CHAPTER 2

125 7 0
                                        

 From elevator tinungo ko kaagad ang kinaroroonan ni Tristan.

My childhood friend & my boyfriend. He's a doctor and owned a lot of branch of Louis Vuitton inside and outside Seoul. Kakasagot ko lang sa kanya month ago after a 1 year of panliligaw niya.

"Kanina ka pa dito?" agad na sambit ko sa kanya sabay halik niya sa pisnge ko.

" Kakadating ko lang nong pagtawag ko sayo " sagot niya habang ginigiya ako papasok sa kotse.

"Kumusta naman don sa work place mo?" panimula ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Okay lang naman as usual madaming patient, kumain ka na ba? Kain muna tayo bago kita ihatid " ani niya sakin na tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya.

" Saan mo gusto kumain hon?" pagtatanong niya sa akin habang palingon lingon sa dinadaanan namin.

"Ikaw bahala" mahinang sambit ko sa kanya.

Maya maya tumigil kami sa isang restaurant, may pagkaelegante ang lugar and I am used to it na dahil palagi naman ganon ang lugar na pinupuntahan namin.

Nag-order siya ng pagkain na para samin dalawa at maya maya din ay dumating at inihain na sa aming dalawa. Nakatitig lang ako sa mga inorder niya bukod sa pagod ako at walang gana e antok na antok na din ako, pero pinilit ko pa din kumain.

Mabuti nalang masasarap yung naorder niya unlike sa unang kain namin na napakaepic, bukod sa di masarap, palpak pa pagkakaluto.

" Mas okay to kesa nong una hon " ani ko sabay ngiti ko sa kanya.

Tumango siya sabay ngiti at subo ng pagkain niya na ganon din naman siya.

" Wag mo na yun ipaalala hon, I am trying to forget that epic fail dinner date" ani niya sakin.

" Hon its just epic not a fail nakakain din naman tayo kaso di nga lang ganon ka enjoy " pagliliwanag ko sa kanya.

" Kahit na nahihiya pa din ako until now hon" ani niya sakin. 

" Ngayon ka pa nahiya sakin, huuy paalala ko lang weve been 7 years of friendship and 1 month in relationship wala ng lugar yang hiya hiya mo" ani ko sa kanya dahil nararamdaman ko na din ang ilang niya siguro naninibago, and I understand it.

Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa kotse at pinagmaneho na niya ako pabalik sa apartment ko na medyo may kalayuan sa location ng work niya and location ng set.

" Hon, were here na " paggising sakin ni tristan, di ko pala namalayan na nakatulog ako habang nasa byahe.

" Aw okay okay goodnight hon" wala sa ulirat kong sambit sa kanya.

At akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse niya hinawakan niya ang kamay ko na naging dahilan para mapalingon ako sa kanya.

at kasunod noon

ang mabilis pagdampi ng labi niya sa labi ko

" I love you,Goodnight" aniya.

Tumango tango pa rin ako at dali daling lumabas ng kotse niya at kumaway sa kanya.

Nakita ko pa ang paglayo ng kotse niya.

At doon pa ako natauhan sa halik na yun.

" Baliw ka talaga, Andrea tumango tango ka pa" ani ko sa sarili sabay kamot sa ulo ko habang hinahanap susi ng apartment ko.

Nang nakapasok ako sa apartment ko dali dali akong dumiretso sa kwarto ko at kaagad na nagpalit ng damit at matapos ay dali daling binagsak ang katawan ko malambot kong kama.

RING...

RING...

RING...

RING...

" Ano ba naman patulugin niyo din naman ako " ani ko habang tinatakip ang unan sa tenga ko.

Pero patuloy sa pagring ang cellphone ko kaya napilitan nalang akong tumayo at kinuha ang phone ko na nooy nasa bag ko at matapos ay muling bumalik sa pagkakahiga.

" Ma. Andrea Kang speaking " agad na ani ko dahil alam ko naman na unang itatanong is " Can I speak to Ma. Andrea Kang?" kaya inunahan ko na.

[ Love , Nasa labas ako ng condo mo]

"Love?"

[Love, ako to buksan mo na pinto may dala akong pagkain]

" Hon, diba kumain na tayo?Tsaka teka nga hon tawagan natin bakit love na naman?" 

[ Love tawagan natin hindi hon, sinong Hon? May iba ka love? Buksan mo pinto RIGHT NOW!!!] 

sigaw ng nasa kabilang linya sakin na halos mabingi ako dahil nakadiin ang phone ko sa tenga ko.

Kaagad akong napatingin sa tumatawag

UNKNOWN NUMBER

Kaagad akong napakagat sa labi ko bago muling sumagot ang nasa kabilang linya na kung ano ano ng sinasabi dahil na siguro sa galit niya.

[OPEN THE DOOR I SAID]

" Tumigil ka nga kakasigaw mo sakin nabibingi na ako, wrong number ka! Try mo kumatok, lakasan mo yung dinig sa mars o di kaya sirain mo nalang yung pinto! BYEEEE " ani ko sabay patay ng tawag at kaagad na tinakpan ang muka ko ng kumot.

*BEEP * BEEP * BEEP

"Anak ng pusang gala naman, ANTOOK NA ANTOOOK NA AKOO ANOO BA!" ani ko sabay kuha ng phone ko at tinapon iyon sa sofa na nasa di kalayuan sa kama ko.

.

.

.

.

10:00 na ng umaga ako nagising at subrang late na para sa shooting namin.

Dali dali akong bumangon at kinuha ang phone ko. 

Punong puno iyon ng miscalls from Eunice,Tristan and from SBS management. Napakamot nalang ako ng isa isa ko iyong tiningnan pati nadin ang mga text message.

[Good Morning Hon, dont skip your breakfast. I love you] - Tristan

[Ma. Andrea, asan ka na?Tanghali na]- Eunice

[Ma. Andrea please be informed that you will have a new series to work on, meet me in my office for discussion] - SBS C.E.O 

"Nakakabwesit naman ang aga aga"

[I'm sorry for disturbing you, I thought your number is her number. Sorry again]- Unknown Number

"Kasalan mo to kung di ka ba naman tumawag di sana nakatulog ako ng maaga at nagising ng umaga. Di uso katok?" ani ko sarili sabay delete ng text message ng Unknown Number.

Kaagad kong kinuha ang tuwalya at dumiretso sa C.R para mabilis na makaligo. 

" Everything is going to be okay, this just a 5 hours bad mood not a 24 hrs" ani ko sa sarili matapos ay kaagad na tinurn on ang shower.

Ilang minuto ay natapos din ako at kaagad na nagbihis at dali daling tinungo ang kotse ko  at doon na nagsuklay.

[Ms.Ma. Andrea Kang? Where are you? Did you receive my text message? Is this how you reject a project I'm offering to you?]                                     



US  사랑의 숨겨진 기억Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt