may problema ba kayo ni Chase?" Tanong ulit niya at sa totoo lang ay kinakabahan ako sa mga tanong niya.

"W-Wala naman! Bakit ba?!" Medyo nagtaas na ako ng boses sa kanya dahil sa mga tanong niya.

"May isesend akong pictute ngayon. Kinuha ko iyan ngayon lang, nandito kasi ako sa mall. Please Isa mag-usap muna kayo bago ka mag conclude." Dahil sa sinabi niya kinabahan ako at nanginig ang tuhod ko.

Matapos kaming mag-usap ni Mae ay binuksan ko agad ang larawan na sinasabi niya. Ang kaninang panginginig ko ay nauwi sa pagkalambot ng aking tuhod.

Bumungad sa akin ang larawan ni Chase at Katherine na masayang kumakain sa isang restaurant. Nabitawan ko pa ang basong hawak ko at natapon ang tubig sa carpet sa sahig at gumulong ang baso. Pero wala na akong pakialam dahil sa larawan lamang ako nakatitig. Halos mabitawan ko na ang telepono sa aking kamay dahil nawawalan na ito ng lakas.

Huminga ako ng malalim at pinindot ang numero ni Chase upang tawagan siya. Nagring ito at nang maikatlong ring ay sinagot na niya.

"Hello Isa!" Sagot niya na huminga pa ako ng malalim dahil sa lamig ng kanyang boses malamig pa sa yelo. Wala na ang lambing sa t'wing kakausapin niya ako. Sabagay hindi na nga niya ako tinatawag na babe. Kailan ba ako masasanay na Isa na lamang ang itinatawag niya sa akin.

Humugot ako ng hininga. "H-hello babe asan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa opisina bakit?"  Napapikit ako sa sagot niya.

"W-wala sige i-ingat ka." Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay lumandas na ng tuluyan. Parang babasaging nabasag sa maliliit na parte ang aking puso. Sobrang sakit nito at hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit.

Bakit kailangan niyang magsinungaling? Isang linggo siyang walang paramdam at ito ang bubungad sa akin. Kaya ba wala siyang panahon sa akin ay dahil may pinagkakaabalahan na siyang iba.

Gusto ko siyang tanungin kung mahal pa ba talaga niya ako. Pero takot ako, takot ako sa katotohanang maaring sumabog sa mukha ko, dahil baka hindi ko ito matanggap.

Nakasalampak ako sa sahig habang yakap ko ang aking tuhod at humahagulgol sa iyak. Wala na akong pakialam pa sa paligid ko. Basta ang alam ko ang sakit sakit dahil parang movie na paulit ulit nagpi-play sa utak ko ang masayang larawan nila.

Narinig ko din na tunog ng tunog ang telepono ko. At wala akong plano pang sagutin iyon. Tulala lang ako at hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulala.

Hanggang naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin at nang tingnan ko kung sino ay si Mae pala na puno ng pagaalala ang mukha at parang naiiyak pa dahil sa awa sa akin.

May kausap din siya sa telepono at hindi ko alam kung sino. Wala na akong panahon para alamin pa dahil sa sakit ng aking nararamdaman.

Alam kong hindi ako dapat nagpapadala sa selos pero sino ba ang niloko ko? Alam ko naman na matagal ng walang pagmamahal si Chase sa akin at ako na lamang talaga itong tanga na nagsusumiksik sa kanya. Hihintayin ko ba talaga sa isampal niya sa akin na may mahal na siyang iba?

Naramdaman kong itinayo ako ni Mae at pinaupo sa couch na nasa loob ng opisina ko. Pilit niya akong pinapainom ng tubig at tinanggihan ko ito.

Hindi ko na natapos pa ang trabaho ko at nagpaalam na ako na masama ang pakiramdam ko. Pasalamat na lamang ako at wala si sir Gavin, dahil nakakahiya kung mag-a-undertime ako. Pero wala na akong pakialam tutal hindi din naman ako makakapagtrabaho ng maayos.

Inihatid ako ni Mae sa bahay. Ayaw pa nga niya sana, at gusto niya ay sa bahay niya ako matulog. Pero nagpumilit akong umuwi.

Nagulat pa si mama dahil maaga akong umuwi. At alam kong nag-aalala siya base sa pagtawag niya sa pangalan ko. Narinig ko pa na nagtanong siya kay Mae at hindi ko na alam kung ano ang isinagot niya.

Pumasok ako sa kwarto at naglock ng pinto. Hindi ko na nagawa pang magbihis at dumapa na lamang ako. Ibinuhos ko doon ang lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Bakit ang unfair? Bakit namin nararanasan ni mama ang ganitong sakit. Paano kinaya ni mama ang lahat, dahil alam kong kahit hindi niya aminin ay mahal pa niya si papa hanggang ngayon.

Nakatulog na pala ako nang dahil sa kakakiyak. Naramdaman ko na lamang na may humahaplos sa aking ulo at nang tingnan ko kung sino ay si mama na nakangiti sa akin.

Nang makita ko siya ay hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ako sa kanyang balikat.

"Sige lang anak iiyak mo lang lahat hanggang sa lumuwag ang iyong dibdib." Lalo akong naiyak dahil sa kanyang sinabi. Hinahaplos niya ang aking buhok at panaka nakang hinahalikan ang aking ulo.

Nang medyo humupa ang aking pagiyak ay nagsalita ulit si mama. "Okay ka na ba?" Tanong niya at umiling lamang ako habang pinupunasan ang aking mukha.

"Syempre magiging okay ka. Si Isabel Bermudez ka diba? Ang matapang at malakas na si Isa. Mana ka ata sa akin." Sabi niya kaya napangiti ako. "Anak lahat ng nangyayari ay mayroong dahilan. Kung ano man ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon ay alam kong makakaya mo itong lampasan. Hindi ka bibigyan ng panginoon ng pagsubok kung hindi mo ito kaya. Nandito kaming pamilya mo at mga kaibigan mo na handang dumamay sayo, hindi ka nag-iisa." Niyakap ulit niya ako at ganon din ako sa kanya.

Niyaya na ako ni mama kumain sa baba. Sinabihan pa niya ako na hindi daw nakakaganda ang pag-iyak kaya naman ay tumigil na daw ako. Buti na lang at nand'yan si mama para yakapin ako, para payuhan ako. Maswerte pa rin ako at mayroon akong ina na handang makinig at dumamay sa akin.







Letting Go (Duology Series 1)Where stories live. Discover now