" STOP WALKING!!!" sigaw niya sakin sa mismong lobby pa ng SBS.
Kaya agad akong napalingon sabay pamewang. Ano ba inaakala ng lalaking to?
"Paa mo to? Paa ko to kaya maglalakad ako kahit anong oras ko gusto!" sagot ko sa kanya.
"Kilala niyo ba yang babaeng yan? Tell me, right now!" ani pa niya sa kung sino na di ko nakikita kaya lumapit ako ng bahagya para makita kong sino kinakausap niya.
Isa sa mga staff ko pala.
" Kilala ako niyan at bakit?" pagsusungit ko sa kanya.
" Bakit? I tell you huling araw mo na ngayon! I'll make sure you'll get fired!" galit na galit na sambit niya sakin na halos manlisik na mga mata niya.
" O? Talaga? Gusto mo ihatid pa kita sa boss ko, tara!" ani ko sabay higit sa kanya at kinaladkad papunta sa office ni Boss.
" Gusto mo ako ipafired? Okay go! Para kang timang ha! Ikaw nauna sumigaw ikaw pang galit" ani ko habang buong lakas siyang hinihigit papunta sa office ni Boss.
Halos nagliliyab na ako sa galit sa lalaking to. Kaya ng marating namin ang office ni Boss dali dali kong binuksan ang office niya.
" Andito na tayo, make sure na mapapatanggal mo ako ha?Siguraduhin mo lang" ani ko sa kanya at kaagad na tinulak sa papasok sa office na siyang dahilan para maout of balance siya at tumilapon sa sahig at mabangga sa isang sofa.
" Ipatang--" nahinto ako ng makita ko si Sophiah at isang babae na nandoon sa loob lalo pa nung nilapitan ni Sophiah ang lalaki.
" Kuya? Ano nangyari?" ani ni Sophiah.
" Love? Bakit?" ani naman nung isa pang babae.
Tumayo yung lalaki at kaagad na inayos ang suot niya.
" Yan kasing babaeng yan! Tinatawag ko di ako pinansin" ani nito kay Sophiah.
"Ms. Andrea explain this! Right now!" ani naman ni Boss sakin.
" You fired her right there's no need for her to explain" agad na sabat niya kay Boss.
" Stop for a while Mr. Ko" ani ni Boss sa kanya,
"Kuya" pagsaway sa kanya ni Sophiah.
Napasabot ako sa buhok ko sa oras na yun. Wala ako maintindihan.
" Sandali! Sophiah? Kuya mo siya?" pagtatanong ko sa kanya para maliwanagan ako.
" Opo Ms.Andrea" sagot sakin ni Sophiah na nalilito na din sa mga nangyayari.
"Sop? Kilala mo ang babaeng yan?" pagtatanong naman ng lalaki.
" Oo kuya, siya makakatrabaho ko sa series na ginawa ko ano ba kasi nangyari?" sagot ni Sophiah sa kapatid niya.
Mas lalo ako nanghina at agad na napasandal sa pinto. Yung kinaladkad ko pala ay kapatid ni Sophiah.
" Ms?Ano bang nangyayari? Kasi nandito kami para pumirma ng kontrata para sa series iniintay lang namin ang director" mahinahong sambit ng babae na hinahaplos ang likuran ng lalaki na tumama sa sofa kanina.
" Ms. Andrea, sila yung actors na sinasabi ko sayo" ani ni Boss.
Napatakip ako sa mata ko at napakagat sa ibabang labi ko.
"Sandali boss, sila yung real life couple na sinasabi mo?"
" Sandali , ikaw director namin?"
Halos sabay pa naming pagkakasabi at nakaturo pa sa isat isa. Pati si Boss napakamot na sa ulo niya.
" Oo Mr. Ko siya magiging director niyo, and Ms. Kang sila main leads mo" pagliliwanag ni Boss samin.
" Hindi, hindi ako papayag . I decline!" agad na sambit ng lalaking na coat and tie.
" Aba! mas lalong ako hindi rin ako papayag" ani ko sabay kibit balikat.
" SANDALIIIIII!!!" malakas na sigaw ni Boss samin.
" Ano ba nangyayari? Para kayong mga batang nag-aaway!Pipirma lang kayo ng kontrata pero nagmuka akong guidance councilor dito"
"Entertainment company to hindi eskwelahan! UMAYOOOS KAYONG DALAWA" ani ni boss sabay pabagsak na nilapag ang mga kamay niya sa mesa.
Kaya umayos ako na tayo at dali daling sinarado ang pinto dahil madami na nakikiusyuso.
" Ano? May mageexplain ba sa inyong dalawa?" ani ni Boss.
Napayuko nalang ako, sa tanang buhay ko sa industriyang ito never pa ako nagkaganitong eksena.
" Ito kasi boss, nadinig ko naman na tumawag siya, pero di ko alam na siya tsaka madami reporter sa baba. So problema ko pa ba yun kung di ko siya nakita?" pageexplain ko sa side ko.
"Nagkasabay kami sa elevator kaso di ko alam sa antipatiko at mahangin mong kapatid Sophiah kung ano pumasok sa utak para sumigaw sa loob ng elevator"dagdag ko pa.
Nakita ko pang tinapik siya sa balikat ni Sophiah pati ng babae sa tabi niya. Pero kita ko pa din pagmamatigas niya.
"Mr. Ko bakit mo naman sinigawan si Ms.Andrea?" pagtatanong sa kanya ni Boss.
"Okay, sorry. Nairita ako akala ko kasi staff kalang na supposedly magaassist sakin papunta dito, di ko naman alam na director ka pala, an--anliit mo kasi" ani niya pa na mas kinairita ko.
Umigting ang mga panga ko, kasunod non ang pagkuyom ng mga kamay ko na parang handa ng manapak ng muka.
"ANO SABI MO?" ani ko sa kanya sa mataas na boses.
" Bakit totoo naman a, pero infairness malakas ka para makaladkad mo ako papunta dito" dagdag pa niya di ko alam kong nanadya na.
Umiling iling ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
"Boss I cant, bigay niyo nalang sa ibang director. Di ko kayang makipagtrabaho sa maapog na tulad niya." ani ko sabay kuha ng bag na nilapag mo sa upuan na malapit sakin at agad na tumayo
"Yes" pabulong na sambit ng lalaki.
" YEEES! wag mo ibulong, isigaw mo!" ani ko sabay labas at pabagsak na sinirado ang pinto ng office ni Boss.
At dali daling naglakad papunta sa elevator.
" Kala mo kung sinong kagwapuhan, kung umasta" bulong ko sa sarili habang naglalakad.
" MS. ANDREA!" sigaw ng nasa likuran ko kaya napahinto ako at lumingon sa kanya.
" Di mo na ba talaga tatanggapin to? " ani ni Sophiah na sinundan pala ako.
Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.
" I don't know, baka, siguro, pero dont worry madami namang director dito okay?" ani ko sa kanya
" Pero ayaw ko po sa kanila, gusto ko sayo lang hindi ako papayag efeature to kung hindi ikaw Ms.Andrea" agad sagot ni Sophiah sakin na siyang dahilan para manlumo ang puso ko.
"Ako na po nagsosorry sa kung ano man ginawa ni Kuya sayo, please ituloy mo po na edirek ang series na to please" dagdag pa niya.
" Sophiah kasi ano--"
"Idol ka niyang writer, kaya gusto niya na ikaw humandle ng first series niya--" ani pa ng lalaking nasa likuran ni Sophiah.
" Para sa kapatid ko. I'm bended knee--" ani ng lalaki kasunod nun ang dahan dahang pagluhod niya sa harap ko.
" na humihingi ng tawad sa mga ginawa ko kanina sayo. I'm so sorry" dagdag pa niya.
" Love you don't have to do that, anliit ng issue niyo " ani ng babae habang pilit na pinapatayo ang lalaki. Pero nanatili iyong nakaluhod.
" Please let's do this for my sister" muling ani niya at dahan dahang lumapit sa akin habang nakaluhod.
Ilang minuto ko siyang titigan, weakness niya pala ang kapatid niya. Gagawin niya ang lahat para sa kapatid niya.
"Ma.Andrea Kang, your director" ani ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya.
YOU ARE READING
US 사랑의 숨겨진 기억
FanfictionWhat can you give in the name of love? Can you give up everything for love? Will you fight or just give up? Ma. Andrea Kang, Chris Jin Ko, Tristan Lee, and Stephanie Tan. Four people with different perspectives on what true love really means. As th...
