Chapter 13

293 15 0
                                    

Inayos ko ang lahat ng aking dadalhin. Next week ay flight ko na at may ticket na din ako. Kaya tuloy na tuloy na ang pag-alis ko. Wala ng atrasan ito. At ito ang pinaka tamang desisyon na aking gagawin ang lumayo.

Matapos kong maiayos lahat ay naligo na ako. Magkikita kasi kami ng mga kaibigan ko sa favorite naming coffee shop.

Nakasuot ako ng faded jeans at v-neck blouse at white sneakers. Naka messy bun din ang buhok ko. Medyo maayos na din ako hindi tulad nung mga nakaraan. Natanggap ko na rin kasi na hindi na siya babalik pa. Na hindi na siya magiging akin ulit. Siguro ay kailangan na lamang namin ng closure.

Alam kong hindi pa ako ganon ka okay dahil hindi pa kami nakakapagusap ni Chase. Kailangan namin magusap para sa ikatatahimik ng lahat. Para na rin sa aming mga sarili.

Sumakay ako ng taxi at bumiyahe papuntang coffee shop. Magmomall din kasi kaming magkakaibigan. Last bonding kung baga. Dadalaw naman daw sila sa akin at alam kong tutuparin nila iyon.

Pagpasok ko sa loob ng coffee shop ay nakita ko na agad ang dalawa kong kaibigan na nagdadaldalan at maiingay na nagbabangayan. Nakakahiya din kasama ang dalawang 'to. Ang iingay kasi.

Lumapit ako sa kanila at sinaway sila. "Alam nyo nasa pinto pa lang ako nangingibabaw na ang mga boses nyo." Sabi ko sa kanila at lalo ata silang umingay.

"Eto kasi." Turo ni Joy kay Mae.

"Kasalanan niya." Sagot naman ni Mae. Napailing na lamang ako.

"Napaka eskandalosa n'yong dalawa. Nakakahiya!" Tumahimik na sila this time. "Ano ba pinagtatalunan nyo? Siguraduhin nyong importante yan dahil kung hindi babatukan ko kayong dalawa."

Iniabot nila sa akin ang telepono ni Mae at nang tingnan ko ito ay nakita ko ang list ng now showing na movie. Napatampal naman ako sa aking noo.

"Para kayong mga bata! Seriously? Ito ang pinagaawayan nyo?" Umiiling akong nakatingin sa kanila.

"Bes kasi gusto kong mapanood 'yon tapos ayaw pa ako pagbigyan ni Mae. Eh ito ang gusto ng baby ko." Sabi ni Joy na nakasimangot pa at mukhang paiyak na.

Sabay kaming napatingin ni Mae sa kanya. At nanlaki ang aming mga mata.

"Buntis ka!" At sabay pa kami ni Mae na nagtanong.

Tumango siya habang nakangiti sa amin kaya tumili kami at tumayo para yakapin siya.

Naiyak pa siya. May mood swing talaga ang mga buntis at emotional din.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Buti hindi pa kita nabatukan dahil sa inis ko sayo." Saad ni Mae kaya natawa kami sa sinabi niya.

"Im so happy for you bes. At alam kong magiging mabuti kang ina." Sabi ko sa kanya at umiyak ulit siya.

"Tama na h'wag kang umiyak baka pumangit si baby." Si Mae na naiiyak na din.

"Kailangan ba talagang umalis ka? Bakit ikaw ang aalis wala ka naman kasalanan sa kanila, dapat sila ang umalis." Umiiyak na sabi ni Joy kaya naiyak na din ako.

"Sshh! Tama na baka makasama sayo. At saka hayaan nyo na ako. Kailangan ko na ito. Pasensiya na kayo."

"Oo nga bes Joy. Nandito pa naman ako." Si Mae.

"Basta uuwi ka kapag bininyagan si baby kasi ninang ka." Nakangusong sabi ni Joy.

"Oo uuwi siya dahil ako naman ang ikakasal." Sabi ni Mae tapos ipinakita ang kamay na may singsing na nakasuot sa daliri. Kaya tumili ulit kami. Nakakahiya man pero wala na kaming pakialam basta masaya kami dahil double celebration ang mangyayari.

Letting Go (Duology Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon