CHAPTER 24

51 2 0
                                        

Andrea's POV

Mabigat at maluha luha akong umalis sa set, at first time iyong nangyari. I feel so ashamed of what I did. Sana kinausap ko lang siya about it instead of shouting and provoking her.

Pero wala na akong magagawa nangyari na. Kailangan ko lang magpalamig muna. Take time to think about myself.

Dumiretso ako sa apartment ko.

Pagkarating ko agad kong pabagsak na hiniga ang katawan ko sa sofa bed na tila pagod na pagod. I stare at the ceiling.

Subrang blangko ng utak ko.

" Bakit ko ginawa yun?" bulong ko sa sarili napailing nalang ako sa naiisip kong sagot sa sarili kong tanong.

I breathe tediously and slowly get myself up.

Inikot ko ang paningin sa paligid ng apartment ko para makahanap ng gagawin just to divert my attention.

" Okay general cleaning" ani ko sa sarili.

Right after that thought nagpalit kaagad ako ng pambahay ko kinuha ang mga panlinis 

" Walis"

" Dustpan"

" Pamunas"

I started sa kusina hinugasan lahat ng dapat hugasan. Pinunasan lahat ng dapat punasan.

Matapos ay sumunod noon ay sa living area, redesign, lipat dito, lipat doon.

Walis dito, walis doon.

" Gosh ang dumi na pala ng apartment ko" ani ko habang patuloy sa pagtagak tagak ang pawis ko galing sa ulo ko pababa sa leeg ko.

Nang makuntento na ako sa limang beses na paglilipat ng TV at sofa bed ko  umupo ako para uminom ng tubig.

My sofa bed is now near the window, sa harap neto ay ang television ko at sa baba is a pink fluffy mat.

I open the window and remove the curtain at the same time

Nang matapos ko na ang living area dumiretso na ako sa kwarto ko.

Pagkabukas ko sa pinto ng kwarto napatigil ako sa pinto para isipin anong gagawin dito.

I started removing my bedsheets, my blanket as well as my pillowcases. I also remove all the curtains. 

I put it all in my laundry.

" Ohmaaaygahd andami kong labahin" agad na ani ko sa sarili ng makitang tambak na pala ang labahin ko hindi nga pala ako naglaba nung last week.

" Bahala na nga" ani ko sabay salpak ng mga bagong labahin sa basket.

Walis dito, Walis doon.

Punas dito, Punas doon

Nang matapos ko ng linisin lahat kumuha ako ng mga pamalit kong bedsheets, curtains, pillowcase, and blanket.

Kumuha ako sa separate cabinet na nasa baba ng personal television ko.

May tatlong rectangular cabinet iyon 1 for my dresses, 1 for my pambahay and 1 intended for bedsheets, pillowcase, curtains, towels, and blankets.

And the moment I opened it a memory from the past flashed back.

" Diba favorite mo to? Bilhin ko ipapalit natin sa higaan mo"

" Mommy, hindi ko naman favorite yan, favorite mo yan pero since magkatabi naman tayo matulog bilhin mo nalang mommy"

Napapikit nalang ako para agad na maputol ang kung ano mang nasa isip ko. Kinuha ko yung kasunod na sheet.

Pinalit ko iyon sa bed ko at muling bumalik sa paglilinis.

US  사랑의 숨겨진 기억Donde viven las historias. Descúbrelo ahora