CHAPTER 21

48 2 0
                                        

Andrea's POV

Nakatulala ako sa mga oras na yon na parang nanlalambot ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong dapat na reaksiyon.

Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad habang hawak hawak niya ang kamay ko.

 "Get in " ani niya sa akin kasunod ang pag-iwas niya sa tingin ko sa kanya.

Agad naman akong sumunod sa sinabi niya, sumakay na ako ng kotse ko at siya naman ay sumakay na din sa driver's seat.

" Wear your seat belt" muling utos niya sa akin.

Hinigit ko ang seat belt na inuupuan ko habang nakatingin lang sa kanya na hindi pa rin ako matingnan.

" W--why did you ki--kiss me?"  naauutal na tanong ko sa kanya.

" Chris, why did you kiss me? " pag-uulit na tanong ko sa kanya.

Ilang minutong binalot ng katahimikan ang kotse ko. Hindi ko alam kong narinig niya ako or ayaw niya lang talaga sagutin ang tanong ko.

Pinaandar niya ang kotse at kaagad na nagmaneho pabalik sa apartment ko. Hindi nalang ako nagsalita, wala sa amin ang nagsalita pa hanggang sa marating namin ang apartment ko.

Pinark niya ang kotse at kaagad na sumandal sa upuan at ganon din naman ako. I have a lot of question, I have a lot to say pero walang lumalabas sa bibig ko.

" Here's the key magtataxi nalang ako pauwi " ani niya sabay baba sa kotse ko. 

At nagsimulang maglakad paalis

Humugot ako ng napakalalim na hininga bago bumaba.

" CHRIIIIIIIS!!!! " malakas kong pagsigaw sa kanya. 

Tumigil siya sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod.

" HINDI MO PA SINASAGOT YUNG TANONG KO" ani ko sa kanya.

" NAGHINTAY AKO, HINIHINTAY KO ANG SAGOT MO" dagdag ko pa.

Pero imbes na sumagot siya nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakita kong pumapara na siya ng taxi.

" CHRIS JUST FORGET ABOUT THIS DAY--- I'LL FORGET ABOUT THIS DAY TOO" malakas muling pagsigaw ko sa kanya.

Nakita kong tumingin siya sa akin at tumango bago tuluyang sumakay sa taxi.

Umakyat na ako sa apartment ko ng nakalayo na si Chris, agad akong dumiretso sa kwarto ko. At noon ko pa napagtanto bakit niya ginawa yun.

" Ang tanga mo talaga kahit kailan Andrea" ani ko sa sarili sabay sapo sa mukha ko.

Matapos kong magwash-up humiga na ako at natulog.

Kinabukasan..

Ring...

Ring...

Ring...

" Y--yes?" humihikab hikab kong pagsagot sa tumatawag sa akin.

" Ms. Kang? First day ng shooting po natin " ani ng nasa kabilang linya na syang dahilan para mapabalikwas ako ng bangon sa higaan ko.

" Oh, my gosh, Sean sorry I'm on my way " agad na sambit ko kasunod non pag-aayos ko.

" Alright, we'll wait for you"

At ilang minuto pa ay bumaba na ako papunta sa kotse ko.

I drove going sa set namin.

And while on my way bumalik sa utak ko yung nangyari kagabi. 

Mabuti nalang at naka stop pa kung hindi madidisgrasya pa ata ako sa kakaisip.

" Andrea forget about it, erase, delete, omit" ani ko sa sarili kasabay ang malakas na sampal sa sarili ko para magising.

" Araaay" ani ko sa sarili sabay haplos ko sa side ng pisngi ko na kanina ay sinampal ko.

At matapos ay bumalik sa pagmamaneho.

Matapos ang ilang minuto narating ko na ang set namin. At kita ko mula dito sa sasakyan ko na kumpleto na pala talaga sila. At unang nakita ng mata ko si Chris na umiinom ng kung ano.

I was still shocked and embarrassed by what I did last night. Kaya ilang minuto pa akong di makalabas sa kotse ko.

" Bahala na nga" ani ko sa sarili kasunod noon ang makailang beses na buntong hininga.

Lumabas na ako ng kotse dala dala ang bag ko at yung makapal na script.

At unang sumalubong sakin si Sophiah na abot langit ang ngiti.

" Ms. Andrea sorry nakatulog ako kagabi while waiting for you--" agad na bungad ni Sophiah sakin sabay kuha ng bag ko.

" No, its okay Sop" ani ko sa kanya sabay pisil sa pisngi niya.

" by the way ano po pala yung itatanong mo po about sa script po?" pagtatanong ni Sophiah habang papunta kami sa cottage namin.

Hinaplos ko nalang ang buhok niya at nakangiting tumingin at umiling sa kanya.

" May sumagot na  Sop" ani ko sabay dalawang beses na pumalakpak para kunin ang atensiyon ng team ko.

Nakita kong napakunot ang noo ni Sophiah, marahil nagtataka siya sino ang tinutukoy ko.

At isa isa ngang lumalapit ang mga cast and crew sa akin. At isa isang bumati sakin.

" Good Morning Ms---Andrea" nauutal na sambit ni Chris.

" Enough with that chit chats, this is our first day of shooting guys and I want to let you know how important this series is, the future of this pretty girl beside me depends on each of everyone and especially to me so help me guys please" panimula ko.

"Sean and my other crew who's been working with me before know how different I am whenever I say the word " action".  Sumisigaw ako, nagmumura and you might feel embarrassed but know this is just a part of our job get it? Get it,  Stephanie and --- Chris? "

Kaagad namang tumango sila bilang pagsang-ayon nila. 

" Very good, so 15 minutes break after start na tayo okay? Please prepare all the lightings and camera please. Thank you" ani ko sa mga crew at pati kay Sean

" Sophiah? Is there something wrong with your Kuya and Steph?" agad na bulong ko kay Sophiah habang papasok sa cottage namin.

" Bakit po Ms?" 

" Wala kasi parang di sila nagpapansinan tapos napansin ko mata ni Stephanie may problema ba sila?" pag-uusisa ko pa.

" Kagabi po kasi parang nag-away sila, dont know kung bakit pinalabas kasi ako ni Kuya sa kwarto niya Ms e" pagpapaliwanag ni  Sophiah sakin.

At agad naman pumasok sa isip ko yung nangyari samin kagabi.

" Hindi kaya dahil sakin?"

" Nakita kami ni Stephanie naghahalikan?"

" Sinundan niya kami?" 

Mahinang bulong ko sa sarili.

" Ano po yun Ms?" agad nagising ang ulirat ko sa tanong ni Sophiah na siyang dahilan para magulat ako.

" Ha?" 

" Sabi niyo po 'sinundan niya kami?' sino po? sino po sumusunod sa inyo?" 

" Ah kasi kas---kasama ko kagabi si--" nauutal kong sambit ko sa kanya.

" kasama ko kagabi yung dati kong assistant na--napansin ko lang may sumusunod samin pero wala yun wala" agad na sambit ko naalala ko hindi ko nga pala pwedeng sabihin na magkasama kami ng kuya niya kagabi.


US  사랑의 숨겨진 기억Место, где живут истории. Откройте их для себя