chapter 8

250 18 1
                                    

Nang matapos ang aming agahan ay nagpaalam muna ang asawa ni Joy may aasikasuhin daw ito.

Agad naman akong hinila ng dalawa papasok ng kwarto. Umupo kami sa kama at tumingin sila sa akin na parang may ginawa akong kasalanan.

"Kelan mo pa nalaman?" Bungad na Joy. Mabait si Joy at jolly pa bagay na bagay nga sa kanya ang pangalan niya. Hwag mo lang gagalitin dahil tiyak lalabas ang pagiging amasona.

"Spill!" Mataray naman na sabi ni Mae.

"Bakit ang seryoso nyo? Come on hwag love life ko ang pagpiyestahan nyo." Sabi ko sa kanila habang pagak tumatawa.

"Bes alam naman na masakit para sayo to! Kaya kahit tumawa ka pa ng malakas ay alam naming peke ang mga ngiting yan at mga tawang yan."

"Judgemental kayo! Alam nyo palang masakit bakit gusto nyo pang ungkatin?" Tanong ko sa kanila habang iniirapan.

"Kaya nga ikwento mo para kahit papaano ay gumaan ang bigat na dala dala ng dibdib mo." Si Joy na naiinis na dahil sa mga sinasabi ko.

"Nandito kami bes. Dadamayan ka namin. Hindi ka namin iiwan sa laban mo at asahang mong makikinig lang kami sayo." Sabi ni Mae at dahil sa sinabi niya ay tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan pa ang humagulgol ng iyak.

"Alam ko naman, matagal ko ng alam na hindi na niya ako mahal dahil nararamdaman ko iyon, hindi ako manhid." Panimula ko sa kanila. Pareho pa silang nagulat sa sinabi ko. Pero nanatili lamang tikom ang kanilang mga bibig. "Alam ko din na awa na lamang kung bakit hindi niya ako hinihiwalayan. Pero kahit alam ko sobrang sakit dahil wala akong magawa."

Napamura si Joy dahil sa sinabi ko. "Gago pala siya eh. Sana naging honest na lang siya sayo. Hinintay pa nya na magkaganito? Wala siyang bayag.! Sana nakipaghiwalay na lang muna siya!" Galit na bulyaw ni Joy.

"Alam kong pinilit niyang ayusin ang relasyon namin. Ramdam ko ang effort niya pero siguro hindi na talaga niya maibabalik pa ang pagmamahal niya sa akin. Hanggang makilala niya si Katherine."

"Fuck! At kasalanan ko kung bakit nagkakilala sila." Sabi ni Joy na hindi maintindihan ang mararamdaman. Para itong baliw na napasabunot pa ng buhok dahil puno ng prustasyon.

"Ano ka ba bes? Hindi mo kasalanan dahil hndi naman ikaw ang nagsabi sa kanila na lokohin si Isa." Saad ni Mae.

Lalong lumakas ang iyak ko at humagulgol na ako. Sandaling natahimik sila at nakayuko lamang ako.

"Isa! Baka its time to give up. Sabi nga don sa nabasa ko na, It hurts to let go but sometimes it hurts more to hold on. Huwag mong hintayin na kahit ang katiting na pagmamahal mo sa sarili mo ay mawala pa ng dahil sa pagmamahal mo sa kanya." Sabi ni Mae kaya tumingin ako sa kanya. Alam kong nasasaktan na din sila dahil sa nangyayari sa akin. At wala akong magawa.

"Bakit? Ano bang kulang? Anong kulang sa akin? Ayaw ba niya sa ugali ko?" Tanong ko habang nakatingin sila.

Hinawakan nilang pareho ang aking mga kamay. "Walang kulang sayo, sobra sobra ka pa nga eh. At hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para sa iba. Siguro kasi masyadong lang nasanay si Chase na parati kang nandyan para sa kanya. At siguro din hindi si Chase ang lalaking itinakda para sayo." Wika ulit ni Mae.

"Baka kayo yong literal na pinagtagpo pero hindi itinadhana." Si Joy na natawa pa. "Tumayo kayo at maligo dahil may pupuntahan tayo." Sabi pa niya na nagkatinginan kami ni Mae.

Naligo na kami at kahit masama ang pakiramdam ko ay sumama ako sa kanila. Sumakay kami sa kotse, si Joy ang nagmamaneho katabi niya si Mae at ako sa likod.

Huminto ang kotse sa harap ng favorite coffee shop naming tatlo. Pagpasok namin sa loob ay napansin ko agad ang babaeng kulang na lang ay isumpa ko.

Lumapit si Joy sa kanya at nagulat ako dahil bigla niya itong sinampal. Nanlaki ang aking mata at hindi ako nakagalaw. Lahat ng tao sa coffee shop ay nakatingin meron pang kumukuha ng video.

Napahawak si Katherine sa kanyang pisngi kung saan siya sinampal ni Joy. Kahit papano ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Alam kong biktima din siya, biktima ng pagmamahal at pag-ibig.

"Fuck you! You slut! At talagang kaibigan ko pa ang inahas mo. Why Katherine? Naubusan ka ba ng lalaki kaya yong pagmamay-ari ng iba ang kinuha mo!!?" Galit na sigaw ni Joy sa kanya. Inaawat siya ni Mae at ako naman ay nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakagalaw.

Walang lumabas na salita sa aking bibig. Marami akong gustong itanong at sabihin sa kanya. Pero naging pipi ako ng mga sandaling iyon.

"Im so sorry! Sorry Isa sorry!" Umiiyak na sagot ni Katherine. Tumingin ito sa akin.

"Tama na!" Mahina kong sabi sa kanila.

"Sorry!? Fuck you again! From now on, hindi na kita kaibigan at kahit kailan wala akong kaibigan na ahas!" Sigaw ulit ni Joy sa kanya.

"Sabi ng tama na!" Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin. "Gusto ko ng umuwi! Umuwi na tayo." Mahinahon kong sabi sa kanila. Akmang tatalikod na ako ng bigla akong nahilo at nabuwal ako sa pagkakatayo.

Naramdaman ko na lamang na may mga brasong pumulupot sa aking katawan at bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay umangat ako sa ere at naamoy ko ang isang pamilyar na amoy ng pabangong panlalaki. At tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.



NAGISING ako sa ingay ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko pa tuluyang naibubuka ang mata ko pero dinig ko ang nagtatalong mga boses ng mga kaibigan ko.

Nagsisiishan sila, at hindi ko alam kung bakit. Wala akong idea kung ano ang nangyayari.

Ang alam ko nasa coffee shop kami at nagaway sila tapos sumigaw ako at hinimatay ako.

Hinimatay??????

Nagmulat ako ng mata at napabalikwas ako ng bangon. Bumungad sa akin ang mga nagaalalang mukha ni Joy, Mae, ng mga kapatid ko at ni mama.

Inikot ko ang paningin ko at mukhang nasa ospital ako. May nakakabit ding iv sa kamay ko.

"Bes!" Sabay na sabi ng mga kaibigan ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" Si mama

"Ate okay ka naba?" Mga kapatid ko.

Sasagot na sana ako ng biglang pumasok ang doctor. Lumapit ito sa akin. "How are you feeling." Tanong nito ng makalapit sa akin.

"Okay naman po doc." Sagot ko.

"I see! Alam mo okay lang na sabihin na hindi ka okay," makahulugan niyang sabi.

Tumingin ako sa kanya at yumuko ulit ako at sumagot. "Mas okay pong sabihin na okay lang para sa mga taong patuloy na nagmamahal sa akin. Dahil alam kong kapag sumuko ako sila ang unang masasaktan."

"Okay! Now i know kung bakit ikaw?" At lalo akong natulala sa sagot niya. Naguluhan kasi ako weird ang mga sinasabi niya. "Anyway, kailangan mo ng pahinga. Eat more healty food, dahil bumagsak na ang nutrition level ng iyong katawan. Dont over worked your self. Dahil na over fatigue ka na." Dagdag pa ng weirdong doctor.

Umalis na din agad ang doctor, marami pa itong bilin at pinatetake din ako ng vitamins para mas bumilis daw ang recovery ko.

Kakatapos ko lang kumain ng may kumatok sa pinto. At nang buksan ito ng aking kapatid ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Chase.

Kahit mukhang puyat at pagod ang itsura nito ay hindi parin nawawala ang kagwapuhan niya.

Pumasok siya at lumabas naman ang mga tao sa loob ng kwarto ko. Nakapamulsa siyang lumapit sa akin. Mapapansin din sa mukha niya ang lungkot at sakit, lalo na sa mga mata niya.

Mukha din siyang haggard at may maliliit na buhok na patubo palang sa kanya baba. Namiss ko ang lalaking ito. Gusto kong tumakbo sa kanya at magpakulong sa mga bisig niya.

Nakatingin lang ako sa mukha niya habang dahan dahan siyang papalapit. Makikita din na medyo nagaalangan pa siyang lumapit sa akin.

Nanlalabo ang aking mga mata dahil sa luha. "Isa!" Mahinang sabi niya at tuluyan ng tumulo ang aking mga luha.

Tinawid niya ang pagitan namin at niyakap niya ako ng mahigpit. Siguro nga ay kailangan na naming pagusapan ang lahat.

"Im so sorry! Sorry dahil binigo kita." Sabi niya habang nakayakap ng mahigpit.

Letting Go (Duology Series 1)Where stories live. Discover now